Kabanata 2

8 0 0
                                    

Kabanata 2

Isang linggo na ako sa eskwela at isang linggo ko na ring nakakasabay sa pag-uwi ang lalaking iyon. Pareho kami lagi ng jeep na nasasakyan at pareho din lagi ang pinipili naming upuan kaya naman magkatapat na naman kami ngayon.

Nakatingin siya sa labas. Ang pwesto na gustong-gusto naming pareho ay ang pwesto na nasa mismong tabi ng pintuan, malayo sa driver.

Sa tuwing sasakay ako sa jeep ay susulyap siya sa akin. Tapos ay babawiin agad ang tingin at hindi na muli akong titignan. Inis na inis ako sa kaniya sa unang beses ko siyang makasabay sa jeep. Alam ko namang mali din ako doon dahil na rin sa hindi ko pag-pansin sa mga sinasabi niya sa akin pero legit 'yung hiyang naramdaman ko sa mga taong nakasabay namin noong araw  na 'yon sa pagbalibag niya sa akin ng binalot na papel.

Nag-aaral pa ba ang isang ito? May bag naman siya pero maliban sa bag ay wala na. Hindi siya naka-uniform at wala din siyang ID.

Kagaya ng madalas kong ginagawa ay tinititigan ko siya, hinuhuli ang kaniyang mga mata. Ang lakas ng loob ko dahil alam ko namang hindi niya ako lilingunin. Kagaya ko ay inis rin yata siya sa akin. Nagkasagutan pa kasi kami pagkatapos ng insidenteng iyon.

"Kuya, pwede naman pong sabihin sa akin ng maayos." irap ko sa kaniya.

Ngumisi siya sa akin na halata namang walang humor. "Miss, kanina ko pa sinasabi sayo pero busy kang makipag-text sa phone mo."

Hindi agad ako nakabawi. Pero sa huli ay inismiran ko siya. "Babae ako. Kahit na ganon, may ibang paraan naman para makuha ang atensyon ko, malayo sa paraang ginawa mo."

Mukhang inis na siya. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis na rin ako sa kaniya. "Nirespeto kita kaya naman hindi ko agad ibinaba iyang palda mo. Kasi nakakabastos namang hawakan ang palda ng isang babaeng hindi ko naman kilala. Nakikita ko na ang shorts mo."

Umirap ako sa kawalan. Hindi iniintindi ang mga kasabay namin sa jeep. "Sa tingin mo, ang pambabato ng papel sa babaeng hindi mo naman kilala ay pagrespeto? Iba yata ang klase ng respetong natutunan mo."

Pagkatapos non ay nagalit na talaga siya sa akin.

"Ikaw na nga ang ginawan ng mabuting loob sa pagpapababa ko sa palda mo, ikaw pa ang nagagalit."

Mayroon naman siyang sense at natulungan niya nga naman ako kaya naman umismid na lang ako at hindi na siya pinansin.

Sa gabing pagbisita sa amin ng lolo at lola ko sa mother side, sinabi nilang hindi ko makokompleto ang pag-aaral ko dito sa Pilipinas.

Pumayag na lang ako dahil ayoko ng magpahayag ng saloobin ko, hindi rin naman nila pakikinggan.

Tama nga ako, hindi niya ako sinulyapan kahit na isang beses.

"Para po!" sigaw ko nang huminto ang jeep malapit sa entrance ng village namin. Sa malapit na waiting shed.

Bumaba ako ng jeep at muli siyang nilingon. Doon, nahuli ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Katulad ng ginawa niya noong pagsakay ko sa jeep, muli niya itong iniiwas.

Nilakad ko ang mula sa waiting shed hanggang sa village. Ang tumatakbo sa utak ko ay ang inis na nadarama sa lalaking iyon.

Kahit na lumaki akong walang mga kaibigan, naranasan ko rin namang makisama sa mga kababaihan at kalalakihan. I can say that his character, or the way he treats me hunts the insides of me. Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng kagalit sa walang kwentang bagay na pinagsimulan.

Hindi rin naman ako masyadong masungit. Talaga lang na ayoko iyong ginawa niyang iyon sa akin. Mukhang araw-araw ko pa naman siyang makakasabay sa jeep. Tapos ay kagalit ko pa. Hindi ba mas maganda kung magkasundo kaming dalawa?

Our Jeepney StoryWhere stories live. Discover now