Decided

34.7K 1.7K 84
                                    

Allen's POV

Nakita ko siya na hinatid ng iba na naman na lalaki, sinundan ka siya ng tingin hanggang sa makapasok siya ng bahay. Pagbukas nagulat siya ng makita ako.

"Ah ! ah kasi Allen ayoko sana kaso nagpumilit siya na--"

"Okay lang" putol ko sa kanya.

"Ha ?"

"Okay lang yung Jessica, mabuti yun ng may iba kang nakikilala, pangit na sa akin lang umiikot ang buhay mo" sabi ko.

Nung magkatapat kaming nakadapa sa higaan niya, pinapanood ko siya habang gumagawa ng assignments niya.

"Bakit di mo kaya subukang lumabas labas ?" tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin "Ayoko okay na ko dito"

"Try mo, gumala gala gaya ng iba"

"Enjoy na ako na nandito lang"

"Sumama ka sa mga classmates mo"

"Di ko gusto"

"Bakit masama ba sila sa iyo ?"

"Hindi pero ayoko lang"

"Bakit anong dahilan ?"

"Bakit ang kulit mo Allen ? ayaw mo ba na nandito ako ?" naiinis na ata siya.

Di ko alam ang sasabihin ko "Sinasabi ko lang naman"

Isang araw may nag doorbell at tinawag ng mommy niya si Jessica para bumaba. Sumilip ako sa may bintana nakita ko na nandoon yung lalaking naghatid sa kanya nung kamakaylan at may dala itong mga bulaklak.

Ilang oras ang nakalipas, bumalik na si Jessica sa may kwarto niya.

"Oh asan yung bulaklak mo ?" Nagtatakang tanong ko.

"Ha ? nakita mo ?"

"Oo dala-dala nung lalaking dumalaw sayo, diba binigay ?"

"Nandoon sa baba"

"Wala kang balak ilagay sa kwarto mo ?"

"Wala"

"Bakit ?"

"Bakit ka ganyan Allen ?" Naiinis na sabi ni Jessica.

"Anong ganyan ?"

"Di ko pinakita o pinaalam sayo yung bulaklak kasi baga magalit ka !" Sigaw niya.

"Hindi naman eh ! Maganda ka maraming magkakagusto sayo"

"Di ka nakakatuwa" sabi niya tapos humiga habang nakatalukbong ng kumot.

Halos isang linggo na kaming di nagpapansinan, sinasadya ko na umiwas at hindi kausapin siya dahil gusto kong makalimutan niya ako. Nasa ilalim ako ang kama niya ng biglang marinig ko siya.

"A-llen " mahinang bulong niya na mangiyakngiyak na. Nag-alala ako kaya sinilip ko siya.

Nakaupo siya sa sahig at pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa mukha niya. Nang makita ko siya na umiiyak di ko matiis kaya lumabas ako, nilapitan at niyakap siya.

"A-ayaw m-o n-na ba sa a-kin Allen ?" Umiiyak na sabi niya.

Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan ko siya. Gusto kong sabihin sa kanya ang dahilan pero baka hindi niya maintindihan.

"Sorry" yun lang ang nasabi ko.

Dahan-dahang inilayo niya ako sa kanya mula sa pag-kakayakap.

"Ano ba kasing problema Allen ?"

Nilakasan ko ang loob ko, dahil kailangan ko itong gawin "Lumayo kana sa akin"

Jessica's POV

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko, kanina lang nag sorry siya, ngayon gusto na niyang lumayo ako sa kanya ?

"Hindi pwedeng maging tayo Jessica !"

"Anong pinagsasabi mo Allen ?" sigaw ko.

"Malayo ang agwat natin sa isat-isa"

"So ?"

"My memories came back, I've remembered everything. Kilala ko na kung sino ako"

"Naaalala mo na ?"

"Oo, bago ako pumunta sa prom mo, may nangyari kung saan naging dahilan iyon pra maalala ko ang lahat"

"At dahil naalala mo na ang lahat bawal na tayo ?"

"I was a playboy ! that's the reason why I was cursed Jessica ! And jailed in that shit bed for a hundread years !"

"I don't even care ! I will still love you !"

"Di mo naiintindihan !"

"No, you !"

"Grow up ! Mas matanda ako sa iyo, I'm from the past, na dapat matagal ng wala sa mundo na ito, kaya hindi mo pwede akong mahalin !"

Nasasaktan ako sa sinasabi niya, ang dali lang sa kanya na sumuko.

"Ayokong maging mag-isa ka, just imagine kung magiging tayo at magkakaroon ng anak, ayokong maging ama na hindi kayang  suportahan kayo dahil nakakulong ako sa kama na ito" dagdag niya.

"Kaya ko yon" umiiyak na sabi ko.

"Pero ayoko, gusto ko pag mag kaka anak ka mabubuhay siyang normal na may normal na ama. Tatanda ka at ako mananatili na lang sa ganitong kalagayan habang buhay"

"Ano naman ?"

"Listen, gusto ko rin naman yung gusto mo eh ! Pero ayokong maging makasarili, dahil lang sa mahal kita. Mahal kita kaya papakawalan kita, para sa taong para talaga sa iyo"

"Naiintindihan naman kita eh ! Ginagawa ko lang naman na makitid yung utak ko kasi gusto kong ipilit yung gusto ko kasi mahal din kita"

"Pero alam mong tama ako diba ? I can't grow old with you, I can't be a man that you worth it and it kills me"

Niyakap ko siya ng mahigpit, wala na akong masabi kasi naiintindihan ko siya. Pero yung feeling na ayaw mong i-let go pero kailangan. It's true all love really hurts, kasi pag hindi ka nasaktan it's not love.

Feeling ko para akong si Wendy na can't stay forever young and live together with Peter Pan. sabi ko sa sarli ko habang yakap yakap siya at magkatabi kaming natutulog.

The Monster Inside Of My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon