Verse 2/Chapter 2

4 1 0
                                    


Way back 90's

Xylo's POV

Kasalukuyan akong naglalakad panunta kina mang jagwar upang manghingi ng kanyang masasarap na mangga dahil dadalhan ko si lex. Pupunta ako sakanila mamaya dahil araw ngayon ng sabado at nakasanayan naming mag game zone tuwing sabado hahaha masaya 'to dahil may pustahan kami. Ngunit nang tumigil na ako sa bahay nina mang jagwar at kumatok ay.......

*tok tok tok*

"MANG JAGWAR?? TAO PO???" paulit ulit na naging ganoon ang aking tanong ngunit wala akong naririnig na tao sa loob, marahil umalis si mang jagwar.

"WRONG TIMING NAMAN OH". saad ko sa sarili

Nang akmang aalis na ako ay, napatigil ako sa isang puno kung saan tanaw ko ang bahay nina lex ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit ako napatigil. Ang totoo ay may nakita akong lalaking nakatayo sa tapat ng bahay nila lex, apat na merto ang layo nito sa tapat ng bahay nila lex kaya naman sobrang nag taka ako kung sino iyon. Napansin ko na pusturang binata siya katulad ko at naka suot siya ng black shirt, black pants, black cap, at white nike shoes, naka cross arms din siya na animong may hinihintay. Hindi ko alam kung si marco ba or ibang tao ewan di ko naman kasi kabisado ang postura ni marco na gago at h'wag na h'wag na siyang mag papakita.

LEX'S POV

kasalukuyan akong nakataningin parin sa sobreng bigay ni mang jagwar. Mahigit tatlumpung minuto na akong nakatitig dito at hindi ko pa rin binubuksan. May parte saaking nagtataka at may parte na natatawa dahil 'di ko subok akalain na uso pa pala ang sulat ngayon hahahaha lakas maka wayback 90's niceee!

Pero napag desisyonan ko na itong buksan ngunit may biglang kumatok kaya inisilid ko na muna ito sa binabasa kong libro.

* tok tok tok*

Agad naman akong tumayo upang alamin kung sino ang naroon.

"OH BESSS... ANONG GINAGAWA MO DITO?" takang tanong ko.

"hmmp ewan ko sayo, nakakainis ka naman eh kinakalimutan mo na ang ganap kapag sabado" nagtatampong sagot niya at sabay nguso hahaha ang cute niyang tignan parang batang inagawan ng loli pop.

"ayy hala shet, sorry bes hindi ko naman nakalimutan haha nawaglit lang sa isip ko, pero oo eto na mag bibihis lang ako hintayin mo ako diyan sa baba, sorry ulet, madami lang iniisip"

"sige na sige na bilisan mo at nagtatampo parin ako".

Natatawang tinanguan ko na lamang siya at umakyat na patungo sa aking silid.

Habang nag bibihis nasalin ang aking paningin patungo sa kinalalagyan nina bumble bee at optimus prime.

"hyssss tama bang ipag bili ko na kayo? Naaawa ako kung ipagbibili ko kayo, eh kaso naman bigay kayo ni lucifer at nanggigigil ako". Pagkakausap ko sa sarili.

Inayos ko na ang damit ko para bumaba. Nakasuot lamang ako ng kumportableng damit. Isang black fitted v-neck shirt at faded high waist denim jeans, pinaresan ko naman ito ng paborito kong white stan smith shoes. Isinaklay ko na ang gitara ko dahil tiyak hinihintay na ako ng mga bata sa lansangan, dahil dadaanan ko sila mamaya bago umuwi.

"ang tagal mo naman hysss"

Nagtatampo parin 'tong kupal na 'to HAHAHA

"uyy besss sorry na kasi hahaha ang pangit mong magtampo haha halika na nga ililibre kita ng isang box ng pizza, sayong sayo lang haha"

"talagaa?!! Wala nang bawian ahhh haha dabest ka talaga, kaylangan ko lang pala mag tampo"

Hayy naisahan nanaman ako ng kupal best actor talaga.

Fixed By Aesthetic MelodyWhere stories live. Discover now