Chapter 5

367 13 0
                                    


Chapter 5

Worms

Hindi ko alam ang sumunod na mga nangyari, basta ang alam ko ay nawalan ako ng ulirat. Nagising ako sa isang puting kwarto at hula ko ay nasa ospital na ako ngayon.

"Doc, how's my daughter?" Dinig kong tanong ni Mommy sa doktor.

"She's fine, she passed out because she has scoleciphobia— fear of worms. She suffered from breathing because of too much fear plus the fact that she's asthmatic," paliwanag ng doctor.

"Anong gagawin, Doc?" Tanong ni Daddy.

"She just needs to rest, at kung pwede ay ilayo niyo siya sa mga bagay na takot siya. Baka matrigger siya at magcause ng cardiac arrest," dagdag ng doctor at hindi ko narinig ang sumunod na pinag-usapan nila dahil napuno ng sigaw ni Cayene ang buong kwarto.

"Audette, she's awake!" Sigaw niya upang ipagbigay-alam iyon sa mga magulang ko at agad na yumakap sa akin.

"Ang ingay mo, bakit mo ako iniiyakan? Patay na ba ako?" Sarkastikong sabi ko sa kaniya at tinampal niya lang ang braso ko.

"I was mad. Hindi ako mapakali kakaisip sa iyo. Nagsisigaw ako roon sa students lane ng tulong dahil nawalan ka ng malay! Natakot ako kasi nakakita ka ng bulate, e alam kong may phobia ka. I swear, I will make something for them to pay for what they did," Sunod-sunod na sabi niya sa akin at inirapan ko lang siya. Hindi ko na naintindihan iyong huling sinabi niya dahil pumasok na ang aking mga magulang.

"Hija, okay ka lang ba? Do I need to call the doctor?" Tarantang tanong ni mommy.

"I'm fine, Mom. Please calm down," sagot ko para mapanatag na siya. Inaalu naman siya ni Daddy dahil nga natataranta siya.

"Sinong nagbigay sa inyo ng box?" Galit na tanong ni Daddy.

"Hindi po namin alam ang mga pangalan nila, Tito. Pero namukhaan ko po sila, matatanda rin po sila sa amin. I can help you, kaya ko pong maidentify kung sino-sino sila," si Cayene na ang sumagot para sa akin.

Cayene is very observant, optimistic, and smart. Marami siyang katangian na tila pang-miyembro talaga ng isang mafia association. Kung tutuusin ay nasa lebel ng talino ni DJ itong si Cayene, kwela lang ngunit mapanganib. If I don't know them, iisipin kong mga mafia sila. Fortunately, hindi naman at sadyang ganoon lang siguro ang ugali nila.

"Uhm... Uwi na po tayo," singit ko sa usapan nila.

"No. Papalipasin natin ang isang araw bago ka umuwi," agad na hindi pumayag si Mommy sa gusto ko.

"But—" pagpupumilit ko.

"No more buts, Audette," Natahimik na ako nang kay Daddy na mismo nanggaling iyon. Wala akong nagawa kaya pumayag na lang ako. Kahit naman kasi kumontra ako ay sila pa rin ang masusunod.

"Uuwi muna kami saglit. Ikaw muna ang magbantay, Yen, pinakiusapan ko iyong may-ari ng ospital na ikaw muna ang magbabantay. Call us if you need anything," ani mommy bago humalik sa noo ko.

Lumapit sa akin si Cayene hila-hila iyong upuan at itinabi sa gilid ng hospital bed. Kumuha siya ng saging at binalatan iyon akma pa niyang susubuan ako pero kinuha ko na iyon.

"Ako na, Yen, hindi naman ako paralisado," giit ko at kinagatan na iyong saging. Umirap lang siya at kumain na rin.

"Sino kaya sa tingin mo ay pakana ng iyon? I mean, possibleng iyong fans ng Voltes V. Pero sino sa kanila?" Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Silang lima.

"I don't know. Pero kapag nalaman ko kung sino ang may gawa ng iyon, humanda talaga siya sa akin," ayoko namang manghusga although alam kong maaaring sila ang may gawa ng iyon pero ayoko munang manghusga ng walang ebidensya.

I Dare You (Chua Boys Series #1) Where stories live. Discover now