VERSE 3/ CHAPTER 3

5 1 0
                                    


Are you back

Nakatalikod parin siya saakin habang hawak hawak ko ang braso niya. Gulat naman akong nakatingin sa kanyang kamay dahil may napansin akong talaga namang nakaka gulat.

'sino ba talaga ito? bakit meron siya nung pinasadyang couple ring na bigay saakin ni kevin noon at isa pa na talagang nakaka gulat meron din siya ng eksaktong hugis ng peklat sa kamay na katulad kay kev. Holy crap!!!! Hindi kaya si kev 'to?'

Akmang hihilahin ko siya paharap saakin nang bigla nya ring bawiin ang braso nya at mabilis na tumakbo palabas ng mall. Kasabay nito ang pagbagsak ng luha ko at pagbalik tanaw ng utak ko sa nakaraan.

Flash back

"Lex!!! Lex!!! Laro tayo sa piso net kina mang boy" tawag sakin ni kev nung nasa bakuran ako.

Agad naman akong nag over the bakod dahil naka lock ang gate at alam kong hindi ako palalabasin dahil hapon at ang bilin ni mommy ay matulog ako.

*Naglakad kami ni kev papuntang piso net*

[sa mga di po nakaka alam, ang piso net po ay isang computer na parang karaoke ang set na hinuhulugan ng barya para magamit mo at makapaglaro]

"lagot nanaman ako nito mamaya pagkauwi ko hahaha pero di bale na basta masaya". Tatawa tawang sabi ko.

Sobrang saya naming naglaro nun at pumunta pa kami sa malapit na park sa village namin. Pero binawi din ang sobrang kasiyahang naramadaman ko nang mga araw na yun, at pinalitan ng matinding lungkot.

End of flash back

Xylo's POV

Pabalik na ako ng table namin ni lex pero wala sya sa table namin kaya luminga linga ako pero hindi ko sya makita sa loob ng restau.

"ah baka nag comfort room lang"

Nakalipas ang sampung minuto ngunit wala padin siya kaya nag alala na ako. Pumunta ako ng comfort room at nagtanong tanong sa mga babae sa labas ng cr pero wala tlga kaya naman napag desisyunan kong ipa take out nalang ang pagkaing binili ko at tsaka lumabas ng restau para maghanap. Maya maya pa ay tinawagan ko na siya.

"hello? Lex? Nasan ka? Ba't bigla kang nawala kanina? Ok ka lang ba?" sunod sunod na tanong ko sakanya.

"ahh... Hehehe oks na oks lang ako. Tatawagan na sana kita para sabihing andito na ako sa kotse mo, gusto ko nang umuwi eh hahaha sumama tyan ko hahaha natatae ako hehehe". Saad niya habang tumatawa ngunit pansin kong hindi iyon totoong tawa, dahil hindi ganun ang totoong tawa niya, alam kong hindi iyon ang dahilan, may parte saaking nag aalala dahil parang may nangyari kanina na hindi ko alam. Lakas ng pakiramdam hahaha.

Nag lakad na ako papunta ng kotse kong karag karag hahaha walang pambili ng mamahalin at bago eh at nadatnan kong nakaidlip siya sa loob. Agad naman akong pumunta sa loob. At kinausap siya bago umalis.

" ahhmm... Lex gising". Sabay tapik sa balikat niya. "lex uuwi na tayo".

"hmmmmm... Tagal mo naman hahaha"

"lex ok ka lang ba? Parang hindi ka ok eh, parang nag iba ihip ng hangin hahaha"

"ayos lang talga ako noh hahaha gusto ko na lang tlgang umuwi kasi natatae na ako kaya bilisan na natin".

NAKAUWI na kami at agad naman siyang tumakbo papuntang banyo.

"ahhh tita tito may dala po kaming pagkain, halina po kayo't pag saluhan natin" tawag ko sakanila agad naman silang tumungo.

"naku hijo, salamat at may pasalubong kayo" maligayang saad ni tito lexus

"naku tito makakalimutan ko ba naman kayo" sagot ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fixed By Aesthetic MelodyWhere stories live. Discover now