Sa mabilis na paglipas ng oras ay siya ding palagi kong paghagilap kay Mr. Olivarez.
Mukhang pursigido silang mawala dito si dad at siya ang pumalit. Si Dad naman ay panay ang lapit kay Mr. Zel Viera, na sa tingin ko ay paraan niya para matulungan siya.
Pero paano siya tutulungan kung si Mr. Emilito ay tunutulong kay Mr. Emerldo, siya nga yung may kagagawan bakit ako nandito.
Pero paano iyon? Sinadya bang sirain ang sasakyan ko? Tapos nasakto lang na malapit sa lugar na 'to? Imposible!
Kaedad ng aking ama si Mr. Olivarez. Medyo makapal ang kilay, may matangos na ilong at magandang pagkakaukit ng panga.
May kutob akong nakita ko na siya, mukha kasing pamilyar.
"Paano nga pala pumalit si Rayvie kay Mr. Zel Viera?..."
Nasa isang table kami dito sa buffet restaurant. Wala akong mahagilap na ibang lamesang bakante na wala gaanong guest na katabi.
Napangiwi siya sa tanong ko. Nagpokus muna ito sa beef steak sa inii-slice niya bago sumagot.
"Muntik nang bumagsak ang malaking paggawaan ng Armas ni Mr. Zel Viera."
Tumango ako.
"Ang sabi nila ay may katulong daw si Mr. Eneraldo sa pagpapabagsak sa kanya. Kaya naging madali ang plano ni Mr. Emeraldo."
"Sino naman 'yon?..."
"Hindi kilala pero yung mga anak nila ay kabilang na sa mga hotel staff. Nung nabigo si Mr. Emeraldo sa pagpapabagsak. Agad namang pinabagsak ni Mr. Zel Viera ang nga tumulong. Maliban kay Mr. Emeraldo, dahil daw sobrang bagsik ng oaghawak niya sa kumpanyang pag-aari niya."
"Kung mabagsik si Mr. Emeraldo bakit hindi niya nagagawang palitan si Mr. Zel Viera sa pagiging Ceo kung mabagsik naman 'to sa mga hinahawakan niyang kumpanya?"
"Mabagsik nga siya pero mas madiskarte pa rin Si Mr. Zel Viera."
"Sino ba ang tumulong kay Mr. Zel Viera?..."
"Si Rayvie..."
"Rayvie?..."
"Oo, naakipagkasunduan siya kay Rayvie noon na tulungan siya kapalit ng pwesto, di baleng maalis daw siya sa pwesto basta hindi si Emeraldo ang papalit."
"Pero kahit na may pinagkasunduan silang dalawa, mainit pa rin ang dugo nila sa isat-isa."
"Pero akala ko ba..."
"Gumagawa ng paraan si Mr. Zel Viera para mabalik sa kanya ang Hotel na ito pero hindi niya nagagawa dahil walang balak pakawalan ni Rayvie ang lugar na 'to."
"Kasi imagine mo hawak mo lahat ang leeg ng mga tao dito..."
Edi si Rayvie ay malaki ang kakayahan dito.
"Bakit hindi na pala napalitan ang pangalan ng Hotel?..."
Hindi niya pinansin ang aking tanong at nagkibit balikat na lang.
Sabay na kaming umalis matapos ang paguusap na iyon.
Tahimik akong kumakain nang maramdaman ko ang mga mata ng lalaking nakatayo sa tabi ko.
Muntik na akong masamid nang mapagtanto kung sino ito, Agad akong tumayo.
"You can have my place, Sir." magalang kong sabi kay Mr. Liam.
Nilibot ko ang tingin ko sa lugar at wala akong nakitang anumang bakante.
"You don't need to leave, we can share this table."
BINABASA MO ANG
Zel Viera Hotel
Mystery / ThrillerIt's not exactly the hell but you can find your own end. They won't kill you, you're the one who will kill yourself. Hindi lahat ng nakikita mo ay pawang katotohanan at hindi lahat ng naririnig mo ay makakabuti para sa sa'yo-- paraan lang nila iyon...