There's A Monster

62.1K 2.7K 402
                                    

Dali-daling pumasok sina Mom and Dad ng kwarto ko.

"Bakit ? Anung nangyari ?" Tanong ni dad.

Pumunta naman sa tabi ko si mom at hinimas ako sa likod.

"M-ay lalaki sa .. ilalim ng .. bed ko Dad" Pautal-utal na sabi ko.

Chineck ni dad yung ilalim ng bed ko while holding his gun. "Wala namang tao dito" Then he checks the windows pero lahat sarado.

"See its impossible baby okay, baka naman nightmare mo lang iyon" My Mom said.

"Pero Mom nagising po ako kasi may biglang nagsalita, tapos pagkasilip ko sa ilalim ng bed ko may lalaking tumambad Mom"

"Its really impossible darling, this is the first night na natulog ka without us so baka nanibago ka lang"

"And if you want dun ka muna this night sa room namin" add up ni Dad.

"No, but thanks Dad, baka true yung sinasabi ni Mom" Then I smiled to them para mawala na ang worries nila.

"Okay we go ahead" Dad said. "Sweetdreams Darling" My Mom smiled at me.

Then they closed the door, pinilit ko ulit na makatulog pero naiisip ko yung nakita ko. Alam ko true yun eh ! Di yun imagine, Wow ! May kung anung creature sa ilalim ng bed ko. Yiee ! Napangiti ako.

Monster's POV

Nagsisigaw parin sya, hanggang sa may mga dumating, nakikita ko sa mga paa nila na matatanda sila, baka magulang nung bata. Bullshit ! may hawak pang baril yung tatay.

Dali-dali kong isinuksok yung sarili ko sa sulok ng kama para di nya ako makita. Naririnig kong nag uusap na lang sila, sinasabi nung nanay nya ata na impossible yung nangyari. Oo totoo yun imahinasyon lang ako ng anak nyo !

Hanggang sa tumahimik, lumapit ako ng kaunti sa may gilid para siguraduhin, nakita kong sumara ang pinto at namatay na ang ilaw.

Wala na, tumahimik na eh, so wala na nga ! Hay ! Salamat. Ang hirap isiksik yung sarili mo dito sa ilalim ha ! Lesheng bata yun muntikan nako kanina.

Eh ! kung takutin ko kaya para ipatapon na nila tong higaan na ito, bat ba kasi kulay pink pa grr ! Nakakaasar !

Di na muna ako lalabas ngayon at baka malintikan pako. Unang beses kong mahuli ngayon, Tss !

"Baby ! Lets go na baka malate ka sa school" Sigaw sa akin ni Mommy.

Dali-dali kung nilagay yung mga gamit ko sa bag di ko na kasi naayos kagabi dahil sa takot, sa kamamadali ko nahulog ko ang eraser ko. Pero pagyuko ko bigla na lang nawala.

"Hey ! Andito na ang school bus mo"

"Wait Mom yung eraser ko po"

"Anu bang nangyari ?"

"Nahulog ko lang po pero bigla na lang nawala"

"Okay hayaan muna at malelate kana hahanapin ko na lang mamaya"

Pag uwi ko ng bahay inilabas ko lahat ng assignments ko, naalala ko nga pala nawawala ang eraser ko.

"Mom ! Nakita nyo na po ba yung eraser ko ?"

"Sorry pero hindi ko nakita nung maglinis ako kanina"

May coloring assignment pala ako kaya ayun naman ang hinanap ko.

"Nasaan na yung iba nawawala na?"

Everyday pass ilan sa mga gamit ko nawawala na, pero ang pinaka weird na nangyari ay yung one time na masagi ko ang cookie ko at mahulog mula sa higaan nung dadamputin ko na ay wala na ! Its late night kaya nag freakout nako.

Mabilis akong umakyat ng higaan at nagtakip ng kumot habang nakaupo, nakita ko si Saver ang teddy bear na bigay ng daddy ko at niyakap ko.

"Please Mr. Saver save me from the monster"

Pagkatapos humiga nako at nagtakip ng kumot, pinipilit ko yung sarili ko na makatulog.

Hanggang sa makarinig ako na may ngumunguya. Kaya dali kong kinuha yung flashlight ko at tumingin sa ilalalim ng bed ko.

Nakita ko na may creature nga sa ilalim ng bed ko. "Buugssh ! Aaaraaay !" Nauntog yung monster. Tumingin siya sa akin at sa gulat niya bigla siyang pumunta sa itaas at sinundan ko sya.

Natulala ako sa kanya, hanggang sa di ko na lang pala napansin na naka nga-nga na pala ako at ngumingiti. Nag cross yung eyes namin. After a pause aalis na sya.

"Wait !" Bigla siyang huminto.

Monster's POV

Ewan ko kung bakit ako huminto sa sinabi niya, nagtataka ako sa hitsura niya na mukhang manghang-mangha siya sa akin.

Tinitigan ko siya na mukhang naiirita kasi talagang naiirita naman ako sa kanya. Pareho kaming nakaluhod at magkatapat sa kama ng unti-unti siyang lumalapit sa akin.

"Di ka pala monster ?!" Bungad na sabi sa akin nung batang babae.

Napangisi ako sa sinabi nya. "Sa gwapo kong ito ! Ako monster ?" Nabigla na lang ako sa sarili ko dahil nakipag usap ako sa kanya.

"Sabi kasi ng Daddy ko monster ang tawag sa mga creature na nakatira under the bed" Sagot niya habang papalapit ang kamay niya sa akin, mukhang balak niya pa na hawakan ako kaya lumayo ako.

"Wow ! Nakakalipad ka ?" Amazed na sabi niya.

Nakangiti lang siya sa akin, ang weird niya. Kung saan ako magpunta nakasunod ang mga mata niya.

"Para kang si Peter Pan !"

"Hindi ko kilala yun"

"Dadalhin mo ba ako sa Neverland ?"

"Ha ? Di ko alam yun "

"Saan ka nakatira ? Anung pangalan mo ? Anung klase kang creature ? Ako nga pala si Jessica" Sabi niya habang nakangiti.

Sunod-sunod at ang dami niyang tanong, mas lalong nakakairita,naguguluhan ako, di ko alam ang gagawin at sasabihin ko sa kanya.

Jessica's POV

"Oy ako si Jessica Peyton, ikaw ?"

Nakitingin lang siya sa akin, manghang-mangha naman ako sa kanya. Itim ang buhok niya na medyo mahaba, matangkad, maputi, pogi talaga kaso nakapagtataka lang na makaluma ang suot niya parang suot ng mga lalaki sa movie na Titanic ! Oo tama !

"Hello, Anung pangalan mo ?" Ulit na tanung ko.

"A-Allen"

"Eh ilang taon kana ?"

"Hindi ko alam"

"Ha eh saan ka nakatira ?"

"Jan sa ilalim ng kama"

"Ha ? Pwede ba yun ? Nasaan ang Mommy at Daddy mo ?"

"Wala akong ganun" Mahinang sagot niya, ang weird naman pero mukhang totoo ang sinasabi niya.

"Wala ka bang matandaan ?"

Matagal siyang nag isip bago sumagot "Wala, Wala nga akong matandaan"

Allen's POV

Bumalik na ako sa ilalim ng kama, hanggang ngayon di parin maalis sa isip ko ang mga tinanong ng bata kanina. Oo nga bakit pangalan ko lang at wala ng iba akong matandaan ?

Sa tagal ng panahon bakit ngayon ko lang naiisip ang mga bagay na iyon mga bagay na dapat meron ang isang tao pero wala ako.

"Sino nga ba talaga ako ? Saan ako nanggaling ? Sino at nasaan ang pamilya ko ?"

Mukhang di yata ako makakatulog, mamaya-maya'y biglang nagsalita mula sa ibabaw yung batang babae.

"Good night handsome monster" Para siyang sira tss.

The Monster Inside Of My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon