Thousand Years

33.6K 1.7K 125
                                    

Allen's POV

Matapos ikasal si Jessica halos wala na akong nabalitaan sa kanya, nanatiling bakante na lang ang kwarto niya. Minsan pumapasok ang mga magulang ni Jessica dito sa kwarto niya para linisin o minsan naman kumuha ng gamit para dalhin sa kanya.

Minsan lumalapit ako sa pinto ng kwarto pag naririnig kong nag-uusap ang mga magulang niya baka sakali kasing may mabalitaan ako sa kanya.

"Dear, buntis na daw si Jessica" narinig ko na sabi ng mama ni Jessica sa papa niya.

Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan. Mas lalo ko ng nararamdaman ang pagka-inip at lungkot.

"Hon, lets go bilisan mo manganganak na si Jessica" narinig ko na sigaw ng papa ni Jessica, mga madaling araw pa noon.

Hindi na ako makatulog, pati ako kinakabahan, sana ay makapanganak siya ng maayos.

Kinabukasan ng umaga, dumating ang sasakyan ng mga magulang niya, kaya lumapit ako sa pinto para makinig nung nalaman kong dadaan sila.

"Dear, kunin ko lang lahat ng gamit, ihanda mo na yung iba at babalik tayo doon sa hospital" sabi ng mama niya.

"Wag mo kalimutan dalhin lahat ah" sabi naman ng papa niya.

"Please ! sabihin niyo kung babae o lalake yung anak niya" bulong ko.

Pero hindi nila sinabi at umalis na sila ulit sakay ng kotse.

Mga ilang araw pa, tanghali iyon ng marinig kong may kausap ang mama niya sa phone.

"Oh mare ? -- ay oo babae yung baby ni Jessica, napakagandang bata" sabi nito sa kausap niya sa phone.

Nalungkot ako sa nabalitaan ko, kasi sabi niya hindi niya ipapakilala sa akin pagbabae ang naging anak niya, sabagay naintindihan ko siya. Ang mabute ay maayos na nakapanganak siya at malusog ang baby niya.

Lumipas pa ang ilang taon, iniisip ko siguro ang hitsura ni Jessica ngayon ay mas matanda na kaysa sa akin. Biglang may humintong kotse sa bahay nila.

"Wait baby wag dyan, baka madapa ka" napalapit ako sa pinto ng marinig ko iyon.

Boses nga ni Jessica, alam na alam ko iyon, nakakamiss mapakinggan, ilang taon narin ang nakalipas ng huling kong marinig iyon. Siguro dinalaw niya ang mga magulang niya.

Hinawakan ko ang doorknob, umaasa ako na buksan niya ito at pumasok siya para kahit papaano kamustahin lang niya ako, pero hindi hanggang sa umalis na lang sila.

Madalang lang sila dumalaw dito, minsan dalawang beses lang sa isang taon, pag pasko o bagong taon lang at minsan nga hindi pa.

Minsan isang araw, bumukas yung pinto nagulat ako ng makita kong pumasok ang mama ni Jessica, nagulat ako kasi nakita kong matanda na siya.

Pumunta siya sa mga gamit ni Jessica at kumuha ng iilan doon tapos ay umupo siya ng kama para tignan iyon ng isa-isa. Nakikita kong ngumingiti siya habang tinitignan ang mga gamit ni Jessica, ilang saglit naluluha na siya. Tapos ang pumasok naman ang papa ni Jessica, matanda narin siya, umupo siya sa tabi ng asawa niya at hinagod ang likod nito.

Marahil siguro katulad ko ay namimiss narin nila si Jessica, lalo na't nag-iisa lang nila itong anak.

Isang araw narinig ko na lang ng humihingi ng tulong ang mama ni Jessica.

"Tulong ! tulong ! ang asawa ko" sigaw nito.

Gusto kong  tumulong pero di ko magawa, inatake sa puso ang papa ni Jessica at dinala sa hospital. Ilang araw ang nakalipas ay binawian na ito ng buhay.

Limang taon ang nakalipas, sumunod na din ang mama ni Jessica, nakita na lang daw ito nung umaga na nakahiga at hindi na humihinga, namatay ito dahil sa katandaan.

Nagkaroon ulit ng lamay sa bahay na ito. Isang gabi bigla na lang may nagsalita malapit sa may pinto.

"Allen ?"

Pamilyar ang boses, at hindi ako nagkakamali kay Jessica nga ito, medyo iba na sa dati niyang boses siguro dahil medyo tumanda na siya.

"Naririnig mo ba ako ? kamusta ? at sorry nga pala sa lahat" boses ni Jessica na nangingiyak-ngiyak na.

Lumapit ako sa pinto at pinakinggan lang siya.

"Ang hirap ng pinagdadaanan ko ngayon, pareho na nasi mom and dad yung nawala" umiiyak na sabi niya.

"Hehe ! sorry ha sinasabi ko pa to saiyo, ikaw kasi yung first bestfriend ko eh" napasandal ko ang ulo ko sa pintuan.

"Miss na kita, sige bye, ingat ka"

Narinig ko ang yapak ng papa niya paalis, gusto kong magsalita pero di ko na nagawa, naiyak na lang ako sa mga sinabi niya.

Mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon, gusto kong damayan siya at nasa tabi niya bilang kaibigan pero alam ko hindi ko iyon magagawa. Siguro okay na rin iyon, baka kasi mas maguluhan pa siya kung kakausapin ko siya o magpapakita sa kanya. Nanjan naman si Chris na alam kong  hindi siya pababayaan.

Lumipas pa ang napakaraming taon, taon na mas matagal pa nung hinintay ko siya nung umalis siya noon.

Wala ng iba pang nakatira sa bahay, may dumadating na lang dito para linisin yung bahay. Pinanatili na lang itong bakante at hindi pinagbibili, marahil si Jessica ang may desisyon nito.

Hanggang ngayon mahal ko parin siya, kahit napakahabang taon na ang nakalipas. Tinitignan ko ang mga kamay ko, hindi ako tumatanda at nagbabago. Libo-libong taon na ang tanda ko pero labing-walong taong gulang parin ang hitsura ko.

Hinihiling kong mamatay na, mas malungkot pa lang mabuhay ng mahabang taon na mag-isa kaysa sa mamatay. Hindi ko lubos maisip kung ilang taon pa akong ganito na mabubuhay, nakakainip, malungkot at nag-iisa.

The Monster Inside Of My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon