CHAPTER 11: Reto

384 19 12
                                    

Chapter 11: Reto

Napag-pasyahan kong mag-mall ngayon para bumili ng mga gamit ko. Ayoko kasing pumunta sa bahay para kumuha ng gamit. Tsaka bibili na din ako ng phone. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ako mag-tatagal dito.

Tumawag na din ako kay Mom gamit ang phone ni Tita kaya alam na nila na dito ako tumutuloy kala Justin ngayon. Hindi naman na sila nag-alala sakin dahil alam naman nilang ligtas ako dito. Sinabi ko lang na nagkaron kami ng konting away ni Alex kaya ayoko munang umuwi sa bahay. Pumayag naman si Mom.

San ako kukuha ng pera? Luckily, may naka-ipit na credit card sa pants na suot ko nung pumunta ako sa park. Ewan ko din kung bakit napunta 'yon dun. Minsan nga may isang libo pa ako sa phone case, hindi ko alam kung kelan ko nilagay don.

"Pupunta lang po kami ni Jah sa mall, bibili lang po ako ng mga gamit ko." pag-papaalam ko kay Tita.

"Oh sige, mag-iingat kayo." sagot ni Tita nang may ngiti.

Nginitian ko din si Tita tsaka siya niyakap. Medyo nagulat pa si Tita sa kinilos ko pero niyakap nalang din niya ako pabalik.

"Thank you po sa pag-aalaga pag-papatuloy sakin dito. Hindi ko po alam kung pano ako makakabawi sa inyo." kumalas na ako sa yakap tsaka tumingin kay Tita.

"Naku, ano ka ba? Wala lang 'yon! Tsaka matagal na din naman kaming mag-kaibigan ng Mama mo at marami na din siyang naitulong sakin. Oras naman siguro para tulungan ko naman yung anak niya."

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Tita. Ang bait nilang mag-anak sa akin. Tinuturing talaga nila akong parte ng pamilya nila.

Tuluyan na kaming nag-paalam ni Jah kay Tita bago umalis. On the way na kami ngayon at malapit na kami.

Nang maka-rating na kami ay ipinark muna ni Jah ang kotse niya tsaka kami tuluyang pumasok sa mall. Pinagtitinginan siya ng mga tao lalo na ng mga babae dahil sa ayos niya ngayon, muka kasi siyang Koreano.

"Hoy Korean boy, ano bang trip mo kasi at ganyan ang ayos mo? Pinagtitinginan ka tuloy." banggit ko sa kanya.

"Sanay na, since high school naman eh." sagot niya tsaka bahagyang tumawa.

"Wow, since high school. Edi ikaw na." pagbibiro ko sa kanya.

No wonder, nagustuhan siya ni Ethena. Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang Justin de Dios? Gwapo, matalino, mabait, masipag, magalang, talented pa.

Ideal guy in short.

Ang swerte talaga ni Ethena, buti pa siya, naramdaman kung paano mag-mahal ang isang Justin de Dios.

Bumili muna kami ng phone at sim card. Ganon lang din sa model ng phone ko dati yung binili ko. Hindi na kami nag-tagal dahil mabilis lang naman akong pumili.

Dumiretso na kami sa Terranova, Penshoppe, Bench, at kung saan saan pang shop. Binili ko na lahat ng kailangan ko, damit panloob, pang alis, at pang bahay.

"Ikaw Jah, baka may gusto ka, pili ka lang, ako nang bahala." banggit ko sa kanya habang namimili ako ng damit. Sumusunod lang siya sakin. Buti nga at hindi siya naiinip.

"Hindi na, okay lang. Marami pa naman akong damit sa bahay." sagot niya.

"Ano ka ba? Sige na, ngayon lang kita malilibre. Pumili ka na, hindi ako tumatanggap ng 'Hindi'." wala na siyang choice kaya namili nalang din siya ng damit na gusto niya.

Saktong pagkatapos kong mamili ay may napili na din siya. Pumila na kami sa counter tsaka nag-bayad.

Madami dami na din pala akong nabili, okay na siguro 'to.

Agonizing Desire •SB19 JUSTIN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon