CHAPTER 2

4 2 0
                                    

"Evil Gods"

Pumayapa ang buong kalawakan ngunit hindi ito nagtagal dahil si Levine na dios ng mga dios at ang pinununo sa naganap na labanan ay naging sakim, gumawa siya ng patakaran na ang bawat magagandang babae na nabubuhay sa kalawakan ay kailangan ihandog sa kaniya, tutol si Burdock na dios ng digmaan sa patakarang ito ngunit hindi siya pinakingan sa kadihalanang siya lamang ang nag-iisang dios na tumutol dito.

Umalis si Burdock sa palasyo ng mga dios at nanirahan sa lupa kasama ng Limang libong Arkanghel at nanirahan bilang mga tao, upang protektahan ang tao sa kasakiman ni Levine ngunit hindi rin ito nagtagal..

Habang naglalakbay si Burdock sa bundok pukyo ay may nakita siya napakagandang dilag na naliligo sa batis, ang kaniyang kutis ay singputi ng mamahaling perlas, ang kaniyang buhok ay parang nagliliwanag sa dilim, ang kaniyang katawan ay nakakapang-akit na para bang nagsasabi "Halina ka, tikman mo ako at nanamnamin ang sarap ng alay kong mainit na pag-ibig, sapagkat ako'y matamis na bungang pinitas". Lingid sa kaalaman ni burdock na ang dilag na ito ay tagapaglingkod ni Levine para siya'y akitin.

Hindi na nakapagpigil si Burdock at tuloyan na itong naakit sa ganda ng dilag.

"Ang ganda mong dilag, kaakit-akit, masarap kang pagsawaan habang tinitikaman at hinaplos ang iyong katawan" Sabi ni burdock na may nag-iinit na pagnanasa.

"Makisig na Burdock, ako'y iyong iyo na, halina't iparanas mo sa akin ang iyong mainit na katawan" Pang-aakit ng dilag

"Huwag kang mag-aalala, magdadahan dahan ako para maabot natin ang ligaya" - Burdock

"Ahh-king ma-hal na... bu-r-do-ck...."

Ilang oras ang lumipas, Si Burdock na tutol sa patakaran ni Levine ay naging sakim narin st naging mahalay, nais nadin niyang handugan siya ng ganitong hain sapagkat sa pakiwari niya'y ito nakakapagpaligaya sa kaniya. Bumalik si Burdock sa langit, humingi ng tawad sa Pinuno at nangakong susuportahan niya ang anumang patakaran at layunin ng pinuno.

LeviathanWhere stories live. Discover now