CHAPTER 27

1K 94 36
                                    

•••
Ganny

Maaga akong dumating sa DMA.

6:30 am ah, and what the fudge na 7:30 am niya akong pinapupunta sa United.

Balik Senior High ako, hindi ko natapos ang Fourth Year sa ibang bansa kaya dito ko na itutuloy sa DMA, wala ng nagawa ang family ko.

Kagustuhan ko'ng manatili sa Pilipinas, dahil nandito ang aligi na pupuno sa puso ng isang alimango.

Dhanny is also studying with me here in DMA, primary campus. May maghahatid naman sa kanya, hindi ko na kailangan isabay.

Nakapark lang ako dito sa labas ng eskwelahan, dahil didiretso ako mamaya para sunduin siya.

Napatingin ako sa sarili ko sa rearview mirror, napapangiting naiisip ko ang reaction niya sa Scandal naming dalawa.

Wala siyang ibang pagpipilian kun'di ang manatili sa akin. Mahal kita Dennis, nagagawa ko ang lahat ng ito dahil mahal kita.

Balang araw alam kong babalik ka sakin ng tuluyan. Pero bago ang lahat kailangan ko munang gawin ang paghihiganti ko kay Leeford, ayokong madamay ka.

Kaya sana habang maaga bitawan mo na siya.







WHILE waiting ay binuksan ko nalang muna ang radyo sa loob ng kotse.

🎶🎶Turn around
Look at what you see
In her face
The mirror of your dreams🎶🎶

Nice song, ano kayang pamagat.

Pagtingin ko sa labas ay andami ng studyanteng nagdadatingan, new set of students ah.

Habang sayang saya ako sa melody ng kantang napapakinggan ay biglang dumako ang tingin ko sa paparating na motor.

🎶🎶 Make believe I'm everywhere
Given in the light
Written on the pages
Is the answer to a never ending story Ah🎶🎶

HINDI TO MAARI.

Pinatay ko muna ang radyo. Pinagmasdan ang magkaangkas na paparating.

Damn! Hindi nga ako nagkakamali, si Dennis at Leeford!

Fvck anong ibig sabihin nito!

Pagkababa ni Dennis ay inabot niya kay Leeford ang Helmet, at masaya silang nag uusap.

Hangang sa biglang may kinuha si Dennis sa bag niya at inabot niya ito kay Leeford.

Masayang kinuha naman ng hinayupak ang binigay ni Dennis! Tangina, bat sila magkasama?! Humanda ka sakin Dennis.

Mas lalo akong nasaktan ng makitang hinalikan ni Leeford si Dennis sa noo, at kasunod 'non ay sa labi!

DAMN!

PUCHA!

UMAGANG UMAGA NAMAN 'OH!

Hangang sa naglaalam si Leeford kay Dennis, pinagmamasdan ko kung anong susunod na gagawin niya.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at Chinat siya.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu