CHAPTER 14

2.6K 94 5
                                    

Warning: Slightly MATURED CONTENT dowm below!!

🍒


Janine

When we enter to the hall, the party screaming luxury. Kahit saan ako tumingin ay nagmamahalan ang mga gamit na nakikita ko. Even the people's dresses and suit's are expenssive.

Kadalasan sa mga nakikita ko ay mga sikat na business man at business woman. Siguro yung mga ibang bisita ay kakilala lang o mga business colleague.

"Just stay by my side. Don't be a hard headed girl." Mariin niyang bulong sa akin habang naglalakad kami palapit sa nagkukumpulan na mga tao.

Tumango nalang ako saka bumuntong hininga. Paano ko naman isasagawa ang plano ko kung nasa tabi lang niya ako palagi? Hindi naman siguro siya magagalit kapag hindi ko siya sinunod diba?

Siguro.

Nagsitinginan sa amin ang mga taong nagkukumpulan kanina. Wala sa sariling napalunok ako habang mahigpit na nakakapit sa beywang ni tukmol.

"Khairo! It's been a long time! Nice to see you again!" An old man with his fifties I think welcomed us.

Hindi ko kilala ang matanda pero sa tingin ko bigating tao siya. Wala naman sigurong hindi bigating tao dito. Well, maliban siguro sa akin.

"It's nice to see you too again Mr. Abrenica. Happy 50th birthday." Nakipag kamay pa si tukmol kay Mr. Abrenica.

Tinapik ng matanda ang balikat ni tukmol. "Enjoy the party Khairo." Saka napabaling ang tingin niya sa akin. "Can you introduce this gorgeous lady with you?"

Ngumiti ako ng matamis kahit sa loob loob ko ay gusto kong ngumiwi. Hindi talaga ako komportable kapag maraming tao. Lalo na kapag mayayaman.

"This is Janine Evanghelista. Mt girlfriend. Baby, this is Mr. Thomas Abrenica, the father of Tanya Abrenica." Pagpapakilala sa akin ni tukmol.

Hindi ako nagpaapekto sa aking gulat dahil sa nalaman. Kaya pala mukhang sindikato ang mukha. No offense hah? Nanatili ang aking ngiti bago tinaggap ang kamay na nakalahad sa aking harapan.

"It's nice to see you too young lady." Usal ng ama ni Tanya.

Pero imbes na makipag kamay siya sa akin ay hinawakan niya ang aking kamay at dinala ito sa kanyang labi. Pero hindi pa man niya ito nahahalikan ay may biglang tumikhim na nakapagpatigil sa kanya.

"I have a respect sir but I'm territorial. I don't want to see anybody kissing my girl hands."

Dahan-dahan akong napabaling kay tukmol na nakangiti man ang labi ay matalim naman ang tingin.

Ibinaba ko na ang aking kamay na binitawan ng ama ni Tanya na biglang tumawa.

"So possessive. I understand." Tumatango-tangong wika ng matanda.

Nagpalinga-linga ako sa paligid nang magsimula na silang mag-usap tungkol sa mga business. Wala naman akong alam sa mga ganyan kaya hindi na nakapagtataka na bored na ako.

Sana naman may pagkain dito.

Ngumunguso akong tumingin-tingin nang mahinto ako sa lalaking nasa lamesang puno ng pagkain.

Sinulyapan ko si tukmol na pukos na pukos ang tingin sa mga kausap niya. Hindi na niya siguro napansin na natanggal na ang kamay niyang nakahawak sa aking beywang.

Kagat ang labing inalis ko ang aking kamay sa beywang niya. Nang magtagumpay ako ay dahan-dahan akong umatras paalis.

Success!

Black Mafia 4: Khairo FelicianoWhere stories live. Discover now