Chapter 4

11 2 0
                                    

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ay nakit ko ang isang malaking cabinet sa gilid ng kama na hinihigaan ko kanina. Umalis kaya ko dito?


Lumapit ako sa cabinet na iyon at pagkabukas ko ay may iba't ibang klase ng armas ang nasa loob nito.


Kinuha ko muli ang palakol na nakapatong kasama ang iba doon.


"Hmm, ibang iba siya sa palakol ko. Dahil ba metal to ay ang akin ay kahoy lang?" Tanong ko sa sarili ko.


Naramdaman kong may nagbukas ng pintuan kaya't agad akong naghanda na ibato ang palakol na hawak ko.


"Kalma! Sandali ako lang 'to si Ezekiel! Ibaba mo ang hawak mo."  Sabi niya kaagad habang nagtatago sa likod ng pintuan.


Binaba ko ang amba ko at inilagay muli sa loob ng  cabinet hawak hawak ko. 


"Bakit? Ano kailangan mo?" Tanong ko naman sakaniya a napatingin sakaniya. "Are you here again to convince me to risk my life to that petty girl?" Dagdag ko.


Napansin ko na napalunok siya dahil sa sinabi ko. I hit the spot again.


"Oo, please. Kailangan namin siya ng buhay." Sabi niya.


"Bakit hindi kayo magvolunteer para hindi siya yung kunin?" Tanong ko naman sakanila. Alam ko. Alam kong pwede 'yon. Dahil...



"Hindi ako pwede." Sabi ni Ezekiel.


Napatingin ako sakaniya na para bang hindi nakakapaniwala ang kaniyang sinabi. "So sinasabi mo na pwede ako? Ganon ba kadali itapon ang buhay naming mga nasa baba?" Tanong ko sakaniya. Napangisi naman ako kaagad.


"Tangina mga duwag talaga kayong mga pribilehiyo. Kayang kaya niyo kaming pahirapan para sa ikasasaya inyo." Sabi ko sakaniya.


"Kahit gustuhin ko siyang samahan at iligtas alam kong hindi kami magtatagal dahil na lamang sa hindi ko kaya ang alagaan siya." Pageexplain niya sa akin.


"Bakit kailangan pa ako? Bakit hindi nalang ung Darwin na 'yon tutal mukhang marunong naman siya diba?" Tanong ko sakaniya.


"Pero kailangan namin ng utak Ella," Napatigil siya ng bahagya. "At ikaw ang makakapagbigay samin non." Pagpapaliwanag niya sa akin.


Sa inis ko ay napakagat nalang ako sa loob ng sarili kong bibig.


"Hindi ko pa alam. Iwanan mo muna ako." Sabi ko naman sakaniya na siyang naintindihan niya kaya't agad siyang umalis ng kwarto.


Napabuntong hininga agad ako ng magsarado na ang pintuan. Asan kaya si Irish?


Pumunta ako ng banyo at naghugas ako ng mukha upang mabuhayan naman ang loob ko.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 23, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Center of ChaosDonde viven las historias. Descúbrelo ahora