Chapter 4

6 0 0
                                    

Yna's POV

Sabado ngayon. Masaya sana ako dahil natapos ko na kagabi lahat ng assignment ko for next week. Ang hirap mag-college! Tambak tambak lahat ng gawain. Kung magbigay ang mga professor ng homework, parang sila lang subject namin Huhuhuhu!

Ito na nga, weekend na weekend, nandito ako sa school. Ngayon kasi yung pilian namin kung saang class kami magstudent teacher. Ang lawak kasi ng degree namin! Kaya ang dami talagang pwede gawin. Nasabi ko na ba na AB English student ako?

Hindi ko rin alam kung bakit hindi na lang during class hours namin ginawa 'to. Basta sabi ng adviser namin... Yup, may adviser pa rin sa college, hindi nga lang kagaya ng sa high school na sobrang hands-on nila sa buong class. Pero at least, diba? May naggagabay pa rin sa mga desisyon niyo sa buhay. Ayon, ang sabi niya, mahalaga daw na separate hour/day gawin 'to dahil sobrang importante daw ng OJT namin na 'to.

Pagkadating ng adviser namin, nagbunutan na kami ng class na hahawakan. Tingnan mo 'to! Bunutan lang din pala, bat hindi na lang ginawa talaga nung klase namin!

Nang makabunot na kaming lahat, binuksan ko na yung akin dahil gustong gusto ko na talaga umuwi.

"BSCS 1-2N
Critique Teacher: Prof. Anita Cristobal"

Wow, buti first year at taga ibang course! Natatakot kasi ako magturo sa mga ka-year namin at ka-course. Nakakaintimidate magturo! At least dito, baka medyo kaya pang utuin. Char!

Adviser: Since we lack connections and our department has a small number of faculty members, you guys will be paired by 2s. I think, it will make your OJT easier since you have a partner. So please, find your pair now and seat together.
At lumindol sa classroom. Chour! Natural na maingay kasi klase namin, kaya kahit simpleng task lang na hanapin ang pair, sobrang kalat talaga!

Mikay: Uyyyy! Yna, same tayo ng class na hahawakan. Yey!

Niyakap niya ako. Sobrang friendly talaga nito! Buti na lang mabait at medyo close ko itong partner ko sa OJT! Mahirap kasi kapag hindi, baka magsumbong kay Ma'am pag late ako. Joke!

Nginitian ko siya. Tapos nagsalita ulit yung adviser namin. Inexplain lang na hanapin na daw namin yung critique teacher namin at alamin ang schedule ng klaseng hahawakan namin. Dapat daw walang sasagasaan na oras ng klase namin. Ano ba kami? Highway?!

After that, hinanap na namin yung CT namin, okay naman siya. Binigay na niya yung schedule ng BSCS 1-2n tapos nagexplain ng protocols, and rules about our attire. Syempre, dahil student teacher kami, we need to behave and act well. Paano kami irrespeto ng mga students diba?

Yna: Pwew! Buti na lang medyo madali lang yung rules ni Ma'am. At medyo cool siya, ha?

Mikay: Oo nga eh, nakakaexcite na nakakakaba naman magturo. Ang dami pa man din natin requirements. Paano ba yan, Yna? Una na ako, hindi ko pa tapos mga homeworks at maghahanap pa ako ng mga respectable clothes eh. Grabe, nanlulumo na ako. Huhuhuhu.

Nagpaalam na rin ako sa kanya. Oo, totoo yan! Kahit may OJT na kami, tuloy pa rin lahat ng subject namin. Isipin niyo yon, aside from our OJT, may 6 pa kaming subject na dapat pag-aralan. Take note! Lahat yon major na since graduationg students kami. T______T

Nagvbirate phone ko. Nagtext si Chase, sabi tawagan ko daw siya.

Yna: Oy, bakit?
Chase: Bes, sunduin mo ko dito sa studio. Matatapos na practice namin. I miss you na. Kain tayo.
Yna: Oks, san ba yan? Okay, see you.

Pagkatext niya ung address, sumakay agad ako ng jeep. Buti along the way, sana naman nasa bungad lang yung studio para di na ako masyado mahirapan hanapin.
-

Buti nahanap ko agad! Ang laki ba naman ng signage! "BREAK DANCE STUDIO".

At oo nga, literal na BREAK kasi nababasag na eardrums ko nasa pinto pa lang ako, sobrang daming tao at iba't ibang kpop songs ang nagpplay. Hindi ko alam kung ano na yung maririnig ko.

Public studio pala 'to, kaya maraming nagppractice. Mahal kasi sa private studios, kaya kapag seryosohan at malapit na laban lang sila gumagamit non. Sinalubong naman ako agad ni Chase.

Chase: Oh bes, tara, doon kami sa gilid. Isang run na lang, then pack up na. Panoorin mo kami ha? Tapos comments. Malapit na kasi yung sinalihan namin, nappressure na ako.
Yna: At ngayon ka pa talaga napressure ha? Nakailang talo na ba kayo?

Sinamaan niya ako ng tingin. Hahahahaha.

Chase: Ewan ko sayo, upo ka muna dyan. Tuloy na namin practice.

So, naupo ako dito sa gilid. Nag uusap pa naman mga kagrupo ni Chase kaya pinagmasdan ko muna ang paligid. Sobrang ingay talaga.

I wonder kung paano sila nakakasayaw pa sila nang maayos? Kasi nakakabingi na nakakahilo talaga yung paligid. Oh well, baka sanay na sila.

Napatingin ako sa gawing kanan ko, parang familiar kasi. At ayon nga! Nakita ko sila Hunt.
Hmmmm, dito rin pala sila nagppractice ha? Napatingin ako sa tabi niya. S-si Sean yun ah?! Umiwas agad ako ng tingin nung napalingon siya sa pwesto ko banda. Ewan, baka duling lang ako pero nakakahiya talaga.

"Huy bes!" Nagulat ako ng kalabitin ako ni Chase. "Kanina pa kita tinatawag, di mo ko naririnig. Wag mo kasi titigan kung di mo kayang lapitan."

"Sira ka talaga! A-anong... Hay nako, sumayaw na nga kayo at nastress ako sa tugtog dito. Parang mababasag yung bungo ko."

"Okay, sabi mo eh. 😉" At inaasar talaga niya ako ha! Hindi ko naman sinasadya na mapatingin kay Sean eh. Luh? Please lang ha!

Pagkatapos ng run nila, okay naman. Medyo nagimprove. Konting practice pa, baka magsabay sabay na sila ng 100%.

Nagpaalam sa akin si Chase na magpapalit lang daw siya ng damit dahil basang basa na siya ng pawis. Ayos 'tong studio, ah? May CR!

Ano ba yan, parang nagmmake up pa si bes doon sa loob! Ang tagal. Kaya tumayo na ako, sa labas na lang ako maghihintay kasi hindi ko na talaga kaya yung ingay at dagundong dito sa loob ng studio. Tinext ko na lang si Chase na asa baba na ako at bilisan niya kasi nagugutom na ako.

Pagkababa ko, nakahinga ako nang maluwag. Medyo naririnig ko pa rin yung ingay pero at least hindi na kagaya pag asa loob ako.

Takte! Ang tagal talaga ni Chase, an--- shet! Shet! Papasok sila Sean! Bumili yata ng Gatorade. Shet! Kasama niya yung tatlo niyang kagrupo.

Kumakabog yung dibdib ko, hindi ko alam. Basta papalapit na sila. I sighed nung pumasok na sila. Pero hindi pa ako nakakabawi sa pagkabog ng dibdib ko, niluwa ulit ng pinto si Sean.
Tapos tumapat sa akin!!!! "Hello, Kristiane. Salamat! 😊"

Nagulat ako. Shet, palagi na lang baa ko magugulat? At ano ba sinasabi niya? Bat siya nagppasalamat? Tatanungin ko pa lang sana siya kaso dumating si Chase.

"Bes, oks na ready na. Tara n---" Napatigil siya ng Makita si Sean. Hinila ko na agad siya! Iniwan na namin si Sean doon na nakatayo.

"Uy, kayo ha? Bat kayo magkasama?" Asar ni Chase habang naglalakad kami palayo.

Sobrang weird talaga non. At? Alam niya ang pangalan ko? Kilala lang niya talaga ako?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

League of LoveWhere stories live. Discover now