Chapter 3

4 0 0
                                    

Yna's POV

Katatapos lang ng break time namin at ito ako ngayon tulala habang hinihintay ang susunod na subject. Simula nung event na 'yon, hindi na ako nakakapag-isip nang tama. Lagi ng lumulutang isip ko.

Ang tagal ng susunod naming Prof! Ngayon ko hindi kailangan mabakante ang utak ko.

-flashback chat on messenger after the event-

Sean Chua: Ikaw ba yung kanina?

Nagulat ako! Pati na rin si Chase. Nakatayo pa rin kami sa MRT dahil punuaan at uwian ngayon pero feeling ko ma-a-out balance ako.

Wow, kilala niya ako? I mean, hindi naman malayo picture ko sa facebook at sa itsura ko in person, pero wow? Nakilala niya ako. Ang weird!

"BES, IBA KA TALAGA! NAKILALA KA SEAN KAHIT NA ANG LAyo niya kanina sa inyo ni Hunt?!" Sinabihan ko siyang hinaan ang boses. Base kasi sa mga katabi namin dito sa MRT, may mga mukhang galing din doon sa event. Baka mamaya mga fangirls pala ito nung cover group nila, edi inaway pa kami?!

"Hindi ko rin alam bes!" Nagkamot ako ng ulo. Naseen ko na yung message pero hindi ko pa rin alam kung ano sasabihin ko.

"Oh! Bakit mo pinatay?! Replyan mo na daliiiiiiii." Kinulit kulit niya akong reply-an. Pero sorry, bff. Sa bahay ko na lang sasagutin.

Hindi ko alam kung bakit ang hirap niya reply-an? Palagi akong inaabot ng 2-4 hours bago sumagot. Oa na kung oa! Pero iba talaga sa feeling.

Pagkauwi ko. Sinagot ko na siya.

Hindi sinagot, na 'sinagot' ah! Hay nako.

Kristiane Pua: (Oo, 'yan ang real name ko. Pero please lang, Yna na lang itawag niyo sa akin. Very panlalake kasi yung 'Kristiane" eh. Bakit kasi di na lang Kristine? O kaya Kristina? Or iba?! Hay nako.)

Ahh, oo. Hehehe.

There! I replied! Ang weird ko na rin yata mag-reply???

Sean Chua sent you a message.

Pusang gala! Napakabilis naman nito sumagot. Ako nga hirap na hirap mag-isip kung ano sasabihin sa kanya eh!

Sean Chua: Ah.

Wow. Kaya naman pala ang bilis. 3 characters lang ang reply eh.

Papatayin ko na dapat cellphone ko dahil gusto ko na matulog pero nakita ko na typing pa siya.

Sean Chua sent you a message.

Sean Chua: You and Hunt ah?

Nasapo ko yung ulo ko. Wait? Akala ba niya ako mismo yung nagbigay? At bakit affected ako sa kung anong tingin niya? Ano ba iniisip talaga nito?

Kristiane Pua: Mali ka ng iniisip!!! Pinabigay lang.

Bago ko pa marealize na ang oa nung sinabi ko, nasend na. Irremove message ko sana kaso naseen na niya. Napakabilis! Hindi ba 'to busy?

Sean Chua: Ok.

-end of flashback-

Sineen ko na lang yung last message niya. Ano kaya problema non?
Anyway, andito na yung prof namin. Asian Literature. Hindi naman masyado strict 'to pero ang dami niya pinapagawa.

Prof: Have you read the pdf I sent on your emails? I assume you all did because that will be our topic today. Can anyone give me a quotable quote you found in the book and the reason why you chose it?

Oo nga pala! May pinabasa sa amin na libro. "Para kay B" by Ricky Lee. Maganda! Nirrecall ko palang kung ano yung mga na-highlight ko na quotable quotes pero may sumagot na.

Paul: "Kakabog ang dibdib mo, kikiligin ang kalamnan mo, at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, umiibig ka." (Ayaw niyo idagdag ang pangalan ko? K din yon, Chour.)

Prof: Wow. May we know why did you choose that part of the book?
Paul: These Ks mentioned in Para Kay B are exactly the things you will feel when you are inlove. Yes, you may... you may not admit it, but... Ma'am pwede bang tagalog muna? Nastress na ako mag-explain!

Tumawa naman kaming lahat. Hindi naman kasi ibig sabihin na we're in the field of English, eh magaling na agad. Yes, we're expected to, pero mahirap kaya! Tsaka may may magaling naman mag-english orally or in written. Ang blessed mo na kung you're both! Mapapasana all na lang ako.

Prof: No! You should be practicing English so that you'll improve. Even if you make grammar mistakes, remember that it's normal besides in that way, you'll learn.

Paul: Edi, Ma'am, sige. Di na po ako sasagot.

Nagtawanan lang kaming lahat ulit. Kulit talaga nito ni Paul. Tapos nag-explain ulit si Ma'am kung bakit kailangan namin iexplain in English yung thoughts namin. Pero umupo na si Paul kaya walang nagawa yung prof namin. Vibes naman namin yan, kaya okay lang minsan bardahin.

Prof: Okay, let me share my favorite quotation from the book.

"May quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, ISA LANG ang magiging maligaya.
Ang iba, Iibig sa taong di sila iniibig, iibig nang di natututo, iibig sa wala o kaya'y di na iibig kailanman."

No evidence about this, although it makes sense because in our current life, not all singles are lonely, not all in a relationship is happy, and not all married are inlove. If the said quotation is true, what do you think? And how does Cupid pick people who will be this, and that. Does he do it randomly? Power tripping? Or based on how kind the person is? Or is it by who saw the meteor showers more? There are a lot of questions popping in my mind when I read this sentence. So, class, my question is...

Pasok ka ba sa quota?

League of LoveWhere stories live. Discover now