Chapter 19

330 5 7
                                    


Chapter 19

Only One

Halos tatlong linggo na ang nakalilipas at hindi pa rin tapos ang dare sa akin ni Donny. Nasanay na rin ako sa paghatid at pagsundo niya sa akin. Linggo-linggo rin kung magyaya siyang mamasyal at kumain sa labas. Sinasabi ko namang pwedeng sa loob na lang ng bahay pero ayaw niya raw ng date lang sa bahay.

He was pretty consistent about it. Now that we're almost done with the dare, it somehow makes me feel sad. I know, I am close to knowing who really is my Dad's mistress but the thought that Donny and I may separate… hurts me.

"Tara na," aya ni CJ.

We are heading to their mansion to celebrate their grandparents’ wedding anniversary.

I'm wearing my silver deep V-neck dress revealing my cleavage, and my silver scarples. Nakahigh ponytail lang din ang buhok ko at niladlad ang iilang parte ng buhok.

Bitbit ang paper bag na may laman ng aking regalo ay pumasok na kami sa loob ng sasakyan nila. Sinundo kami ni CJ gamit ang van nila. Naka-gold asymmetric dress siya at gold heels. Samantalang si Cayene ay nakasuot ng champagne sweetheart dress. They both look gorgeous with their clothes.

"Anong oras magsisimula ang party?" Tanong ni Cayene habang inaayos ang kaniyang hikaw.

"Around 6 pm para diretso dinner na raw," sagot ni CJ tsaka inayos ang strap ng dress ko na nahulog na sa aking balikat.

Isang oras ang ib-byahe papunta sa kanilang mansyon. We took pictures while we're inside their car then talked bad about the people we hate. It's what we call girl therapy.

Pagdating namin doon ay naroon na ang aking mga magulang. Nakaangkla ang braso ni mommy kay daddy.

"My, Dy," naga-alangan pa akong bumeso kay Daddy nang makalapit ako sa kaniya. I don't know, narito na kasi sa loob ko ang pandidiri at galit sa kaniya.

"Buti na lang at nakarating na kayo," ani Daddy habang nakangiti sa aming kararating lang.

"Hindi naman po traffic," nakangiting saad ko.

Pagkatapos ay niyaya ako ni CJ para bumati sa kanilang lolo't lola. Naunang bumati si Cayene at iniabot ang kaniyang regalo. I think wine ang ibinigay niya dahil na rin sa lagayan. May kung ano pa silang pinag-usapan na hindi ko naman maintindihan dahil tila seryoso iyon kahit pa nakangiti sila sa isa't isa.

"Happy wedding anniversary, Attorney Avril and President Luis," pormal na sabi ko bago bumeso sa kanila.

"The daughter of Engineer Santisismo! It's nice seeing you again, hija. The last time I saw you ay bata ka pa," President Luis chuckled.

"Thank you, hija. Sumama muna kayo kila Alexander… and please enjoy the rest of the night," ani Atty. Avril habang tinatanggap ang regalong ibinigay ko.

"It's my pleasure. Please excuse me, we'll join them," nakangiting sabi ko at pumunta na kami ni Cayene kung nasaan ang magkakapatid. Nauna na roon si CJ dahil may iniutos sa kaniya si Tito Joshua.

"Hello, guys!" Bati ko at bumeso sa kanila.

"Oh, hi Detdet and Yenyen!" Ani Ate BJ.

"Argh! Too childish, stop that," reklamo ni Cayene at tinawanan na lang namin siya.

"Ganda ah! May pareveal ng bulubundukin!" Asar ni EJ sabay lingon sa amin ni Cayene.

"Pervert!" Binatukan siya ni DJ at napakamot siya sa kaniyang ulo.

"Enough," seryosong saway ni Kuya AJ.

“Seryoso mo naman! Wala ba si Ate Taylor?” kantyaw ko at nagkatinginan silang lahat na para bang may nasabi akong mali.

I Dare You (Chua Boys Series #1) Onde histórias criam vida. Descubra agora