42 | Anniversary

25 6 0
                                    

42 | Anniversary

Pagpasok ng apat sa event hall ay patapos na magsalita si Leticia na nasa stage para sa kanyang opening remark.

"Masaya ho, ako dahil sampung taon na tayong magkakasama rito sa ating munting tahanan. Wala man ang asawa ko rito for some business matter, alam ko masaya siya. Hindi ko na patatagalin ang speech ko, again, God bless us all and Happy 10th Anniversary! Daghang Salamat at Mabuhay ang Amping Tiguwang Home for the Aged!"

Masigabong palakpakan ang natanggap ni Leticia matapos magsalita at bumati sa ibabaw ng entablado hanggang sa makababa siya.

Nang matanaw niya ang apat ay kinawayan niya ito. Lumapit naman sila kay Leticia.

"Buti umabot kayo sa opening!" ani Leticia nang salubungin ang apat. Nagmano naman sila isa-isa, "Doon kayo, maupo kayo… a, 'yan naka reserve sa inyo 'yan…"

Nang maupo sila ro'n ay nagsimula na nag-perform ang mga matatandang nandito na may mga talento. May sumayaw, may nag-beatbox, may umacting, may tumula, may kumanta, may nagpatawa at may nagtumbling-tumbling pa.

Sumunod nilang ginawa ay ang pinakamasarap gawin sa lahat. Kumain sila at pinagsalu-saluhan ang buffet meal.

Nasa iisang table ang apat at para namang lalanggamin sa kasweetan sina Shai at Maria na nagsusubuan pa. S'yempre hindi rin papatalo itong sina Pharell at Almira. Pinaghihimay ng tahong ni Pharell si Almira. Sa lahat kasi ng mga ulam ay ito ang pinakanilantakan ng babae.

"Hala, naglilihi na ata si Almira. Tingnan mo babe, ang dami niyang nakain na tahong," ani Maria nang mapansin si Almira. Natapos nang kumain ang mag-jowa pati si Pharell at si Almira na lang kumakain.

"Uy, Mira… ipatikim mo naman kay Pharell 'yong tahong mo!" ani Shai sa pabirong turan pero itong si Pharell ay naibuga ang kanyang iniinom na pineapple juice sa baso dahil nagulat sa sinabi ni Shai.

"Okay ka lang?" tanong ni Maria at inabutan kaagad ng tissue si Pharell.

"Opo," sagot ni Pharell pagkatapos punasan ang bibig at ang lamesa.

"Naubo siya babe, ibang tahong yata ang naisip niya." Nagtawanan ang magjowa pagkatapos sabihin iyon ni Shai.

Si Pharell naman ay walang imik, naiilang at nahihiya. Nag-aalangan pa siyang tumingin kay Almira na inalis din sa kanya ang tingin at ibinaling sa dalawa. Nag-make face siya sa dalawa para ipakitang hindi siya natatawa pero hindi siya pinansin nang dalawa.

Gano'n na lang din ang ginawa niya. She just rolled her eyes and itinuloy na lang ang pagkain sa tahong.

Maya-maya ay nagsalita nang muli ang emcee na after twenty minutes daw ay magsisimula na ang parlor games.

Time flies fast. Masayang nagtatawanan ang mga matatandang nandito gayundin sina Shai, Almira, at Maria. Pinagtatawanan nila si Pharell na nakikipag-jak-en-poy sa kalaban niyang matandang lalaki. Nakailang bagsak pa sila at sa huli ay natalo si Pharell kay lolo. Kakamot-kamot siyang bumalik sa tatlo na tinatawanan siya. Sinabi naman nila na okay lang 'yon. Lahat kasi ng lumaban kay Pharell na matanda, natalo niya. Kada matatalo niya ay one thousand pesos, kaso hindi niya natalo lahat. 'Yong pinakahuling matanda, natalo siya. Ang ending, do'n sa matanda napunta lahat ng pera. Kumbaga nagpagod lang siya kaya tawang-tawa sila Almira.

Sumunod na nilaro ay "bring me". Kakaiba rin 'tong mga matatandang ito, ang liliksi pa ring tumakbo. Noong sinabi ng emcee na, "Bring me, binatang cute!" Nagtakbuhan kaagad papunta kay Pharell ang sangkatutak na matatanda at binuhat siya papunta sa emcee. Ang pinaka tuwang-tuwa sa tatlo ay si Maria, siya kasi ang nagbulong sa emcee no'n kanina.

Sumunod naman ay nag-trip to Jerusalem sila, s'yempre kasali sila Pharell at Almira pati ang dalawang mag-jowa. Ang tugtog nilang sinasabayan-- “Doo Bidoo / APO Hiking Society”. Sa unang paghinto ng kanta, tanggal si Maria. Nagyabang pa si Shai sa jowa niya no'ng natanggal, e, siya naman pangalawang natanggal. Ang tumagal lang sa kanilang apat ay sina Almira at Pharell. Tatlo na lang silang natitira. Sa kasamaang palad, natanggal si Pharell. Babagal-bagal kasi 'tong lalaki na 'to, naunahan pa siya nang matandang babae. Todo cheer siya ngayon kay Almira, "Go, Mira!" Paulit-ulit niyang isinisigaw. Noong inihinto na ang kanta, sa kamalas-malasan, nauna ang matanda sa upuan. Natalo si Almira at siya naman ang pinagtawanan ni Pharell pati nina Shai at Maria.

Natigilan sila sa pag-aasaran nang magsalita muli ang emcee, "As per request of Mrs. Leticia, someone will perform here on stage. Excited na po ba kayo mga lolo and lola? Tinatawagan ko po si Ginoong Pharell Navarro para handugan tayo ng isang special intermission number."

Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos magsalita ng emcee. Noong una ay hindi pa makapaniwala si Pharell na siya ang tinawag pero no'ng pinagtulakan na siya no'ng tatlo ay wala na siyang nagawa kundi ang umakyat sa stage. Pagkaakyat niya ro'n ay may microphone stand na, acoustic guitar at upuan na nakalaan para sa kanya.

"Mic test… test mic… 1, 2, 3…" aniya at tinapik-tapik pa ang microphone. Pinaraanan niya pa ang isang hagod ang gitara at nang marinig niyang nakatono iyon ay nagsalita siyang muli.

"'Di po ako prepared pero sana po magustuhan n'yo 'to. Lola ko po ang nagturo sa 'kin ng kanta na kakantahin ko. Simula po nang matutunan ko 'tong kantahin, lagi ko po sa kan'yang kinakanta 'to pero nakalulungkot lang po kasi wala na 'kong kakantahan kasi iniwan niya na kami. Lola, para po sa 'yo 'to. Kung nasaan ka man, sana mapakinggan mo 'to."

Nagsimula na niyang kulbitin ang gitara at sinimulan niya nang kantahin ang-- “Panalangin / APO Hiking Society”. Bawat sambit niya ng liriko ay tagos sa puso at naramdaman iyon ng bawat isa. Bawat bigkas at himig niya ay napapasabay sa ritmo ang ulo at kamay ng mga matatanda. Sumasabay pa ang ilan dahil alam nila ang kantang ito.

"Thank you po," ani Pharell pagkatapos umawit. Masigabong palakpakan naman ang natanggap niya.

Bago pa man siya makababa ng stage ay muling nagsalita ang emcee, "Palakpakan po natin si Pharell! A, 'yan… mga lolo and lola, ready na ba kayo? Ang next natin ay Bingo! Gusto niyo 'yon, 'di ba? Okay, magbi-bingo na tayo!"

Pagkabalik ni Pharell sa pwesto nila sa harapan ay napansin niyang wala si Almira kaya naman tinanong niya ang dalawa.

"Ate Shai, Ate Ma, si Mira po?"

"Ay, nawala? Babe, nakita mo ba?" tanong ni Shai kay Maria na katabi niya.

"Katabi ko lang 'yon kanina, e! Titig na titig pa nga sa 'yo habang kumakanta ka. Baka, nasa labas?" tugon ni Maria kay Pharell na naabala sa pagtitingin ng Bingo cards.

Tumango si Pharell, "Sige po, hahanapin ko lang po si Almira."

"Ay, wait! 'Di ka ba magbi-bingo?" pigil ni Maria sa binata.

"Hindi na po siguro…" banayad na tugon ni Pharell.

Napasimangot naman si Maria Mikaela, "Hala sayang… balik kayo later, kasi sabi ni tita Leti, may pa-raffle pa mamaya!"

"Ay, sige po, ate Ma… ate Shai." Kumaway na si Pharell para magpaalam sa dalawa.

"Sige, o, babe ito 'yong card mo. Galingan mo, ha? 'Wag kang malas." Narinig pa ni Pharell ang sinabi ni Maria at ang pag-aasaran ng dalawa habang naglalakad siya palayo hanggang sa makalabas na siya sa event hall.

Common PointWhere stories live. Discover now