Naging tahimik ang dalawang araw na lumipas. Hindi ko na rin nakasama si Rielle. Sa tingin ko nakapagcheck-out na ito. Yung iba naman na nakasama ko ay casual lang ang pakikitungo sa akin. Nagngingitian sa tuwing nagkakasalubong at wala na n'on.
Hindi naman ako gaanong nalasing nang gabing iyon. Mabuti na lang na hindi ako nagpaakit sa alak. Nauna din akong umuwi nang gabi iyon. Kaya iniwan ko na sila matapos magpaalam.
Nakakalasing din ang mga tingin na ibinibigay sa akin ni Rayvie. O kaya naman napakatalim. Kaya minabuti kong lumisan na lang.
Nang maibalik nila si Alex sa kwarto ay bumalik na rin naman ang sigla ng party. Na para bang walang nangyari.
Napagaalaman din nila, na labis ang sugat na nakuha niya mula sa pagkakadulas. Hindi niya daw namalayan na basa at may halong sabon ang sahig sa labas ng comfort room.
Ang ipinagtataka ko lang ay nakita ko siya sa may gilid ng pool na medyo madilim na parte. Ang pagkakaalam ko ay hindi galing doon ang banyo. Iisa lang naman ang Restroom sa pool area.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala rito sa kisame mula sa pagkakagising ko.
Tumayo na ako at inalis ang harang na kurtina sa wall glass.
Napatingin ako labas.
Napaisip tuloy ako kung mapupuntahan ko ang waterfalls sa pamamagitan ng paglalakad. Sa tingin ko ay napakalapit lang nito.Ang umaagos na tubig mula sa mataas na bato ay nakakahangang pagmasdan. Parang gusto ko tuloy puntahan at magpalipas ng oras. Ang batis ay napapalibutan ng malalaking puno, kaya sa tingin ko ay parang kagubatan ang dadaanin ko.
Walang katao-tao rito. Malamang ay tunog ng pag-agos ng tubig ang tanging maririnig sa lugar. Wala naman sigurong mababangis na hayop diyan. Baka nga sakop pa ng pagmamay-ari ng hotel ang batis. Hindi naman imposible iyon dahil malaki ang lupain ng hotel.
I tied my hair into a messy bun.
"Excited?" I asked myself while staring at my own reflection in the mirror. Hindi mawala ang ngiti sa mukha.Tomorrow is the day, bukas ang uwi ko! Dahil iyon ang pinagusapan na kailangan nilang tuparin!
Nang maghapon ay pinuntahan naman ako ng bellboy sa room. Medyo nabigla pa ako dahil sa laki ng hinihingi nilang cash. Kaya 3 blue bills nalang ang natitira sa akin. Binigay ko ang hinihingi nila. Dahil wala akong kaalam-alam pagdating sa usapang sasakyan. May tiwala naman ako sa kanya na magagawa nga iyon. At Credit card lang naman ang gagamitin ko for payments sa pagcheck-out ko.
Bumababa ako para makapag-call kina mom. Nalaman ko na magtatagal pa sila sa Italy not for business anymore but because they will have a short vacation. I wished i can have my own vacation too. Ang Pagkabalik ko sa Manila ay ang pagbalik ko din sa trabaho. For sure marami ang iniwan sa akin na trabaho nila mom.
Sa maiksi kong panahon dito ay masasabi kong nag-enjoy talaga ako. Pero mayroon sa kaloob-looban ko na parang gusto ko nang umuwi at wag nang magtagal sa lugar na 'to.
Pagkatapos kong makausap si mom ay dumiretso na rin ako sa restaurant at doon na nagbreakfast. Then, pagkatapos kong makapagalmusal ay bumalik na ako sa hotel room ko. Gan'on din naman ang ginagawa ko sa araw-araw.
Sinubukan ko ring makontak si Reeze kanina, pero hindi niya ito sinasagot. Kaya sa opisina niya na lang ako tumawag. Napag-alaman ko sa sekretarya niya na hindi pa ito bumabalik sa bansa. Malaki ang problema ng kumpanya na pagmamay-ari nila, at halos nagsisialisan na ang mga investors.
Kailangan ko ulit makapagempake, dahil gulo-gulo kong iniwan ang mga gamit ko sa paghahanap ng suimsuit ko n'on. Kaya iyon ang ginawa ko sa umaga.
12 P.M nang lumabas ulit ako para sa lunch. Pwede naman na magpa-service na lang ang kaso nga lang ay gusto kong maglakad-lakad.
BINABASA MO ANG
Zel Viera Hotel
Mystery / ThrillerIt's not exactly the hell but you can find your own end. They won't kill you, you're the one who will kill yourself. Hindi lahat ng nakikita mo ay pawang katotohanan at hindi lahat ng naririnig mo ay makakabuti para sa sa'yo-- paraan lang nila iyon...