Chapter 1

7 0 0
                                    

Kasalukuyan na akong nakahiga sa kama. May pasok pa kami bukas pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog?

Kanina nung nag-chat yung Sean, bigla akong kinabahan. Ewan ko kung bakit? I mean, di naman kami magkakilala, basta in-add lang siya ni Chase gamit account ko? Ano meron? Ba't siya nagchat?

O baka ganito lang siya ka-approachable?!

Nagdalawang isip pa ako kanina kung rreply-an ko ba, pero in the end, and out of curiosity nireply-an ko ng "Bakit?". Pero after 3 hours ko pa sinagot. Hindi ko kasi talaga alam gagawin eh.

Makatulog na nga lang.
--
"Bes!!!!! Ano na sabi? Sumagot na ba? Ikaw ha, iba ka rin! Kakasabi mol ang kahapon na siya bias mo sa kanila, tapos biglang ayan na agad! Sana all! Sana naman kausapin ako ni Hunt. Grrrrr!"

Nandito kami ngayon sa gilid ng tennis court ng school. Oo nga pala, schoolmate kami ni Chase. Bestfriend ko siya since high school pero dahil magkaiba kami ng trip pagdating ng college, hindi na kami magkaklase. Pero buti na lang at pareho kami schedule ng break time.

"Ewan ko. Wala akong panahon magsocial media dahil may quiz kanina sa Linguistic kanina." Totoo yon, curse you, linguistic. Pati na rin yung terror na prof. Grabe talaga, natutuyuan ako palagi sa course na yon.

By the way, si Chase ay tourism student at ako naman ay nasa field ng foreign language and linguistics. Pero mukhang magsshift na ako dahil hindi na kaya ng braincells ko! Joke! Sayang taon, uy. Laban lang!

"Dali na! I-check mo na. Bes, kapag nagging kayo ilakad mo ako kay Hunt ah. Dali na! Ang goals naman natin pag nangyari yon. Hihihihihi. Naiimagine ko na."

I rolled my eyes. Ang totoo, bukod sa may quiz kami kanina, iniiwasan ko lang talaga magbukas ng facebook. Ewan ko talaga, parang ako yung nahihiya dahil nakikipag-usap ako doon sa Sean.

Pero dahil mapilit to the bones si Chase, okay. Ito. Nag log-in na ako.

Sean Chua sent you a message.

"Nakalimutan ko sasabihin ko."

Napayuko ako. HA? Ang labo naman talaga nito. "Uy, bes? Bakit? Ano sabi? Liligawan ka na ba?!"

Kinuha niya yung cellphone ko, at kagaya ko, napakamot ulo na lang siya. "Ang labo naman niyan!"

I sighed. "Hayaan mo na. Baka power tripping. Wag na natin pansinin."

Naghiwalay na kami after break time dahil may klase na siya. Ako tapos na. Done for the day, kapag Thursday kasi, 3 lang course namin tapos 1 and a half hour lang. Kaya uuwi na ako.

Pagkabukas ko ng gate ng bahay namin, di ko alam kung ano nakain ko pero nireplyan ko yung chat niya. Para bang gusto ko talaga malaman kung ano ba talaga kailangan niya at nag-chat siya ng "Ui."

"Ganon ba? Ang weird naman." There, I sent it. Tapos in-off ko na phone ko. Di ko na keri mabasa isasagot niya.

Nagbukas ako ng laptop. Sinearch ko yung cover group nila sa google.

Wow! Ang sikat? Ang daming views, likes, at followers nila sa social media. Sabagay, magaling naman sila at mga gwapo yung mga members. Ay ano ba yan! Kung anu-ano na sinasabi ko.

Dahil sa kakascroll ko, medyo nafamiliar na ako sa mga mambers nila at nakapagbasa na ako ng mga comments. Ang lala! Ang daming fangirls.

"Anong name po nung nakasando?"

"Kuya, pupunta po ba kayo sa event sa sabado?"

"Kyaaaah! Oppa Hunt, pa-add po!"

"Solid nung Sean. Kuhang kuha galaw nung kinocover."

Wow, naman yung impact! Ang dami pang comment at ang dami binabanggit na pangalan, hindi ko na makilala sa dami. Grabe, parang idols na rin pala sila dito sa kpop community.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero na-hook na ako sa kakapanood ng mapansin ko na dinner time na pala. Geez! Nagsimula ako magsearch at manood ng 2:30pm. Grabe naman yon!

After ko kumain, nagpahinga lang ako saglit tapos nag-ready na rin matulog. Nakakapagod din pala manood sa youtube. Di na ako uulit.

Binuksan ko phone ko para tingnan kung nagreply na ba yung Sean. And to my surprise. Oo nga, nagreply nga siya!

League of LoveWhere stories live. Discover now