CHAPTER 01

4.8K 155 53
                                    

Subdivision Scandal V
Written By: TheSecretGreenWriter
✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️

GANNY'S THROWBACK•
🌈❤️🧡💛💚💙💜🖤💟

"At ngayon kompleto na sila"

Bigla akong kinabahan nang sabihin 'yon ng lalaking kulay berde ang buhok, nasa unahan silang tatlo.

Katabi niya si Kuya Zhabby at ang isa pang lalaking kulay pula ang buhok.

Si kuya Zhabby naman ay kulay abo ang bang's ng kanyang buhok.

Ang weirdo nilang tatlo. Pero mas nakakairita tong maingay na tumitingin samin. Kasama ko ang ibang mga batang lalaki na nakaupo dito sa bakanteng klasrum sa secondary campus.

Tahimik ang lahat, pero di ko maiwasang mapatingin sa mga studyanteng naririto kasama ko.

Gusto kong tanungin si Kuya, kung ano ang nangyayari at bakit ako naririto.

"Kung nagtataka kayo bat nandito kayo" nagsalita yung lalaking pula ang buhok. "Ipapaliwanag rin namin mamaya"

Tumingin sakin si Kuya Zhabby. "Hindi niyo na kaylangan tanungin ang mga pangalan namin, maari niyo kameng tawagin sa kulay ng buhok meron kame"

Anong pinagsasabi niya? Hindi ko maintindihan.

"Tawagin niyo akong Gray" sinulat pa ni Kuya ang katagang yun sa pisara sa likuran niya.

"I'm Red" isang malaking ngiti ang binigay ng lalaking nakaputi na may suot pang reading glass.

"Hahahahaha at ako naman si Green" sumunod na nagsalita ang maingay na nilalang sa aming harapan. "Kayo ang napili namin bilang bagomg miyembro ng aming samahan" sumeryoso siya at isa isa kameng pinagmasdan.

"Dati kameng nasa katayuan niyo" naupo si Red sa lamesa sa harapan at pinagkrus niya ang mga kamay niya. "Kaylangan na ng bagong lahi para sa aming samahan"

"Mga dating pioneer, mga senior namin ay wala na" saad naman ni Kuya habang iniitsa itsa ang tisa na hawak niya. "Yung iba, kumalas na' yung iba wala ng oras" dagdag niya.

"Napili namin kayo" isa isang dinaanan ng tingin ni Green kameng mga naka upo sa silya. "Kayong lahat ang pumasa sa aming criteria Hahahahaha"

Bigla akong napatingin sa mga batang nasa tabi ko. Napatingin sakin yung mukhang hapon tapos kumaway sakin.

Pero sinungitan ko siya.

Nakasimangot akong bumaling kay Kuya, gusto ko ng umuwe. Gusto ko ng maglaro sa playstation ko.

Sumenyas sakin si Kuya na relax lang daw ako. Napakamot nalang ako ng ulo ko.

"Sinusubaybayan namin ang mga kilos niyo" muling nagsalita si Kuya, the heck?! Sinusubaybayan nababaliw na ba itong si Kuya. "And Thank you narin at pumayag kayong sumama sa para sa unang pulong ng ating samahan, I mean niyang inyong samahan"

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang