I Love Her !

37.4K 1.8K 53
                                    

Allen's POV

Nagising ako ng maaga, sobrang aga dahil madaling araw pa lang, mukhang naidlip lang ata ako. Pabalik-balik akong lumilipad sa kwarto niya habang tinitignan siya, huminto ako at tinititigan siya mula sa itaas halos malapit na sa kisame habang nakalutang.

"Gusto ko ba siya ?" Bulong na sabi ko.

Nabigla ako sa sarili ko dahil sinabi ko iyon na siyang naging dahilan kung bakit muntikan na akong mahulog kay Jessica.

"Shit !" Muntikan ko ng madaganan si Jessica.

Ilang oras nagising na din si Jessica, nag-ayos at umalis papasok sa school niya. Tapos umuwi siya pumasok sa kwarto niya matapos kumain ay nag shower at natulog na.

Di parin kami nag uusap. Ewan ko pero alam kong hindi yun yung dahil sa amin, may iba pa siyang problema.

Nasa ilalaim na ako ng kama ng marinig ko ang pigil na iyak at pagsinghot niya. Dali-dali akong lumabas at pinuntahan siya.

Nakatakip siya ng kumot habang nakabaluktot. Nilapitan ko siya at tinapik.

"Jessica ?" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakatakip sa kumot.

Inalis ko ang kumot sa kanya habang pilit parin niyang tinatakluban ang sarili niya pero wala parin siyang nagawa.

Nakita ko ang mukha niya, basang-basa ng luha, namamagang mga mata at namumulang ilong. Tinitigan ko lang siya, mas lalo siyang umiyak at biglang yumakap sa akin.

Hinagod ko ang likod niya, mas lumakas ang pag-iyak niya. Ilang sandali umalis siya sa pagkakayakap sa akin at pimunasan ang luha niya.

"Anong nangyari ?"

"Di ko alam kung dapat ba na sabihin ko ito, mababaw lang ba ? pero bakit kasi ako naiiyak" Umiyak siya ulit. Pinunasan ko ang luha niya."Allen Prom kasi namin tomorrow night, remember that guy na naghatid sa akin, he's going to be my date pero nalaman kong he just played with me"

Nagalit ako sa narinig ko, gusto kong puntahan yung lalaki at sapakin siya. "Umiiyak ka dahil niloko ka niya ?"

"Nope I don't even like him, naiiyak lang ako kasi tomorrow night na iyon dahil doon wala akong ka date at makikita ko siya at makikita niya ako na walang kasama"

Nawala ng konte ang inis ko, di naman niya pala gusto yung lalaki. "Tahan na ! Bobo yun"

Napatingin siya sa akin at natawa, tumigil na siya sa pag-iyak. Nakiusap siyang samahan siya sa pagtulog.

Magkaharap kami sa isat-isa, ipinikit niya ang mata niya at ngumiti. "Good night Allen"

"Good night Jessica" Inilapit at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Gusto ko siya ? Gustong gusto ko siya"

Prom Day

4:00 pm na ng tignan ko ang orasan mula sa pagkakasilip sa ilalim ng kama.

Di ako maaaring lumabas dahil may ibang mga taong nasa loob ng kwarto ni Jessica para ayusan siya.

6:00 pm ng muling tignan ko ang orasan, bumukas ang pinto at nagsilabasan na silang lahat, ang nakita ko lang ay ang light pink na gown na suot ni Jessica.

Nang makalabas sila ay lumabas na rin ako para silipin siya mula sa bintana nakita ko siyang papasok ng kotseng maghahatid sa kanya. Maganda siya .. hindi mas lalo siyang gumanda !

Halata sa mukha niya na hindi siya masaya, di man lang siya nakangiti ng pumasok siya dito.

Nalungkot din ako bigla, gusto ko siyang samahan, gusto ko na ako ang maging kadate niya sa prom nila.

Tumingin ako sa may pintuan ng kwarto sinubukan kong buksan iyon pero hanggang doon lang ako at hindi makalabas. Naalala kong may kung anung tali o magnet ang di nakakapag pahiwalay sa akin sa kama na ito na siyang kinaiinis ko.

Pilit ko paring sinubukan pero walang nangyari, hanggang sa sobrang inis ko pinasusuntok ko ang kama.

Naiyak na lang ako bigla, iniisip ko kung paano na si Jessica, magiging mag-isa siya.

"Bakit ba kasi ako nakakulong dito ? Anu bang ginawa ko ? Kailangan niya ako ngayon !" Sigaw ko habang sinusuntok ang kama dahil sa pagkakaalam kong wala namang tao sa bahay dahil hinatid nila si Jessica.

"Bwisit ! Piste !" Nakikita kong tumutulo ang luha ko sa higaan ni Jessica.

The Monster Inside Of My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon