Chapter 3

2 0 0
                                    

"The rise of new god"

Habang naglalakbay si Leviathan sa bundok pukyo upang mangalap ng gamot at pagkain para sa kaniyang nanay na nakaratay nalamang at nanghihina. Nakita niya ang isang taong nanghihina, gutom na gutom, sunog ang mga katawan at buto't balat na lamang. Noong una ay natakot si Leviathan na lapitan at tulongan ang matanda sa pag-aakalang isa itong Lupari isang mabangis na hayop na naghuhugis tao. Ngunit kalaunan ay tinulongan niya rin ito, nangbingwit siya ng isda, namitas ng prutas at kumuha ng halamang gamot. Ginamot niya ito at pinakian.

"Tatay, anong ginagawa niyo dito sa bundok, asan na ang iyong pamilya? Tanong ni Leviathan

"Ba-ta ka-i-la-ngan ko-ng ma-i-pasa sa-yo a-ng kapa-ng-ya-ri-hang ito" Anya ng matanda habang bumubulwak ng berdeng dugo.

"Nagpapatawa ba kayo tatay--"

"Wa-la na a-kong paki-alam kung nanini-wala ka o hin-di sapag-kat kai-langan kona i-tong mai-pasa bago ma-huli ang lah-at"

Hinawakan ng matanda ang kamay ng binata at binangit ang katagang "Hu-mayo ka't tan-ga-pin ang ka-pangya-rihan ng dios at magiging di-os ka..."

Naging makisig, matipuno ang katawan ni Leviathan, binalot ito gintong baluti, ang gintong tungkod ng matanda ay naging espadang dragon, ang lahat ng karunungan nang langit at kalawakan ay bumagsak sa kaniya, liwanag na tumagos hanggang sa kalawakan,kaalinsabay ng pag-ihip ng plawta na narinig ng buong kalawakan, nakaabot ito sa palasyo ng langit.

Bumukas at nagliwanag ang ulap, masisilayang may Pitong pung libong Arkanghel at Anghel na bumababa rito, nasaksihan ng mga tao ang pangyayari, lumuhod sila habang nanginginig sa takot.

Sumigaw ng malakas ang mga Arkanghel at anghel.
"All hail new born god, we are your loyal servant, we live and die for you"

Itinaas ni Leviathan ang espada, umitim ang mga ulap, kumidlat, kumulog at sinabing "Haring Levine, ito na ang katapusan ng iyong kasakiman"

Narinig ito ni Levine, na nanglilisik ang mata, nag-aapoy sa galit, hindi niya matangap ang ginawa ni Hidalgo na dios ng Karunungan at apoy.

LeviathanWhere stories live. Discover now