Chapter 14

4.9K 181 17
                                    


"S-sorry, Marimar. Hindi ko sinasadya."

Huminga ako ng malalim at tumitig sa kawalan. Ni isang beses hindi ko pa binanggit sa kahit kanino ang tungkol sa ama ni Jumong at kung anong nangyari sa amin. Kaya pag may nagtatanong, lagi kong sinasabi na hangin ang nakabuntis sa akin.

Ayaw ko na kasing pag-usapan at balikan ang nangyari dati. Kahit sabihin man ng mga tao na malikot at basta-basta akong babae dahil sa sinapit ko, wala akong pinagsisisihan kasi si Jumong naman ang naging bunga na nagpabago sa buhay ko.

"Wag mo sanag mamasamain, Marimar. P-pero gusto ko kasing malaman ang tungkol do'n. At b-bakit ayaw mo syang pag-usapan?" Halata ang pag-aalinlangan sa tono ni Ginger.

Ngumiti ako ng mapait. "Ba't ko naman gugustuhing pag-usapan sya? Wala naman akong kahit anong masasabi kasi hindi ko naman sya kilala."

"Pano naman nangyaring hindi mo sya kilala? Nag-jugjug-ah-ah kayo pero 'di mo kilala?" Muli nyang tanong. Muntik ko na syang mapatid dahil sa tabil ng dila nya. Kababaeng tao!

"Eh totoo naman, e!" Angil nya. Sarap talagang kalbohin.

"Komplikado kasi ang sitwasyon."

"Paanong komplikado? Teka, don't tell me narape ka?!"

"Hindi... basta hindi ko sya nakilala." Medyo ubos pasensiya kong sabi.

"E, bakit nga kasi?" May katigasan at ubos pasensiya nya na ring sabi.

Nang akmang tatayo ako para tumakas ay mabilis nyang naipulupot sa akin ang kaniyang mga binti upang hindi ako makawala. Nakamot ko ang hindi makati ng wala sa oras. Mukhang hindi ko ata maiiwasan ang tanong nya.

"K-kasi yung nangyari sa amin... ano lang yun, charot-charot." nakayuko kong sagot.

"Ha?! Anong charot-charot? Ibig sabihin ba nag-calendar method kayo? Yung style na kalendaryo ang ginagawang banig tapos sa dilim ginagawa?"

Hinampas ko ng malakas ang binti nya.
"Ang bastos mo talaga! At anong akala mo sa 'kin gano'n ka-mura? Sa hotel ako nagising kina-umagahan ano!"

Bigla akong natigil. Teka, sinabi ko ba talaga iyon?! Jusmeyo marimar.

"Hotel? Ano ba talaga kasing nangyari, Marimar?" Hindi ko matingnan si Ginger. Kita ko sa gilid ng mata ko ang gulat at puno ng pagtataka nyang ekspresyon. Wala na, Marimar. Nasabi mo na.

"Mariella?" May pagbabanta ang kaniyang tono. Mas lumala lang ang kaba na nararamdaman ko dahil alam kong hindi nya 'ko titigilan.

Napayuko ako sabay ng pagpakawala ko ng malalim na hininga.

"Second year high school nung tumigil ako para sumama sa tiyahin ko dito sa Maynila. Hirap na hirap kasi kami sa pera. Dalawa kaming nag-aaral at hindi gano'n kalaki ang sahod ni tatay. Pinili kong tumigil at ibigay kay Karen ang oportunidad. Mas matalino kasi sya, at mas maliwanag ang kinabukasan nya."

Nagsisimula pa lang ako, pero para na 'kong sinasakal. Kakayanin ko bang ikwento 'to?

"Ilang taon akong nagtrabaho, disi-otso oras araw-araw. Marami-raming raket na rin ang pinasok ko. K-kaso nagkaroon ng problema sila tatay, siningil sila ng malaking halaga at binantaang babawiin ang palayan na tanging ikinabubuhay nila dahil sa apat na taong buwisan na hindi nabayaran."

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Where stories live. Discover now