Chapter 2

26 3 0
                                    

Matapos kong maglakad lakad ay kaagad na bumalik na ako sa workshop ni Kuya Luis.


"Nabusog ka ba?" Bungad niya sa akin. Tumango ako at nginitian siya. Pumunta na ako sa may likuran at kinuha ang palakol upang makapagsimula na muli sa trabaho ko.


Dahil sunod-sunod na ang pag dating ng mga kahoy ay hindi ko na napansin ang lumipas na oras. Patuloy parin ako sa pag gawa. Nagpapahinga naman pero saglit lang.


Mas gugustuhin ko kasing mag focus lang sa isang bagay kaysa makipag usap sa iba. Wala naman akong makukuhang maganda roon at pababagalin lang ang trabaho ko pag nakipagchismis pa ako sa mga tao. Siguro 'yon narin ang dahilan kung bakit hindi rin ako gusto ng mga tao.


Isinantabi ko nalang sa utak ko iyong iniisip ko, wala naman akong pakialam basta nabubuhay ako ng payapa at hindi nila ako ginagalaw.


Pagtapos kong magsibak ng kahoy ay naupo muna ako sa gilid at uminom ng tubig. Inayos ko narin ang pagkakaayos ng buhok ko dahil medyo gumulo na ito.


Siguro ay kailangan ko nang gupitan 'to. Sagabal na sa mga ginagawa ko.


"Ay, Ella, Rob. Pwede kayo nang umuwi." Sabi ni Kuya Luis ng makapunta siya rito sa likuran. Tinignan ko ang kasama kong si Rob na siyang nagpapahinga rin sa kaniyang sulok.


Parehas kaming napatingin kay Kuya Luis, ako ay may halong pagtataka samantalang ang kasama ko naman ay mukhang masaya ang mukha. Hindi sa hindi ako masaya pero, 'di ako sanay na umuuwi ng maaga.


"Bakit? Maaga pa." Sagot ko sakaniya. Nginitian naman ako ni Kuya Luis dahil sa sinabi ko. "Oo nga, pero dahil hindi natin alam ang mga nangyayari. Mas mabuting maging agap tayo. Doon na tayo sa kung san tayo ligtas." Pagpapaliwanag niya.


Tumango ako, "Ah, sige po. Kung ganon po, magaayos na ako." Ngumiti muli si Kuya Luis at pumasok na siya muli sa loob ng workshop.


Tinignan ko ang langit at mataas pa ang araw. Binuksan ko ang Pro-Phone ko at mag aalas-quatro palang ng hapon. Kahapon ay ala-sais ako nakauwi, ngunit hindi na bago 'yon dahil ganong oras naman talaga ako umuuwi.


Nagpahinga pa muna ako pero ang kasama ko ay nagligpit na ng kaniyang gamit.


"Mauuna na ko El." Sabi ni Rob sa akin. Itinaas ko ang kamay ko at nginitian siya. "Ingat ka paguwi mo." Sagot ko.


"Oo naman, ikaw din." At tuluyan na siyang umalis.


Napabuntong hininga nalang ako at nag-ayos na lamang ng gamit ko. Nag-igib ako sa may poso upang makapaghugas ng kamay at ng mukha. Madali nalang sakin ang ganitong mga bagay dahil na lang din sa lakas na nakuha ko kakasibak pati narin sa kasanayan nang mabuhay ng ganito.


Sumipol ang malamig na hangin, dahilan upang manginig ako sa lamig. Malamig sa balat kapag nahanginan ang basa. Pinunasan ko na kaagad 'to gamit ang maduming damit ko.


Kinuha ko na ang gamit ko at tuluyan na akong pumasok sa loob ng workshop.


Mukhang ako nalang inaantay nila dahil halos wala nang tao dito at naglilinis nalang si Ate Olivia habang si Kuya Luis naman ay nagbibilang ng binenta. Lumapit ako sa may counter kung nasaan si Kuya Luis at isinulat sa check out ang pangalan ko.


"Ay gusto mo ng adobo?" Tanong sakin ni Ate Olivia. Napatingin naman ako sakaniya, "Ay, okay lang po." Sagot ko naman sakaniya. May iniabot siyang plastik sa akin na naglalaman ng ulam at kanin.


"Pang hapunan mo, napasobra kasi ang luto ko kaya eto kunin mo na." Pagpapaliwanag niya. Tumango naman ako sakaniya at nagpasalamat sa biyayang binigay niya. Nagpaalam na akong sakanilang dalawa at tuluyan na akong umalis sa lugar na iyon.


Center of ChaosWhere stories live. Discover now