Prologue

7 0 0
                                    


Yna's POV

"Ayaw ko nga. Ano ka ba naman, Chase!" Irita kong sabi sa kaibigan kong kanina pa ako kinukulit na pumunta daw kami ng mall kasi bibili siya ng regalo para doon sa crush niya.

Okay sana bumili ng regalo para sa crush niya, kaso mga ate! Hindi po siya kilala nung bet niya. Tapos biglang gusto niyang pumunta sa linggo para abutan ng gift? Okay ba 'yon?

"Alam mo, Yna. Wednesday pa lang ngayon, sa linggo pa yon. Kaya naniniwala akong papayag ka rin kaya bakit hindi pa ngayon?' Tsaka panoorin mo na lang 'tong bagong labas na video nila, ang galing talaga nila sumayaw!"

Na-stress na talaga ako. Noong nakaraang buwan pa niya ako pinipilit na panoorin yung sayaw ng crush niya. Familiar ba kayo sa cover group? Iyong mga sumasayaw at gumagaya sa mga dance steps ng mga sikat—mostly kpop groups? At opo, doon baliw na baliw itong kaibigan ko.

Mahilig naman ako sa k-pop, pero wala akong interest sa mga events na meron dito sa Pilipinas, pero itong kaibigan ko, g na g talaga. Eh paano, nagssayaw din siya.

"Oh sige, amin  na nga." Nag-roll eyes ako. Mapilit eh! Tsaka malay niyo, magaling talaga. Okay, there's nothing wrong to watch. Support local, sabi nga nila.
"Dyan na sa phone mo, bes. Pampadagdag ng views."

I sighed. Jusko, siya na nga ginagawan ng pabor, ako pa papahirapan niya. Grabe lang talaga.
Binuksan ko facebook account ko. Ay, wow ang daming notifications!

Hunt Destin Catacutan accepted your fried request.

Sean Chua accepted your friend request.
Lyle Torres accepted your friend request.

Nagulat ako. I mean, gulat na gulat ako!

"CHASEEEEEEEEEEEEE!!!!"
"Oh, bakit? Nagalingan ka ba sa kanila? Ang solid 'noh? Grabe, lalo na si H----
Pinutol ko yung sasabihin niya dahil tumataas talaga ang aking dugo.

"Sino 'tong mga to? At bakit nila ako inaccept!!!?? Magsalita ka!!!!"

"Ahe, bff naman! Nakakahiya kasi kung ako lang ang mag-add sa kanila diba? Kaya sinabay ko na ikaw kanina nung hiniram ko phone mo, para di obvious na may crush ako. Tsaka halos lahat naman sila in-add ko, kaya di ka rin niyan mapapansin. Hehehehe"

Hay, jusko. Suko na talaga ako sa kabaliwan ng kaibigan kong 'to. Kinuha niya ulit phone ko at pinapanood na sa akin yung video. Okay naman, magaling nga. Gayang gaya nila yung kinocover nila. In fact, parang sila talaga yung original! Ang galing!

Kasi itong sila Chase, nagccover nga, pero hindi ganito kaganda resulta. No offense, pero needs improvement talaga ang cg nila.

"Ano masasabi mo?" Excited na tanong niya sa akin.

"Ang galing! Na-amaze ako. Bat di kayo ganito? Hahahahahahahahaha—" binatukan niya ako.
Lagi ko naman sinasabi sa kanya na humanap na siya ng mas maayos na kagrupo. Siya lang kasi nagbubuhat talaga ng grupo nila, tapos lahat pa ng members niya, palaging late. Bakit ko alam? Sinama niya ako once sa practice nila, una't huli dahil mas nahigh blood pa ako kesa sa kanya.

"Totoo ba? Oh, sino bias mo sa kanila" Nagtataka naman ako. Bakit ko kailangan magkaroon ng bias? Eh kapwa normal na tao lang naman sila. Hindi ba ang bias, applicable lang sa kpop groups? O ako lang 'to?

At dahil makulit to infinity and beyond itong si Chase. Nagturo na lang ako ng kung sino. Hindi naman din niya kasi ako tatantanan kung umayaw ako.

"Ito, ito. Itong nakaitim." Nagpout siya. "Eh bes, lahat naman sila nakaitim!"
"Ay, ganon ba, oh sige, ito na lang. Yung may ano sa ulo"

"Haa? Seryoso ba yan? Bakit? Okay, sabagay cute naman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Haa? Seryoso ba yan? Bakit? Okay, sabagay cute naman. Pangalan niya ay Sean." Ah, okay, Sean pala. Wala ako masyado pakialam kasi random pick lang naman ginawa ko. "Ito, bes! Tingnan mo bet ko. Si Hunt! Kaya nga samahan mo na ako bumili ng regalo!"

"And what can I get in return?"

"Sige, promise. Bibili na ako sa'yo ng cookies!" Wow, sounds good. I bake goodies kasi.

"Deal!" At tuluyan na akong nakaladkad sa mall. (Yna and Chase walking inside the mall)

Pili lang siya nang pili ng regalo at as usual, sunod lang ako nang sunod. Ang dami naming inikot! Pagod na pagod ako.

Noong finally, nakapili na siya ng gift, pumila na kami sa counter. Dahil mahaba ang pila, nagcellphone muna ako.

Sean Chua sent you a message.
"Ui."
Ha?!

League of LoveWhere stories live. Discover now