Chapter 4

393 14 3
                                    


Chapter 4

Box

"Det, nasaan ang first aid kit niyo?" Tanong ni Cayene habang nagtitingin-tingin sa may kusina namin.

"Nariyan sa pangalawang kabinet," sabi ko at tinuro iyong kabinet. Binuksan niya naman iyon at kinuha ang kit nang makita niya iyon. Nakaupo lang ako rito sa sofa at ipinatong ang tuhod ko sa coffee table.

Kumuha siya ng alcohol at nagsanitize muna ng kaniyang kamay. Pagkatapos ay dinampian niya ang sugat ko ng bulak na may alcohol.

"Ouch," reklamo ko dahil mahapdi.

"Lo siento, tiisin mo muna," aniya at ginamot muli ang sugat ko.

"Thanks, Yen," nagpasalamat ako nang matapos niyang gamutin iyong sugat ko. Hindi ko pinalagyan ng band aid dahil makukulob lang ito at baka mangamoy. Umakyat muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

Nagpadeliver na lang ako ng pagkain dito dahil hindi kami kumain sa LUC kanina. Umuwi na rin si Cayene dahil babantayan niya raw si Charles kaya ako lang mag-isa rito sa bahay. Hinintay ko lang ang order ko at saka kumain.

Wala naman akong gagawin buong maghapon kaya natulog na lamang ako. Napagod ako ngayong araw at mas lalong mapapagod pa ako sa mga susunod na araw, bukod sa schoolworks ang dahilan, mukhang nadagdagan pa ng marami. Nagising ako dahil sa isang kamay na dumapo sa sugat ko.

"Ouch!" Reklamo ko nang himasin iyon ni Mommy. Mas lalong humapdi ang sugat ko at hindi ko alam kung bakit.

"Where did you get this, Audette?" Nag-aalalang tanong ni Mommy sa akin. Dahan-dahan akong bumangon para makaupo nang maayos.

"Napatid lang po ako," kaswal na sagot ko at hindi ko na sinabi ang ginawa ng Chua na iyon sa akin.

"Kumain ka na ba?" Tanong nito sa akin habang nakatingin sa orasan.

"Opo, but I'm still hungry," sabi ko at sabay himas sa aking tiyan. Totoo namang kumain na ako pero nagugutom pa rin ako. Buti na lang at may inuwing pagkain si Mommy.

"Where's Dad?" Tanong ko habang kumakain ng binili niyang pasta.

"Overtime," maiksing sagot niya habang nagsasalin ng tubig sa baso. Niyaya ko rin si Mommy na kumain kasabay ko dahil hindi ko naman ito mauubos. Nang matapos ay tumulong ako sa pagliligpit ng pinagkainan gaya ng nakasanayan at gawain ko.

"Mom, akyat po muna ako. My wounds are aching," pagkasabi ko ay dahan-dahan akong umakyat sa hagdanan. Binuksan ko ang laptop ko at nagbukas sa aking social media account.

"Holy shit," Mura ko nang makitang literal na viral na ako. Viral ako, online.

"Buti nga sa kaniya."

"Poor little snakey!"

"Nene, mali ka ng binangga."

"Feeling astig kasi, tigilan mo na iyang pangit mong imahinasyon na astig ka sa ginagawa mo."

"Pacool kid porke't nakalaban sila Damon."

"Ang tapang-tapang, akala mo naman kakayanin niya ang grupo nila Donny. Pacool, kabago-bago lang naman."

Ilan lamang iyan sa mga nabasa kong comments nila. Kasalukuyan akong nag-i scroll nang tumawag si CJ.

"Hey! What's up, Cath!" Bati ko at kinawayan siya sa screen.

"Are you okay?" Tanong niya agad sa akin at hindi man lang ako binati.

"Yeah," sa rami ba naman ng nagshare, comment at post, imposibleng hindi niya makita iyon. May pakpak ang balita at mas mabilis pa sa sunog kung kumalat.

I Dare You (Chua Boys Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon