Kabanata 4

9 1 0
                                    

Kabanata 4

Mabilis ang takbo ng bawat araw, linggo, at buwan. Pati ako ay nagulat nang makita ko na lang ang sariling nag-e-enroll na para sa susunod na school year.

Nahuli nga ako ng pag-enroll dahil kinulit pa ako ni Dreco na sumabay sa kaniya. Nauna ng nag-enroll sila Elina at Gasme, kasama ang grupo na sina Sash, Sheko at Gat. Maiissue na naman kami nito.

"Anong oras ka uuwi, Drec?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa canteen, bibili ng pag-kain dahil ginugutom na ako.

"May family gathering kami sa kabilang bayan kaya naman pagkatapos natin dito, uwi na tayo."

"Ano,.. Inaya kasi tayo nila Gasme na sumama sa milktea-han sa tapat. 'Yung bagong bukas. Magtatampo 'yun kung hindi ka na nga magpapakita ay hindi rin ako magpapakita."

Tumango-tango siya at naintindihan ang gusto kong sabihin. "Hm.. Sige, mauuna ako. Basta umuwi ka ng maaga. Tatawagan kita mamaya para i-check ka."

I understand him. Pinababantayan ako ni mommy sa kaniya. Nagkakilala sila ng mommy ko noon sa mall. Nagsho-shopping kami ni mommy para sa gaganaping event ng pamilya nang makasalubong namin si Dreco and his mom. To my surprise, mag-amiga ang mga mommy namin at nalamang same school lang kami kaya naman ayon, simula n'on ay bantay sarado ako nito. Simula din n'on, naging malapit na magkaibigan na kaming dalawa. Idagdag pa ang pagiging sabay namin palagi sa jeep.

"Masarap 'yung Dark Mocha Frappe nila, try niyo." si Gasme na siyang o-order ng para sa aming lahat.

"Ikaw, Kataña?" Sheko asked.

"Kung ano na lang 'yung sa'yo, ganun na lang din ang akin."

Sa huli ay pare-parehong Dark Mocha ang pinili naming flavor.

Hindi maalis ang tingin ko sa phone ko dahil sa ML. In-invite kaming dalawa ni Gat, ni Elina at Sash. Hindi gaanong naglalaro si Sheko dahil nakakabawas daw ng ganda.

"ks naman si Gat! Parang tanga!" inis na sigaw ni Sash na ikinatawa ng malakas ni Gat.

Marami ang nandito sa milktea-han at wala namang silang pakialam sa pag-iingay namin e. Natawa na ako ng agawin na naman ni Gat ang hero na tinarget ni Sash.

"This is fucking ridiculous," si Elina dahil wala pa siyang napapatay pero limang beses na siyang napatumba.

"Get the hell out of here, Kataña! Sa Mid ka na lang!" si Gat naman nang sumunod ako sa kanya papunta sa top lane. Tawa ako ng tawa nang ks-in ko ang kalaban na pinapatumba niya.

"That's right, babe. Ipaghiganti mo ko."

"You sounds like shit, Sash. Babe sucks." si Sheko na tinawanan namin.

"You probably remembered your kalandian. Or, ex mo ba?"

Inis na tumayo si Sheko at sumunod na lang kay Gasme sa counter.

Sa huli ay victory naman kame. Si Gat ang MVP at kaming dalawa ni Sash at ang isa naming ka-join na senior 11, gold. Si Elina lang ang AFK dahil sa kalagitnaan ng laro ay nainis siya at umalis sa game.

"Ingat sa pag-uwi, babe!" Si Sash sa akin na ikinairat naman ni Sheko.

"Yucky, Sash." bumaling siya sa akin. "Bye, Kataña! Take care on your way home!"

"English english pa 'tong dalawang 'to, mabibigat naman! Paalam, Kataña! Ingat sila sayo!" si Gat naman na tinawanan ni Elina at Gasme na parehong kumaway sa akin.

Tinanaw ko sila hanggang sa lumiit sila sa paningin ko. Dinungaw ko ang relo kong suot.

4:31 PM..

Gaya ng inaasahan, may humintong pulang jeep sa harapan ko. Hindi na ako nagdalawang isip, sumakay na ako. Hindi nag-aangat ng tingin sa kahit na sino.

I smelled his familiar scent. I can see him on my peripheral vision dahil nakatingin ako sa labas ng pintuan.

"Miss,"

This time, agad akong nag-angat ng tingin, sinalubong ang kaniyang mga mata. It's almost nine months, but... He looks the same Hans I have always seen in this red jeepney.

"'yung sintas ng sapatos mo, hindi naka-ayos." sa mahinang tinig.

I smiled at him and nodded. Pinakiramdaman kong mabuti ang pagtibok ng aking puso habang inaayos ang sintas ng aking sapatos. It was beating hard and fast. Siguro ay dahil mainit?

Hindi. Wala na. Hindi ko na siya crush. Ayoko siyang crush. Kaya nga iniwasan ko ang pulang jeep simula nang makita ng mga mata ko na may girlfriend na siya.

Crush lang naman, pero ayoko namang magka-crush sa may girlfriend na.

Pagkatapos kong ayusin ang sintas ng aking sapatos ay ngumiti ulit ako sa kaniya na para bang ngayon lang kami nagkakilala. Na para bang hindi ko siya nakakasabay dati sa jeep na ito.

Imbis na ngitian ako pabalik, he stared at me for seconds. Hindi ko alam kung meron bang dumi sa mukha ko, kung bakit napatagal naman yata ang tingin niya. After a minute, he spoke.

"Long time no see, Kataña. How's the green jeep?"

Shit? Laglag ang panga ko sa kaniya. P-Paano niya nalaman ang pangalan ko at.. A-Anong green jeep?

"Bakit ka lumipat ng sinasakyang jeep? Tired of this one? Tired of your palda? Tired of sitting opposite to me?"

__

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Jeepney StoryWhere stories live. Discover now