Kabanata 3

4 0 0
                                    

Kabanata 3

Kinabukasan ng hapon, nang huminto ang pulang jeep sa aking harap, bumilis muli ang tibok ng puso ko. Paano ba 'to? Normal ba 'to?

Pumasok ako sa jeep. Tinignan muna ang lalaking nasa dulo nito. His eyes met mine. Agad kong iniiwas ang aking tingin mula sa kaniya.

Nasa paborito ko na namang pwesto si Angel. Wala siyang balak umusog, kaya alam ko, magdurusa na naman ako.

Pumasok ako sa jeep at didiretso na sana sa tabi ni Angel nang maramdaman ko ang mainit na kamay sa aking palapulsuan.

His sudden move shocked me. Hindi ko iyon ipinahalata sa pag-kunot ng noong tingin sa kaniya. Ngunit kay Angel siya nakatingin.

"Angel, dusog ka." he ordered.

"Ah, right." nilingon ko ang babae and the girl smiled at me naman.

Umusog siya at mahina akong itinulak ni Hans sa upuan na kaniyang tapat. Gulat ako at hindi makapag-salita. Nakatingin lang ako sa kaniya. Siya naman, agad na kinalikot ang kaniyang phone.

Gosh, I can't really believe that he's this so gwapo habang kinakalikot ang phone niya.

Ibinaba ko na lamang ang aking tingin. Nangingiti ng bahagya. So, this is the feeling of, 'kinikilig'.

Tatlo na ang naging utang ko sa kaniya.

Kinabukasan hanggang sa dalawang linggo na naman ang lumipas, isang buwang mahigit na pagsakay ko sa jeep, ibinalik sa akin ang paborito kong pwesto. Hindi ko na muling naabutan ang babaeng nagngangalang Angel sa sinasakyan kong jeep.

Wala na muling umukupa sa paborito kong pwesto.

Hanggang ngayon, sa tagal na pagsasabay namin sa jeep, hindi pa kami nakapag-usap ng maayos ng lalaking lagi'y sa tapat ko. Hindi ko pa nalalaman ang buo niyang pangngalan at ganun din siya sa akin.

Another Month had passed, ganun pa rin ang naging set up namin sa jeep. He'll look at me kapag sasakay ako at hindi na muli akong titignan sa kabuuan ng mahabang biyahe.

Ngayon ay ang naiiba. He's with a girl. A really pretty girl. Wearing the same I.D. with his. Pareho din sila ng shirt. May kasama silang isa pang lalaki. Pero ang mas nakaagaw ng aking pansin ay ang nakatago nilang magka-hawak na mga kamay na natatakpan ng bag ni Hans. Hans is holding the pretty girl's hands.

Hindi nagtagal ang tingin ko sa nakahawak nilang mga kamay, but I swear... I remembered every details of it.

Hindi na ako tumingin. Hans occupying his favorite sit. Kaya katapat ko na naman siya.

Maluwag pa sa gawi namin, kumpara sa kanila. Naabutan ko silang tatlo na nagtatawanan nang pumasok ako. I guess, same block lang sila.

Is this girl is Hans' girlfriend? Malamang. Kahit sino naman sigurong makakakita, iyon na agad ang iisipin. It is his girlfriend. They're holding hands.

Mas napatunayan ko ang aking hinuha sa sinabi ng lalaking kasama nila.

"Limang buwan kang niligawan ni Hans, Shane? Aba, sobrang seryoso sa'yo!" the guy laughed.

Parang may bumara sa lalamunan ko. Biernes ngayon. Huling araw sa isang linggo na makikita ko siya. Babaunin ko ang alaala niya ngayon hanggang sa dalawang araw kong hindi siya makikita. At ito... Ang alaalang babaunin ko mula sa kaniya.

"Sasagutin ko sana siya agad, kaso ay sobrang busy. Ayoko namang sagutin na lang siya sa text. He's my crush, before he courted me den." his girl laughed. So he laughed with him kaya naman hindi ko naiwasan ang pag-angat ng tingin.

There, I saw his eyes looking at his girl. Seems so proud to call her his. Seems so happy with her. Crush ko lang siya! Bakit ganito ang tumatakbo sa utak ko?!

Sa pagsakay ko sa jeep, parang mas humaba ang biyahe ngayon. I can hear my heart, breaking into fucking peices. I can feel the heaviness of my fucking heart.

Kaya naman nang araw na iyon, sa pagbaba ko sa jeep, hindi na ako muling lumingon sa kaniya. Hinding hindi na muli akong lilingon sa kaniya.

That day, I knew... Nagustuhan ko siya sa mga panahong iyon. Sa mga panahong may pinupursue siyang iba. Ang tanga naman ng sarili ko, nagkagusto sa taong hindi ko nakaka-usap. Sa taong hindi ko naman kilala ng lubusan. Sa taong niligtas lang naman ako ng tatlong beses sa jeep. Sa taong ang hirap magustuhan. Sa taong... Katulad niya.

Hindi pa ako makapaniwala nang umiyak ako sa kwarto ko. Feeling ko, ang bobo ko para umiyak sa ganung bagay. Eh ano kung may girlfriend siya? Naglandian ba kayo, selp?

Monday came. Sobrang bilis nga 'eh.

Nang kinahapunang iyon, lumabas ako ng school ng mas late sa palagi kong paglabas. I encountered the green jeepney. Kaya naman thankful ako na doon ako sumakay.

Sa pagsakay ko, nagulat ako nang may sumakay den. Kilala ko siya, schoolmate ko. Siya iyong nakasakay ko den dati sa jeep. I saw him on senior 11's occasions.

He sat next to me. Nagsimula ng umandar ang jeep.

Abala ako sa paglalaro ng phone ko nang maramdamang kinalabit ako ng lalaking senior kaya naman nagtataka akong tumingin sa kaniya.

Sa mahinang tinig, "Binibini, tumataas ang palda mo."

--

Our Jeepney StoryWhere stories live. Discover now