Chapter 4

2 2 0
                                    

"Despair"

Pagkatapos ang mga pangyayari ay nag-utos agad si Levine na paslangin si Leviathan, inuutusan niya si Hebert na dios ng Tubig at hangin kasama ang limang libong Arkanghel at dalawang libong anghel.

Nagplano agad si Hebert dahil batid niyang ang kalaban nila ay dios ng karunungan na alam ang lahat ng bagay, naglagay siya ng Sinditsai sa ginanapan ng pagpupulong upang hindi maabot nang karunungan ni Leviathan.

Pinaunang pababain ni Hebert ang mga Anghel para obserbahan nila ang kinaroroonan ni Leviathan at kaniyang mga kawal, ngunit bigo silang matagpuan ito sapagkat mga gulat at takot na tao lamang ang nanduon.

Inulat ito kay Hebert at nakarating kay Levine, walang magawa si Levine kundi mag-apoy sa galit kaya napagpasiyahan ni Hebert ni paslangin nalang ang mga tao upang palabasin si Leviathan kahit labag ito sa kautusan ng langit.

Pinababa ni Hebert ang mga Arkanghel na halos hindi tangap ang utos na ibinigay sa kanila. Pagkababa nila ay sinalubong agad sila ni Leviathan na animo'y sikat ng araw na siyang pumukaw sa Damdamin ng mga Arkanghel.

"Bakit niyo susundin ang kautusan na labag sa inyong Damdamin? tanong ni Leviathan

Sumagot ang isang Arkanghel  "Ohhhh.. dios ng karunungan, hindi namin alam ang gagawin, ang langit na siyang nangangalaga sa Kalawakan ay isa na ngayon batis ng dugo't kasalanan, ang langit na dati'y malinis ngayon ay isa nang madungis..dios ng karunungan, ano ang aming gagawin?

Lumapit si Leviathan sa isang Arkanghel at hinawakan ito sa balikat.
"Handa akong tulongan ka, sumama ka sa akin at sabihin mo rin ito sa iba pang Arkanghel na ako si Leviathan ay ililigtas kayo sa kasakiman ng inyong hari?

Sumama ang lahat ng mga Arkanghel kay Leviathan. Nakarating ito kay Hebert at sa galit at pagiging Desperado ay siya na mismo ang bumababa sa lupa upang kalabanin ni Leviathan at dalhin ang Ulo nito sa Hari.

LeviathanWhere stories live. Discover now