CHAPTER 1

3 2 0
                                    

Battle of Gods and Demons

Ang lababan sa pagitan ng langit at lupa ay kasalukuyang nagaganap sa ibabaw ng mga unibersiyo na pinamunuan ng mga dios at mga diablo upang  sukatin ang kanilang lakas at kapangyarihan, at ang mananaig ay magiging hari ng buong daigdig at kikilaning dios ng mga dios.

  Habang tumatagal ang labanan ay dumarami rin ang mga unibersiyong nasisira't nawawasak.
Kaya nagpasya ang hari ng diablo na puksain kaagad ang pinuno ng mga dios. Akmang hahampasin na sana ng hari ng diablo ang pinuno ng mga dios ngunit humarang ang isang dios.

   Dahil dito ay tumilapon ang isang dios sa lupa bunsod ng malakas na paghampas ng kapangrihan ng hari ng diablo, habang bumabagsak ito, ay animo'y nagbabagang bulalakaw na may kasamang pagyanig ng lupa at pagkagalit ng ulap at nagsanhi ito ng pagkawasak ng lupa na sinundan ng Paglindol.

   Kumaripas nang lipad ang tagapanguna nang mga arkanghel at mga anghel upang sundan ang dios na bumagsak sa lupa at dalhin ito sa Batis ng langit upang manumbalik ang kapangyarihan nito ngunit sa kasawiang palad ay nasundan ito ng sampung diablo at napaslang.

   Nasaksihan ng mga dios ang pangyayari at dahil dito ay nagbaga sa galit ang pinuno ng mga dios. Dumilim ang buong kalawakan, na may kasamang malalakas na pagkidlat, at ang buong unibersiyo ay yumanig, kaalinsabay ng pag-ihip ng plawta. Nanginig sa takot ang lahat at dagling huminto ang digmaan. At may bigla silang narinig na malaking boses "Ako ang dios, walang papantay sa kapangyarihan taglay ko, at ang sino mang lalaban sa akin ay mamatay" sa muli niyanig ng boses ang buong kalawakan at ang kilabot ay nakaabot sa lahat sulok ng diagdig.

    Ngunit hindi nagpatinag ang hari ng diablo. "At sino.......ka pa-ra.." at biglang manumbalik ang liwanag, tumigil ang pagkidlat, at natigil ang digmaan.

  Ang mga diablo ay napilitang umatras sapagkat napansin nilang nawawala ang kanilang hari.

LeviathanWhere stories live. Discover now