Chapter 29

5.4K 180 20
                                    


"Jusko naman! Baka anong mangyari do'n!"

Patalon-talon na muli akong pumasok sa loob at naupo sa sopa at nag-isip ng paraan kung papaano ko mapipigilan si Ginger. Ganito talaga ang ugali ni niya. Simula nung mga bata pa kami sya lagi ang lumalaban at nakikipag-away para sa 'kin. Pero ngayon hindi ko na hahayaan pang madamay sya sa sarili kong gulo! Masyado ng marami ang nagawa nya para sa 'kin. Kailangan kong—

"Marimar? Can I come in?"

Agad akong napatingin sa pintuan at nakita ko roon si Matthew na nakasilip mula sa labas.. agad akong napatayo, tamang tama!

"I brought lunch for—

"May kotse ka?"

"Yeah, why?"

"Tara bilis! Hindi pa nakakalayo yun!" Kinuha ko ang saklay at naglakad palabas.

"What? Wait, what are you talking about? What do you mean?" Hinarangan nya ako kaya ako natigil.

"Si luya, susugurin daw si Vallerie!" Naisigaw ko dahil sa pagkataranta.

"What?! Wait, who's luya?"

"Si Ginger, yung pinsan ko! Alam nya na ang nangyari kagabi kaya ayun, sumugod! Bubukulan nya daw si Vallerie pag nagkaharap sila!"

"What?!"

"Oo nga!" Maglalakad na sana ako ulit pero bigla na naman nya akong hinarang. "What about these?" Tinaas nya ang dalang supot.

"Dalhin mo na lang!"

Nagmadali kaming bumaba at sumukay sa kotse nya. Pansin kong tensiyonado si Matthew habang nagmamaneho pero mas tensiyonado ako. Kinakabahan talaga ako sa kung anong ang maaaring mangyari o maabutan namin doon. At isa pa, parang ayoko munang makita si Vallerie o maski si boss ngayon. Lalong-lalo na si Madame Natiffere. Hindi pa 'ko handa!

"Jusko, b-baka higit pa dito ang abutin ng pinsan ko pag n-nakaharap sya si madame." Labis na kaba ang nararamdaman ko na maski ang pagsasalita ay 'di ko maituwid.

"We're almost there. We'll stop her."

Tumango ako at sinubukang pakalmahin ang sarili. Mas binilisan naman ni Matthew ang sasakyan. Ilang minuto ay tumigil na kami. Agad akong lumabas dala ang saklay ko. Wala akong pake kahit wala akong suot na face mask. Agad naman sumunod si Matthew sa akin. At doon sa may entrance, nakita ko si Ginger na nakikipagtalo sa mga sikyo!

"Ginger!"

Natigil sya sa pakikipag-away at napatingin sa amin. Pero agad rin syang nakipagbakbakan ulit sa mga sikyo! Agad laming lumapit.

"Ilabas nyo yang Vallerie na yan! Asan na?! Kakalbuhin ko!"

"Ma'am, wag kang gumawa ng esksena dito. Mapipilitan kaming tumawag ng pulis." Impit na sabi ng sikyo na hawak ngayon ni Ginger sa ilong at hawak naman sya nito sa isang binti. May isang sikyo pang ipit-ipit nya sa braso ang leeg at yakap naman sya nito sa bewang para pigilan! Anong kagagahan ito?!

Nang makalapit kami, agad namin hinila si Ginger sa magkabilang braso.

"Ano ba?! Wag nyo 'kong pigilan!" Agad syang nagpumiglas pero nailayo na namin sya sa kawawang mga sekyo.

"Kita nyo naman siguro ang nangyari sa pinsan ko?! Ayan inutil na! Dahil yan sa kagagawan ni Vallerie Wendel!" Inutil? Grabe naman ang babaeng 'to!

"Ginger, tara na pakiusap."

"Hindi! Hanggat hindi ko pa nakikita yang si Vallerie at masapak sa panga!"

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Where stories live. Discover now