Chapter 26

5K 168 20
                                    


"Kalma, Marimar. Ano bang kinakatakot mo? Nandito lang kami. Inhale, exhale ka lang."

Sinunod ko ang payo nya ni Kim Bum. Ilang beses akong humigang malalim, pero wala talaga e! Hindi ko magawang kumalma! Kaya naman nang makapasok kami sa bakuran ng mansion at nang mai-parada ang kotse ay pakiramdam ko sinapian ako ng libong-libong ispiritong kabado sa hukom!

"Teka lang, a-ayoko nga kasi! Ibalik nyo 'ko!" Ngunit sapilitan nila akong pinalabas ng kotse. At nang makalabas ako, hindi ko napigilan ang pagkalalag ng aking panga..

"Waaah! Mansiyon nga! Ang laki! Nak, ang ganda oh!" Pasigaw na bulong ko upang 'di ako makatawag ng pansin habang nasa bisig ko ang bata na sa mansiyon din nakatingin.

Hala, grabe! Ang lawak ng bakuran! Ang liwanag ng paligid kahit gabi! Marami ang sasakyan na maayos na nakaparada sa paligid dahil may mga enporser! May mga bulaklak pa na unipormeng nakahilera sa paligid! Mga bulaklak na ngayon ko lang nakita! Ang ganda talaga! Tapos yung mga pine tree, magkasing tayog at magkasing-hugis! Hala, pano nila ginagawa yun?!

Nakakabighani talaga ang paligid! Ngayon lang ako nakapasok sa ganito e! Kahit gusto kong manakbo tungo sa mga paunten na may rebulto para sana lasahan ang tubig ay pinigilan ko ang sarili ko. Dati ko pa gustong gawin 'yon. Pero mas napatitig ako sa
mas kahanga-hangang mansyon ilang metro mula sa amin. Napanganga na lamang ako.. ang yaman pala talaga nila boss.

"Oh? Ba't ka huminto?" si Kim Bum na nahinto rin sa paglalakad.

"Natatakot ako e. Ayokong.. ayokong—

"Haha! Ano ka ba? Nobody's gonna bite you inside. And I think you are the night's head turner, girl scout. Dito pa lang sa labas pinagtitinginan ka na. 'Di mo napansin?"

Gusto ko syang sapakin. Iyan lang talaga ang alam nya ano? Sabagay, wala naman talaga syang ideya kung ba't ako nagkakaganito.

Huminga lang ako ng malalim at tiningnan ang anak ko. "Nak, laban tayo ha?" bulong ko saka tumigin ng diretso.. "Tara."

Naglakad ako na hindi matanggal ang tingin ko sa tatlong palapag na mansion. Para iyong kumikinang na ginto na talagang tumalo sa dilim. Mula rito ay kitang-kita ko na rin ang mga taong labas masok sa malaking pintuan. Ang ganda ng pagkakadisenyo ng arkitektura. Mukhang napaka-tibay ng gusaling ito!

Si Kim Bum na lamang ang tanging kasama ko ngayon na hawak-hawak ako sa bewang sa likuran upang alalayan. Naglalakad sya na may ngiti habang ako ay hindi mapakali! Nang tuluyan kaming makalapit sa mansyon ay abot langit na ang aking kaba. Hindi ko pa kaya! Hindi pa 'ko handa!

Nangangatog ang aking mga tuhod habang naglalakad kami patungo sa malaking pinto ng mansiyon. Linilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga taong nakakasalubong at nakakasabay namin. Halatang mga bigatin sila. Sa paraan ng kanilang pagkilos, pananamit at tingin, alam ko na kaagad na hindi sila basta-basta gaya ko.

Nabanggit ni Caramel na baka makakita ako ng mga sinador at artista dito. Marami raw kasing mga bigating personalidad na kasosyo ni Madame Natiffere. Atsaka mukhang seyp naman ang patitipong ito dahil sa gate pa lang kanina at may nag-abot na na sa amin ng alcohol at sinukat pa ang aming temperatura. At bawat isa ay may dala.

Nang tuluyan kaming nakalapit sa pintuan ay bahagyang nag-bow kay Kim Bum yung dalawang bantay na naka-shades. At nang tuluyan akong makapasok, pakiramdam ko'y nanigas ako sa aking kinatatayuan sa pagkabighani kaya muli akong inalalayan ni Kim Bum sa paglalakad.

"We should be quick, Alexander wants to see you.. and his son."

Hindi nakatulong sa aking estado ngayon ang pagsambit nya sa pangalan ni Boss. Mas lalo lang akong kinakabahan! Binabaybay namin ang pasilyo sa gilid ng malawak na bulwagan. Sa gitna niyon ay may mga bilog na mesang malinis na nakahilera sa paligid. Kulay krema ang kulay ng mga telang satin pantakip at may mga palumpon ng malulusog na pulang rosas pandisenyo sa gitna.

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu