Kabanata 48

43 8 0
                                    

Bagsak ang aking balikat nang bumalik sa suite matapos ang usapan namin. Hindi ko na man akalain na gano'n ang nangyari.

Ilang araw akong hindi lumbas sa room. Pati kasi ako ay naapektuhan sa nangyari.

Nag-aalala na rin sa akin si dad pero nagdadahilan ng lang ako ng ibang bagay. Nagpapafood service lang din ako sa tuwing nakakaramdam ng gutom.

Nahihiya kasi ako, pakiramdam ko ay may kasalanan ako kung bakit nawala si Iza. Ako ang nalulungkot para kila Rielle.

Inalis ko ang comforter na nagtatakip sa aking katawan nang marinig ang katok sa may pinto. Maghapon lang kasi akong nakahiga o kaya naman umupo para manood ng telebisyon.

Nang makitang si Rayvie ang nasa labas ay agad ko itong pinapasok.

Isasarado ko palang ang pinto nang yumakap siya sa aking bewang.

"Ilang araw ka nang nagkukulong dito..."

"May problema ba?..." tanong niya.

"Upo ka muna." at hinila siya sa sofa upang paupuin.

"Is there something you want to tell me?..." umiwas ako ng tingin sa tanong niya.

"Wala naman."

"Ilang araw ka na kasing walang imik sa tuwing pinupuntahan kita."

Totoo nga iyon, hindi ko siya gaano pinapansin. Lagi niya akong pinupuntahan dito mahigit sa dalawang oras siya kung magstay bago umalis.

Para kasing malaki ang kasalanan ko kung bakit siya nawalan ng kaibigan. Gusto ko din malaman kung gaano sila magkakalapit nila Aries at Iza.

Tumikhim ako. Pwede naman siguro akong magtanong.

"May alam ka ba about kay Iza?" I asked.

"Yes."

Marahan ang pagtango ko.

"Si Iza ba ang dahilan kung bakit kayo magkakagalit ni Aries?"

Pinakatitigan niya ako, dahilan upang mapaiwas muli ako ng mata.

"I have many reasons why I am mad at Aries..."

"Yung panloloko niya ba kay Iza?..." Tanong ko.

"Magkalapit na magkalapit sila Iza at Rielle. Masyadong naapektuhan si Rielle sa nangyari. Hindi kami gano'n kalapit kay Iza pero nakikita namin kung gaano iyon kabait kay Rielle."

"Pinangakuan niya kami na hindi niya gagalawin si Iza kung hindi siya seryoso, pero sinaway niya mismo ang kanyang sinabi sa amin." sabi niya sa malamig na tono.

"So, iyon nga ang dahilan."

"Yes, pero meron pa siyang ginawa na mas lalong nagpatindi sa galit ko."

"Ano naman iyon?..."

"He caught you running away and he even tried to report to Mr. Emeraldo, but I just stopped him. And I acted in front of you that I am the one who caught you."

"Mas lalo akong nagalit sa kanya... What if natuloy ang pagsasabi niya kay Emeraldo? Malamang ay pinarusahan ka niya agad!"

So... Iyon ang kinagagalit niya. Dahil muntik na akong mahuli at nagtangka pa siyang magsumbong.

"Lalo na't alam niya pa noon na anak ka ni Mr. Lucas." banggit niya sa pangalan ng dati kong ama.

Ibig sabihin, totoo ngang alam niya
ni Emeraldo na anak ako ni Lucas Monteleyo. At mukhang pati ako ay binalak niyang gamitin sa pagpapabagsak kay Mr. Lucas.

Zel Viera Hotel Where stories live. Discover now