Chapter 35

383 7 3
                                    

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONGS THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Song: Your Song (My One and Only You) by Julie Anne San Jose

Chapter 35

Home

Halong tuwa at kaba ang nararamdaman ko ngayong gising na si Amaya. Tuwa dahil sa wakas ay gising na siya at takot na baka nawala naman ang alaala niya. I can't afford to lose her at hindi rin ko kakayanin kapag hindi na niya kami naaalala.

"Amaya," kinakabahang tawag ko sa kaniya at tiningnan niya lang ako habang naglalakad papalapit sa kaniya. Pinasadahan niya rin ng tingin ang kaniyang ama na nasa tabi ko.

Nang tuluyan akong malapit sa kaniya ay niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko na rin napigilan ang sariling kong maiyak dahil sa samu't saring emosyong namumutawi.

"Do you remember me?" Maingat kong tanong.

“Opo, Mama.”

“Amaya, anak. Anong huli mong naaalala?”

“Birthday ko po, Mama. I was opening my gifts and then I fell asleep waiting for you. When did you get home, Mama? Why are you crying?” anito tsaka pinunasan ang aking pisngi.

Hindi ko alam pero tila nabunutan ako ng tinik nang mapagtantong kaunti lamang ang hindi niya maalala at iyon ay ang mga nangyari sa mga natirang oras ng araw na iyon.

“Thank God,” I sobbed as I hugged her.

“Mama, is that Kuya Pogi?” Itinuro niya pa si Donny na nakatayo at lumuluha.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Amaya at sinenyasan si Donny na lumapit dito.

“Can I hug you?” Donny asked with his shaking voice.

"Opo, Kuya Pogi!"

Wala itong sinayang na oras at mabilis na niyapos ang anak.

“Anak, listen. 'Di ba you want to meet your Papa?”

Amaya nodded.

“Kuya Pogi is your Papa,” pagsisiwalat ko.

Her eyes widened and a few seconds later, she began crying. Nakita ko rin kung paano humigpit ang yakap ni sa ama na tila ayaw na nitong malayo sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita, Papa? Hindi mo ako love? Papa, I waited for you for so long! Akala ko ayaw sa akin ng Papa ko kaya iniwan niya ako!" Hinahampas ni Amaya ang kaniyang ama.

Nasaktan ako nang marinig iyon mula sa kaniya. Ang sakit at ang bigat pala sa pakiramdam kapag galing na mismo sa sarili mong anak ang mga masasakit na salita.

"I'm sorry, love. Papa is here na, okay? Papa loves you so much," umiiyak na sabi niya at muling niyakap ang anak na anim na taon niyang hindi nakita.

"Papa naman e! Bakit mo po ako pinabayaan? Wala akong Papa na nakikipaglaro sa akin. Inaaway nila ako kasi wala raw akong Papa tuwing family day! They bullied me because I only have Mama, Mamala, and Lola. Naiinggit po ako sa kanila kasi may Papa sila, ako wala," patuloy pa rin sa pag-iyak si Amaya.

Tinutusok ang puso ko nang makita at marinig ang mga iyan mula sa kanila. Parang hindi ko kayang magtagal sa loob dahil sobrang bigat sa pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag nang husto ang sakit na nararamdaman naming tatlo.

"Stop crying, 'nak. Papa is here na," alu niya sa anak.

"Papa, don't leave me, please. Please, Papa. 'Wag mo na po akong iiwan para hindi na nila ako i-bully. I promise to be a good girl and I will do good in my studies," nagmamakaawang saad ni Amaya.

I Dare You (Chua Boys Series #1) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt