Prologue

10 1 0
                                    

KINAKABAHAN SI CATHY habang papasakay pa lamang siya ng jeep papunta sa interview niya na nangangailangan ng bagong sekretarya, dala-dala niya ngayon ang kakailanganin niyang resume para sa application papers niya.

Naku sana naman pumasa na siya sa interview na to pang-walo na niyang interview ito pero niisa sa mga iyon ay hindi siya nakapasa. Kaya abot-abot naman ang kaba na kanyang nararamdaman habang nagdarasal na sana sa pagkakataong ito ay matanggap na siya.

Halos lahat kasi ng inaap-lyan niya ay ang hanap ay yung may mga experience, pagdating sa pagiging sekretarya. Eh hindi na naman niya iyon kasalanan kung wala pa siyang experience sa trabahong ito.

Papaubos na rin ang allowance na ibinigay sa kanya ni Mother Charity, kaya kailangan na niya talagang, makahanap ng trabaho. Dahil nangako siyang sa unang sweldo niya ay hahatian niya ang mga bata na nasa bahay ampunan.

Nang makarating siya sa harap ng napakalaki at napakataas na gusali ng kompanyang pagaap-lyan niya. Huminga muna siya ng napakalalim bago buong lakas na pumasok sa naturang building.

Pumunta siya sa front desk. "Excuse me, nasaan ang interview dito for secretary?" tanong niya sa isang babae.

Tumingin sa kanya. "40th floor, miss...." ani ng babae.

Ngumiti siya at nagpasalamat bago pumasok sa elevator at pinindot iyon paakyat sa 40th floor bago paman sumara ang pintuan ng elevator, may isang gwapong lalaking pumasok doon, pero hindi iyon sapat upang magustuhan niya ito.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti, sinuklian din naman niya ito ng matipid na ngiti. Tahimik lang sila hanggang sa magsalita ito.

"Ngayon lang kita nakita dito, bago ka ba?" pagbasag nito sa kanilang katahimikan.

Umiling siya. "Magiging bago kung matatatanggap ako bilang bagong sekretarya ng CEO sa kompanyang ito..." magalang na sagot niya.

Tumingin ito sa kanya. "Ayy, naku dapat galingan mo, sa lahat yata ng nakita kong umaakyat sa opisina ni sir na mag-aaply bilang sekretarya halos maghubad na...sigurado naman akong hindi trabaho ang habol nun kundi si sir..." sabi nito.

Kung ganoon gwapo pala ang magiging boss niya kung matatanggap siya sa trabahong ito. Tumingin siya sa kanyang sarili. Nakasuot lang siya ng black slacks, 2 inches stilleto at Chinese collar polo and she let her hair spread na hanggang balikat lang ang haba.

Ngumiti siya dito. "Kung ganoon, ako lang pala ang may matino na dahilan sa pagpunta dito..." aniya.

He chuckled. "Mukhang ikaw nga lang...anyway, I am Ken.." inilahad nito ang kamay.

Inilipat niya sa isang kamay niya ang resume na hawak at tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Cathy... tawagin mo nalang akong cathy...." aniya.

Ngumiti ito. "Nice meeting you Cathy..." anito at tamang-tama naman na bumukas ang elevator at nauna na siyang lumabas sa elevator.

Tinungo niya ang mga maraming pumipilang babae na ubod ng sexy upang mag-apply bilang sekretarya. Habang tinitingnan niya ang mga babaeng uma-apply, palihim siyang napangiwi habang tinitingnan ang mga ito.

Ang iba nag-aayos ng mga cleavage, ang iba naman ay pinapa-ikli ang mga suot nitong palda, yung iba nagpapaganda, yung iba mas lalo pang nagpapa-sexy.

Tumingin siya sa taas at nag-sign of the cross at piping kina-usap ang panginoon. 'Diyos ko po...patawarin niyo po ang mga kababaehang ito, hindi naman po trabaho ang hinahanap ng mga ito eh...sana po ako nalang, dahil mas lingid po sa kaalaman niyong mas kinakailangan ko itong trabahong ito, may mga bata pa pong umaasa sa aking suporta sa amponan...' pipi niyang dalangin.

Her PromiseWhere stories live. Discover now