HBV 10: Visible Changes

2K 83 16
                                    

Hello AirAlways, thank you.

--
Joanna

Sa paglipas ng minuto, naramdaman ko ang magkaroon muli ng panibagong kaibigan. It feels good to get to know someone after long years of being-hayst. I shouldn't dwell on the past.

But the past is never past.

"Hey Aaron, good morning sleepy head!" Bahagya akong natigilan nang marinig ang masayang pagbati ni Kristin kay Aaron.

"M-magandang umaga rin ho," kiming pagbati ko sakaniya. Ngunit hindi na siya nagabala pang pansinin ako.

Sino nga ba ako? Isa lang naman akong hamak na katulong sa pamamahay na ito.

Ang buong atensyon niya ngayon ay na kay Kristin. Halata ang pagkagulat sa kaniyang mukha.

"Maria? What are you doing here?" Takang pagtatanong niya sa aking kasama.

"Masama bang bumisita?" Balik tanong naman ni Kristin.

"Of course not. What I meant was, bakit 'di mo man lang pinaalam sa akin para nakapagayos naman kami."

"Surprise! But I think I am more surprised with Joanna here."

Mabilis na bumaling ng tingin sa akin si Aaron.

Halatang ayaw niyang sabihin ang tunay na estado naming dalawa dahil iniwasan niya akong ipakilala.

"Ah yes, I see you've already met each other."

Nagpatuloy ang pag-uusap nila na parang wala ako sa paligid. May mga pagkakataon na tinatanong ako ni Kristin ng mga simpleng bagay para makasama pa rin ako sa kanilang usapan ngunit alam kong hindi pabor si Aaron do'n.

I just quietly listened while preparing the table for our breakfast. I didn't pay much attention to them dahil mukhang seryosong bagay na ang pinaguusapan nila.

All I heard was a guy name, Rod Vindiviel Bezos.

Habang abala sila sa paguusap ay muli kong binalikan ang putaheng malapit ng matapos. Dinagdagan ko ng maraming gatas ang sabaw ng adobo. Alam kong paborito iyon ni Aaron dahil 'yon ang palagi niyang request noong magkasama pa kami. Sana ay magustuhan pa rin nila.

"Joanna, ayos na ba ang pagkain?" Napaigtad naman ako sa gulat nang bigla akong tinanong ni Aaron.

Akala ko ay wala siyang balak kausapin ako. Napangiti ako ng palihim, kahit papaano ay gumaan ng kaunti ang aking kalooban.

"Oo handa na." Sagot ko sakaniya at ngumiti ngunit tinitigan niya lang ako.

"Excuse me, I'll call the kids." Saad naman ni Kristin at agad na umalis sa hapagkainan.

"Joanna, I don't know kung ano ang pinaplano mo ngayon. But you'll never succeed. Don't you dare mention anything to Kristin."

Ang kaunting ligaya na naramdaman ko ay muling naglaho. Why am I always giving myself false hope? Galit siya at hindi niya pa ako napapatawad. Sinong niloloko ko? Ang laki nang pagkakasala ko sakanila.

Tumahimik na lamang ako at hindi na sinalubong ang kaniyang sama ng loob hanggang sa naulingan namin ang boses nila Kristin na paparating.

Agad nagbago ang itsura ni Aaron, naging masaya ito. Isang tunay na tuwa, na mukhang hindi hindi niya muli mararamdaman sa aking piling.

"Papa Aaron!" Umalingawngaw sa silid ang masiglang boses ni Clark at patakbong lumapit sa aming banda.

"Hey buddy, I missed you." They hugged each other. Mukha silang mag-ama.

Lumapit din si Kristin at Sofia sakanila and if I wasn't the wife here, pagkakamalan ko silang isang masaya at kumpletong pamilya.

Sana ako nalang but it would already be impossible.

"Okay, Clark that's enough muna baby. Let's eat first ha? Tikman niyo muna ang special dish ni Joanna."

Ramdam ko ang pakikiramdam sa akin ni Kristin, alam niyang naiilang ako sa mga nangyayari.

"Ate Joanna, the adobo smells so good po." Isa lang iyan sa ilang papuri na natanggap ko sa mga bata at talaga nga namang nakakabusog ito sa kalooban.

Nang maupo kaming lahat sa hapag ay nagusal ng maikling panalangin si Clark bago kami nag simulang kumain.

Hands on si Kristin kay Sofia at Clark, mahahalata ang pagmamahal niya para sa mga bata habang si Aaron ay nakaalalay kay Kristin.

Habang ako, sinusubukan din na maging ina kay Sofia pero parang extra lang ako sa buhay nila. Bigla nalang sumulpot para manggulo.

Mali ba muli ang naging desisyon ko?

Napuno ng tawanan at kwentuhan ang hapagkainan at kahit papaano ay hindi pa rin nila ako nalilimutan na isama sa kanilang usapan.

"Ate Joanna kayo po? Nasaan po ang mommy and daddy niyo?" Inosenteng pagtatanong sa akin ni Clark habang nakangiti.

At that point I felt a sad feeling growing inside me. Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang palahaw ni Sofia sa aking tabi.

"Ouch!"

Agad akomg tumayo nang isinuka ni Sofia ang pagkain na kaniyang isinubo.

"Sofia!" Sinalo ko siya sa aking bisig nang bigla siyang matumba.

"A-ate, I c-can't breathe." Hindi ko alam ang gagawin. Everything went blank. I am looking at my daughter helpless.

Naramdaman ko ang pagtabig sa akin ni Aaron at ang pagkuha niya kay Sofia mula sa aking bisig.

"S-sofia..."

Rinig ko ang mabilis na paguusap ni Kristin at Aaron habang palabas ng pintuan. Nagmamadali ang kanilang kilos.

W-wala akong nagawa.

Dahan dahan kong naramdaman ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. I didn't mean to do nothing, naalala ko lang ang nangyari-

"What the did you do?" Galit ang itsura ni Aaron habang mahigpit ang hawak niya sa aking kamay.

Bumalik siya sa loob ng bahay para ipamukha sa akin ang pagkakamali ko.

"I-i just m-made..." I wanted to explain. I needed to. I am scared. I remembered everything again.

"Oh yeah, how can I forget that detail. Of course, you didn't know! Ang tanga mo Joanna! Wala kang kwenta!" He is raging right now and I completely understand. Kasalanan ko ito. Wala akong kwenta.

"Aaron, anong n-nangyari sa anak natin?" The words I uttered came out softly. I didn't know, I'm so lost. Gustong gusto kong sumunod palabas kung nasaan ang anak ko.

Instead of hearing an answer, another thing happened... for the first time in our relationship record,

Aaron slapped me.

Ramdam ko ang pagiinit ng aking pisngi buhat ng kaniyang kamay.

"Tandaan mo ito Joanna. Kung may nangyaring masama sa anak ko, huwag na huwag ka nang magpapakita pa."

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Her Broken Vow ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon