PROLOGUE

10 2 0
                                    

Summer time, rainy feels

Sabrinalex's POV

Before semestral break, until now, hindi parin maalis sa isipan ko ang kahihiyan na inabot ko sa performance. Sabi ng professor ko sa music, magaling daw ako at may magandang passion sa pagtugtog ng mga instruments na alam ko,pati narin sa pag kanta. Sa sobrang flattered ko sa mga papuri na galing sakanya eh pumayag ako sa sinabi nya na ipakita ko sa campus ang talento ko at ibahagi ito sa lahat, at kahit alam kong mahiyain ako at unang beses ko pa lamang na tumugtog sa harap ng maraming tao ay umoo parin ako para pagbigyan siya.

Flash back

"uhmm.. H-hi normsians tutugtog ako ngayon para sa school's event natin" nauutal kong saad sa harap ng sandamakdam na school mates ko.

[ normsians: tawag sa mga mag-aaral ng NORMS- National Oro Rizal Memorial School]

Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin shittt. Sobra sobrang kaba ang nararamdaman ko.

"all i wa-" naputol ito nang pumiyok ako at sumabog ang matinding kaba na nararamdaman ko. Dahil doon ay naitulak ko ang mic stand dahilan ng pag gulong nito sa stage at saktong bababa nasana ako dahil sa sobrang kahihiyan ay napatid ako sa guitar wire na naka kabit sa gitara ko patungo sa amplifier.

Doon na nga nag umpisa ang bulong bulungan ng mga estudyante sa katangahan ko. Nag pasa pasa din ang video ko na pumiyok at ginawa nila itong katuwaan, meme, ika nga sa henerasyon namin. Para sa kanila masaya iyon, ngunit para sa'kin, isa iyong panaginip na gusto ko na lamang magising.

End of flashback

"lex! Anak gising na. Diba ngayon yung resulta ng pag audition mo sa munisipyo para sa pagtugtog sa fiesta. Kaya bumangon ka na jan, naghihintay na si xylo sa baba."

Sigaw ni mama na ikanakuripas ko patungo sa banyo. Shet oo nga pala ngayon yun, hindi ako pwede ma late dahil baka mapili na ako sa pagkakataong ito. Naghihintay na rin ang bestfriend ko sa baba, at si mama kahit ano na lang ang tinatawag sakin nakaka lito, minsan kasi tawag nya ay lex tapos, sab, tapos, kath, hysss ano ba yan pwede namang isa lang sa mga nabanggit hahaha.

Naka komportableng damit lang ako ngayon pero may dating. Royal blue v-neck shirt na fitted at black trouser. Pinartneran ko din ito ng white stan smith shoes pero ukay ukay lang ito heheh walang budget para sa orig eh. Sinuot ko din ang black wrist watch na bigay ng lola ko bago siya namatay and lastly isinaklay ko na ang gitara ko at bumaba na.

"hi ma, hi pa, bro, goodmorning sainyo" sabay beso sakanila. "uhmm ma di na po ako mag aalmusal, pagka balik ko na lang po, late na po ako eh"

"ahh sige anak, xylo hijo ikaw na bahala kay lex hah" bilin ni mama

"aba syempre po tita, maasahan niyo po ako, at kikilatisin ko ang lumapit kay lex na lalaki hahaha" pabirong sabi ni xylo. "sige po mauna na kami tita, tito, pareng ace" pagpapalam niya kay mama, papa, at kuya ace, sabay saludo sakanila.

Nasa jeep kami ngayon papunta sa studio ng munisipyo para alamin ang resulta ng audition ko.

"Hyss sana nmn positive na ito, kasi kotang kota na ako sa kahihiyan at negatibong pangyayari sa buhay ko, at pangako ko sa sarili ko kapag naipasa ko ito ay papahalagahan ko ng todo at gagalingan ko na ng sobra". Sabi ko sa sarili ko na narinig din ni xylo. Si Xylo nga pala ang kaibigan ko since highschool, siya ang palagi kong kasama sa lahat mapa kalokohan o katinuan, kahit nga sa pag cu-cutting eh sinasamahan ako niyan hahaha.

Dapat talaga si marco ang kasama ko ngayon ang recent boyfriend ko pero sabi niya may importante daw siyang gagawin kaya hinayaan ko na, nag aalala lang ako kasi lately parang cold siya.

"lex, wag kang nega jan, magaan ang pakiramdam ko ngayon kaya malaki ang chance na ikaw ang makuha, kasi kahit ilang beses mong i-deny sa sarili mo na magaling ka at kahit ilang beses kang panghinaan ng loob, para sa akin ikaw parin ang solid tumugtog." saad niya sabay gulo ng buhok ko.

"hysss, sobrang swerte ko tlga na ikaw ang naging best friend ko, dabest ka talaga xylo, pakiss nga, charot hahahaha" saad ko ng may halong biro sa daulo.

Makabuluhang ngiti lang ang ibinalik niya saakin.

NAKABABA na kami ng jeep at nandito na kami sa munisipyo. Ewan ko pero parang ang bigat ng pakiramdam ko o kaba lang ito.

"ahh xy, pwede magpabili ako sayo ng tubig kinakabahan ako eh, tapos aakyat na ako, hintayin nalang kita sa taas, pwede ba?"

"sure, bili muna kita ng tubig, relax lang lex ahh, inhale, exhale baka hindi ka nanaman makahinga ng maayos". Saad niya sabay yakap sakin. Salamat sa yakap niya nakatulong kahit papaano.

Paakyat na ako, medyo mataas ang building, at sira pa ang nagiisang elevator nito, kaya eto ako ngayon at pinagpapawisan habang malalaking hakbang ang ginagawa sa pag akyat sa hagdan patungong ika apat na palapag.

Malapit na ako sa ika apat na palapag nang matigilan ako sa boses na narinig ko. Pamilyar ito at napag alaman kong si marco ito, ang boy friend ko, hindi ako pwedeng magkamali pero bakit siya nandito, at higit sa lahat bakit nya kilala ang isang contestant dito. Shett malakas ang kabog ng dibdib ko, why is he lying to me. Dahil chismosa din ako minsan pinakinggan ko ang pag-uusap nila, curiosity kills.

"annie makinig ka muna sakin" saad niya sabay hawak sa magkabilang balikat nito. "kakausapin ko si tito na ikaw ang kunin para dito, kasi alam ko naman na ikaw tlga ang nararapat dito, kaya kakausapin ko si tito na ikaw nalang ang kunin at huwag nang bumase sa resulta". Saad niya na talaga namang ikinagulat ko at sabay ng pagtakip ng bibig ko.

"eh, paano yung girlfriend mo ngayon? At kelan mo sakanya sasabihin ang tungkol saatin". Tanong ng babaeng nagngangalang annie, na sobrang ikinagulat ko.

" ako na ang bahala kay lex, baka kapag nag kita kami ulet makipag break na ako sakanya, ayaw ko nmn tlga sakanya eh napilitan lang ako dahil sa pustahan ng barkada dahil daw narinig nila itong kumanta at tumogtog kaya napagpustahan lang namin, pero i swear ikaw naman tlga ang magaling para saakin atsaka mahal kita annie, don't worry as soon as possible, I'll confess to her, at sasabihan ko na din si tito na ikaw na ang kunin, okay?" saad niya na sanhi ng pag buhos ng luha ko. At niyakap niya pa si annie na para bang ayaw niya ito mawala sa kanya, yakap na hindi ko nadama sa kanya.

Sa mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung paano ako hihinga. Literal na nahihirapan na ako huminga dahil sa pag iyak ko, isa pa may baradong ugat malapit sa puso ko kaya nahihirapan akong huminga sa mga ganitong sitwasyon. Bawal ako masobrahan sa saya, bawal akong masobrahan sa lungkot sa pag iyak, sa stress at sa sobrabg init dahil tiyak na di ako makakahinga at mag ha-hyperventilate nanamn ako, di ko pa namn dala ang inhaler ko shettt, gagong lalaking ito. Sa kabila ng nararamdaman ko ay lakas loob akong umakyat at nagpakita sakanila at umiksena sa harap sakanila. Kakantahin ko pa naman sana yung 'This is gonna be the best day of my life' para sa closing ng audition ngayon, lupet ng timing, reversed psychology ng kanta ang nangyari.

"ang l-lupet mo marco, kaya pala busy ka ngayon kasi sinusoportahan mo siya, now the bet is over marco, panalo ka na sa pustahan, nasaktan mo pa ako ng tagos, and since the bet is over marco, we're also fucking over. Die to hell marco."

Saad ko na halos mahimatay na ako sa sobrang kapos sa paghinga, halos dumausdos na ako pababa sa hagdanan at kasamaang palad wala si xy antagal niyang hindi bumalik hysss mamamatay na ako dito wala parin siya.

Hindi ko na kinayanan, nanigas na ang mga muscles ng kamay, tuhod at paa ko dahilan ng pagkatumba ko pero bago paman lumapat ang katawan ko sa sahig ay naramdaman ko na may sumalo sa akin, pero hindi ko na ito masyadong namukaan, ang tanging sigurado ko lamang ay hindi ito si xylo o si marco, dahil may dala din siyang gitara. Then my visuals block out, and i don't know what happened next.

To be continue......


Fixed By Aesthetic MelodyМесто, где живут истории. Откройте их для себя