Kabanata 1

15 0 0
                                    

Hindi ako mapakali sa loob ng aking silid. I heard my mom crying so hard while my dad was shouting so many times. They are fighting...

I am just a nine year old kid. What can I do? Cry? Cry like my mother? I can't stop them. Even if I should.

When I turned nine, hindi na magkasundo ang parents ko. Halos apat na beses silang nagsisigawan sa isang araw. I don't know what they were fighting about, but, I heard my mom talking for so many lawyers. Doon ko lang napagtanto na, lumulubog na ang negosyo ng daddy ko.

My mom is rich. Gusto ng mommy ko na gamitin ni dad ang pera niya para maka-ahon. Kaso, mataas ang pride ni daddy. Hindi niya ginamit ang pera ni mommy. Imbis ay, nag-punta siya sa ibang bansa para kuhanin ang mana niya sa lolo ko. It's not that easy. He needed to stay there for ten years before he can get his heir.

My mom started to get busy, busier. Dumadating sa punto na wala na siyang oras kumain kasama ko. There are so many calls. So many papers to sign. So many computation to make. So many work.

I turned thirteen years old, dad was still abroad. My mom was still busy but she managed to bought me chocolate cake before going to work. I didn't have such a party, wala rin naman kasi akong maiimbita.

I lock of friends. I don't have any. Hindi ko alam kung sila ba ang may ayaw sa akin, o hindi lang talaga ako marunong makipag-kaibigan.

When I turned fifteen, nagpalipat ako sa isang pampublikong paaralan. It's not that we can't afford private tuition fee, but to gain friends. Lagi kasi, kapag nakikita ko ang mga estudyante sa katapat na public school ng previous school ko, I always envy their happiness. Para bang wala silang pinoproblemang mabigat kahit na ang dami-dami nilang hawak. They were so jolly. Sobrang nakaka-inggit.

At dahil doon, ay ang unang beses kong pagsakay sa jeep. My mom never allow me, but hell, malalaman pa ba nya? Kung malaman niya, may oras naman kaya siyang leksyunan ako?

The first time was great. Ako mismo ay namangha sa sarili ko. That was a first day of school. Gaya ng iniisip at gusto kong mangyari ay nagkaroon ako agad ng maraming kaibigan. Kaso ay hindi ko sila nakakasabay sa pag-sakay sa jeep dahil malapit lang ang mga bahay nila, pwedeng lakarin.

"Hi, I'm Kataña Alfarez. Sana naman kaibiganin niyo ako," sinabayan ko ng tawa ang pagpapakilala ko kanina sa harap.

Isa na doon si Gasme. Siya ang unang lumapit sa akin. Gwapo siya, payat na matangkad at maputi. Kulot ang buhok niya at pantay ang kaniyang kulay. He offered me a friendship and I gladly accepted it naman agad. Pagkatapos noon ay nadagdagan ang mga gustong makipag-kaibigan sa akin. Hanggang sa matapos ang unang araw ko sa eskwela, naging kabilang ako sa grupo sa kanilang grupo.

Hindi naman iyon masasamang implowensya. In fact, magkakasama sa grupo nila ang Top three sa klase noong nakaraang taon. They are not a good influence either. May kung anong ayaw sila sa mga rules ng paaralan kaya't madalas silang hindi sumusunod sa utos ng mga guro.

Pauwi na ako noon at nag-aabang na naman ako sa jeep na dadaanan ang lugar namen. Nakapag-paalam na ang mga bago kong kaibigan sa akin. Sabay-sabay silang uuwi para pag-usapan sa daan ang gaganaping eleksyon na hindi naman nila sasalihan. Maaga palang nagaganap ang eleksyon ng SSG sa bago kong school.

Nang may makitang jeep ay pinara ko agad ito. Isa itong pulang jeep. Nang huminto ito sa harap ko ay agad na akong pumasok sa loob.

Sinabi ko sa kundoktor kung saan ako bababa at nag-abot na ng perang kagaya ng sa ibinayad ko kanina.

Malakas ang hangin. Alas singco-ng mahigit na rin kase at halata ang nagbabadyang ulan na hatid ng mga ulap. Kinakabahan ako. Ito ang unang pagkakataon kong uulanin sa daan na hindi pa naman nakasakay sa sarili naming sasakyan.

"Miss, 'yung palda mo, tumataas."

Sa kabang nararamdaman ko at sa pagiging abala sa phone ay hindi ko na inintindi kung sino ang sinasabihan ng lalaki sa harapan ko. Paano kung hinahanap na ako sa amin? Mamayang seven pa ang uwi ni mommy at magkukulong siya sa study room, kaso ay hindi sanay ang mga kasambahay na umuuwi ako sa ganitong oras. Masyadong malayo ang school namen. 4:30 PM ang totoong labasan ng mga mag-aaral, kaya lang ay nagka-yayaan kami sa isang kainan kaya naman natagalan.

"Miss, nakikita ko 'yung shorts mo." seryoso na ang narinig kong tinig.

Nag-vibrate ang phone ko kaya naman agad kong tinignan ang notification sa itaas. Kinabahan ako nang makita ang text ng mayordoma ng bahay namen na mapapa-aga ang uwi ni mommy, alas sais dahil na rin sa bibisita sila lola na kakauwi lang sa ibang bansa noong isang araw.

Kailangan daw ay maunahan ko si mommy. Nag-aalala na daw sila doon at talagang hinahanap na ako kaya kung maari ay umuwi na akong kaagad.

Huwag po kayong mag-alala. Pauwi na...

Naputol ang sanay pagtipa ko sa salitang 'ako' nang maramdaman ko ang pagbato sa akin ng papel ng katapat ko.

Gulat ko itong tinignan. Bakit niya ako babatuhin ng papel?

Nasa tatlo o apat na taon ang tanda sa akin ng lalaki kung tama nga ako. Moreno ito at maganda na ang pangangatawan. May kahabaan ang kaniyang buhok. Itim ang kulay ng kaniyang mga mata, hindi ako sigurado dahil sa dilim ng ulap. Matangos ang ilong at manipis ang mariing nakatikom na mga labi.

He's wearing a plain royal-blue shirt, partnered by color black shorts na hanggang tuhod niya. Nakasuot din siya ng sapatos. He's wearing a black watch. Mat silver necklace din siya na walang pendant. In short, gwapo na hot pa.

"Miss, 'yung palda mo, baka may balak kang itaas?"

Kaso ay antipatiko.

--

Our Jeepney StoryWhere stories live. Discover now