VERSE 1/CHAPTER 1

7 2 0
                                    

Knight in shining armor

Xylo's POV

Andito ako ngayon sa kwarto ni lex dahil pinabantayan muna siya ng mama niya sakin dahil bibili daw sila ni tito ng bagong inhaler ni lex. Sobra akong nag-alala kanina sa nangyari. Kasi nung babalikan ko na si lex ay may nakapag sabi saakin na umalis na daw ito, karga ng isang lalaki, sabi ng nakapagsabi sa akin mukhang nahimatay daw si lex kaya dali dali naman akong pumunta sa bahay nila para ipa alam sa magulang nya at magbakasakaling nandoon na si lex. Ang pinagtataka ko lang ay kung sino ang nag dala sakanya sa bahay nila at kung paano nalaman ang bahay nila lex hyss. Basta ang importante ay ok na si lex. Kasalukuyan lang siyang andito sa bahay nila at kumukuha ng sapat na hangin sa oxygen tank na binili ng magulang niya para sakanya at sa mga ganitong sitwasyon.

Kilala ko si lex since first year highschool kami, kami lagi ang magkasangga sa kagaguhan, kalokohan lalo na sa katinuan. Gusto ko si lex sobra pa sa pagkakaibigan, pero hanggang doon lang ang tingin niya saakin at isa pa sabi ng mga magulang nya eh malayong mag kamag-anak na daw kami kaya hindi rin pala talaga pwede. Kaya grabe ang pag protekta ko sakanya. Makulit siya, maganda, matangos ang ilong, may nangungusap na mata, kissable lips, ang sarap halikan pero hindi pwede baka masampal lng ako hahaha. Morena pero nag go-glow ang aura niya, maganda ang hubog ng katawan, at higit sa lahat may malaking dibdib este puso pala, busilak ang kanyang kalooban, lalo na sa mga street children, mahal niya ang mga bata sa lansangan minsan nga tinutugtugan niya ang mga ito dahil sabi nya street children lang ang nakaka appreciate ng talento nya. Talagang biniyayaan siya ng panginoon bukod sa kagandahan ay iba't ibang talento dahil kaya niyang tumugtog ng acoustic guitar, electric guitar, ukelele, kalimba at malupet siya maglaro ng table tennis pati basket ball at higit sa lahat ang ganda ng boses niya. Sobrang ganda niya sa loob man at sa labas kaya gusto ko siya, kaso HINDI PWEDE. Kaya nga minsan napapatanong ako kay Papa God kung bakit gan'to ang kalagayan ni lex ngayon eh sobrang bait nga niya eh, hindi kaya kriminal siya sa past life hahahaha biro lang. May baradong ugat malapit sa puso si lex kaya madalas siya mag hyperventilate at hindi makahinga, kaya marami din ang bawal sakanya. Bawal siyang makaramdamn ng sobrang saya at enjoyment dapat sakto lng, kung hindi, maninikip ang paghinga niya, bawal siyang mapagod nang sobra, kaya bawal siya ng mga excess activities, bawal siya sa masyadong init, kaya air-conditioned ang kwarto nya at may oxygen tank, bawal siyang umiyak ng sobra kaya ginagawa ko ang lahat para sumaya siya. Kaya dapat ay balance lang ang emotion niya, kung baga no more no less, sanay na din kami sa gantong pangyayari.

"ahh-ouch.... ma?" tanong ni lex dahil nagising na siya.

"lex? Anong nangyari? Ok ka na ba? Kamusta na pakiramdam mo? Kamusta paghinga mo? Normal na ba?" sunod sunod kong tanong.

"n-na-nasan sila mama?"

"bumibili sila ng bagong inhaler mo lex, babalik din naman agad sila".

"thanks bes, b-binantayan mo nanamn ako" nanghihina niyang sagot.

Sa totoo lang naaawa ako sa kanya kapag nagkakaganito siya, bakit ba kasi siya nag kaganto, tapos parang umiyak nanaman siya nang sobra kasi namumugto din ang mga mata niya.

"ano ka ba, syempre eh mahal kita eh kasi kaibigan kita, tsaka sanay na ako basta ang importante ok ka na, teka ano ba kasi ang nangyari? Tsaka bakit namumugto yang mata mo lex, may nagpaiyak ba sayo?"

"tsaka ko na ipapaliwanag sayo kapag nahimas-masan na ako, tsaka bes nagugutom na ako eh" saad niya sabay ng pagtunog ng sikmura niya.

"ah sige ipaghahanda kita ng makakain sa baba, tatawagin ko din ang kuya mo para bantayan ka na muna dito"

"ahh wag mo na bes tawagin si kuya gusto ko muna mapag isa tsaka kahit ano nanaman itatanong nun saakin baka sumakit lang ang ulo ko".

Tumango nalamang ako atsaka lumabas na ng kanyang silid at bumaba papuntang kusina, magluluto ako ng soup at ng paborito niyang ulam na chicken in geffron souce para ganahan siyang kumain, dahil kaylangan niyang bawiin ang lakas na nawala niya kanina.

Fixed By Aesthetic MelodyWhere stories live. Discover now