CHAPTER 4

3.1K 109 1
                                    

A/N: Comment down kung sino po yung gustong magpa dedicate😊

🍒


Janine

Ilang ulit ka ng pinupukpok ang ulo ko sa nakasarang pinto ng elevator papunta sa floor na dapat kong linisin.

Kung bakit ko ito ginagawa ngayon?

Iyon ay dahil gusto kong kalimutan ang lahat ng nangyari kahapon.

Ano ba kasing nakain nung tukmol na iyon at bigla na lamang akong hinalikan in public?! Wala sa usapan namin na halikan niya ako! At mas lalong hindi naman ako papayag!

Pero in fairness, ang lambot ng labi ng tukmol na—

Erase!

Sana hindi nalang ako pumayag sa deal niya dahil alam ko ang likaw ng bituka ng mga lalaki! Tama nga ang hinala ko na may iba pa siyang gagawin!

Wala na akong pakealam kung ano man ang sinasabi niyang punishment kuno. Dahil alam kong tinatakot lang niya ako.

Basta ngayon, hindi na ako papayag ulit na makipag deal sa kanya.

Ipupukpok ko sana ang ulo ko sa pinto ng elevator nang dere-deretso akong sumubsob sa isang matigas ngunit malambot na bagay.

Napaderetso ako ng tayo at napaangat ng tingin.

"Ay, sorry po sir." Nakangiwing hingi ko ng tawad sa isang lalaki kung saan ako sumubsob.

"It's okay miss."

Ilang segundo pa akong napatitig sa kanya dahil ang ganda ng kanyang ngiti. Mabilis kong ipinilig ang aking ulo saka naglakad paatras at kinuha ang gamit ko.

"Sorry po talaga sir." Nakangiwi paring hingi ko ng tawad bago tinulak ang gamit ko.

Naglakad ako sa hallway kung saan nanduon na din ang iba ko pang mga kasama. Kumaway pa sa akin si Leni Robledo—este Roblez kaya nginitian ko na lamang siya.

Kinuha ko ang mop saka ito ibinabad sa tubig. Pinigaan ko muna ito bago nilinis ang sahig.

"Bakit absent ka kahapon?"

Napatigil ako sa aking ginagawa at nanggigigil na nilingon ang may-ari nung boses na iyon. Walang iba kundi si Leni Robledo.

"At bakit ba tanong ka ng tanong tungkol sa nangyayari sa buhay ko?"

Ngumuso siya. "Nagtatanong lang naman ako. Fist time mo kasing umabsent. May nangyari ba?"

Pigilan niyo ako! Pigilan niyo ako!

Baka itong si Leni ang gawin kong pamunas sa sahig ngayon.

Padabog kong inilagay ang mop sa kanyang lalagyan. Nakapameywang na hinarap ko si Leni na nanatiling nakatitig sa akin.

"Nag leave lang ako at walang nangyari kahapon. As in walang kababalaghang nangyari."

Nanliit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Wala naman akong sinabi kung ano ang nangyari. Teka nga, nakipag ano ka?" Napasinghap pa siya sa kanyang tanong kaya binatukan ko siya.

"Anong bang klaseng lumot ang nasa isip mo at kung ano-ano nalang ang pinagsasasabi mo? Bumalik kana nga lang sa trabaho mo." Pagtataboy ko sa kanya na ngayon ay hinimas-himas ang parte ng binatukan ko.

"Ang harsh mo talaga kahit kailan. Uy hinahanap ka nga pala ni Sir Khairo kanina bago siya pumunta sa 58th floor." Wika niya na ikinalaki ng aking mata.

Black Mafia 4: Khairo FelicianoWhere stories live. Discover now