Hindi ako makapaniwala.
So, all this time niloloko niya ako?
O hindi niya intension yung pagsabi ng totoo?
"Ugh!" Inis akong napasabunot sa aking buhok.
"Rielle, sabi mo tatlo lang sila?" takang tanong ko dito.
Nang pakawalan ako ni Ayla ay agad akong tumungo dito para magtanong sa mga nangyayari.
"Wala akong sinabi."
"Nagtanong ako sa'--"
"Yes, You asked me. Pero bago pa ako makasagot agad ka nang umalis. Dahil nagpasama sa'yo si Callie. Hanggang sa nakalimutan na kitang sabihan."
Natatandaan ko nga ang eksenang iyon. Hindi nga pala nakasagot sa tanong ko si Rielle.
Kaya ba ayaw ni Rayvie na isama ako sa event no'n?
Bakit hindi ko napansin noon pa yung galaw niya? Pati ang mga tao dito na paramg takot sa kanya! Dapat doon palang nagduda na ako!
Kaya pala hindi nakakontra si Ma'am Eve nang hilingin niyang ako ang magiging housekeeper niya!
Kaya pala pinapapalit pa ako ng uniporme sa tuwing maglilinis ako sa room niya para mas maging pormal!
Kaya pala ang dali lang sa kanya gawin ang mga bagay-bagay na napakahirap lang sa iba!
Napansin ko din ang pagyuko nila sa tuwing nakakasalubong nila si Rayvie, dahil takot sila!
Nang malinawan ako ay nagpaalam na ako kay Rielle. Bumalik ako sa aking duty.
Pinilit kong huwag paglapitin ang mundong magulo namin ni Rayvie.
Pero sadyang nakasalungat ang tadhana sa akin! Dahil gusto akong palinisin ni Rayvie!
Gusto kong sabihan si Ma'am Eve na walang maruming room ang nadadatnan ko sa kanya!
Pero ano na lang ang sasabihin niya pagnalaman niyang wala akong ginagawa sa buong oras kong pagtambay sa room ni Rayvie!
Huminga ako ng malalim sa tapat ng pinto niya. Hindi ko pa itinataas ang aking kamay para makakatok nang bumukas na ito.
Iniluwa no'n ang gwapong nilalang na may tinatago palang sikreto.
"Can I come in so I can start cleaning." agad kong saad.
Hindi ito kumibo pero pinapasok niya na ako.
Agad kong inihanda ang mga gamit ko. Alam ko naman na walang akong malilinis dahil walang bakas ng alikabok ang room niya. Pero magbabakasakali ako.
"Don't clean."
"It's my job to clean this room."
"It's not your job to clean all the rooms here because they just forced you."
Totoo naman dapat hindi ako ang gumagawa nito. Kayo ang may kagagawan kung bakit ako nandito! Gusto kong isumbat pero nanatili akong tahimik.
Kung hindi nabuo ang lugar na 'to, walang makakaranas ng ganitong sitwasyon!
Pabalang kong ibinagsak ang walis na nasa kamay ko.
"Why didn't you tell me?"
He was just silent as if he did not know the answer.
"I do not want you to be afraid of me. Baka mas lalo ka kang mapahamak kung nalaman mo agad!"
"Sino naman ang mas lalong mapapahamak sa katotonan?"
BINABASA MO ANG
Zel Viera Hotel
Mystery / ThrillerIt's not exactly the hell but you can find your own end. They won't kill you, you're the one who will kill yourself. Hindi lahat ng nakikita mo ay pawang katotohanan at hindi lahat ng naririnig mo ay makakabuti para sa sa'yo-- paraan lang nila iyon...