Chapter 18

96 6 4
                                    

Akala ko ay nagbibiro lang si Brixel nang sabihin niya na dito siya matutulog pero mukhang totoo nga dahil alas nuebe nang gabi ay nandito pa rin siya. Naawa naman ako nang makitang pumipikit-pikit na siya sa may sofa. Mukhang antok na antok siya, siguro ay hindi siya nakakatulog ng maayos habang nasa Maynila, no? Tapos dumadagdag pa ako sa isipin niya kahit ayoko naman.

Umakyat na muna ako sa kwarto para ayusin ang kama. Hindi ko rin maaatim na patulugin si Brixel sa sahig kahit pa ilang patong ng conforter ang ilatag ko.

Nang matapos akong maglatag ay naligo na muna ako bago ko babain si Brixel. He's now sleeping.

Napangiti naman ako.

Akala ko ba ay panonoodin mo 'ko habang natutulog, Brixel Jayden?

Nang lumapit ako sa kanya ay bigla niya akong niyakap. Nagulat ako kaya impit akong napatili. Sakto pa namang kabababa lang din ni Briana kaya binigyan niya ako ng mapanuksong tingin.

"You smell so good," he said huskily.

"Tara na sa taas."

Nagmulat siya at ngumiti.

Damn! I will be forever mesmerized by his smile. Ang gwapo! Sa oras na ngitian ka ni Brixel ay mawawala ang pagod mo.

"Thank you." He smiled.

Kumunot naman ang noo ko. "Para saan?"

"For letting me stay tonight, for trusting me," sagot niya.

Nangiti naman ako. "Tara na."

Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan niya ang kamay ko.

"Mukhang magkakapamangkin na ako, ah?"

Nag-init naman ang mukha ko sa sinabi ni Briana habang si Brixel ay sinaway ang kapatid niya. Humagalpak lang sa tawa si Briana.

Baliw talaga 'yon!

"Brixel," tawag ko nang nasa kwarto na kami.

"Hmm?"

"You can sleep here." Tinapik ko pa ang tabi ko. "I don't mind."

Ngumisi siya. "Alam ko. 'Di ka naman naglatag sa sahig, e."

Mukhang nang-aasar din ang isang 'to!

"Pwede naman akong maglatag ngayon."

He chuckled. "I'm just kidding."

This is the second time that we were sleeping together. Una ay noong nasa Celestina lake kami pero ito ang unang beses na kaming dalawa lang talaga magkatabing matutulog.

Naunang humiga si Brixel. Tinapik niya ang braso niya.

"Dito ka umunan," utos niya.

Medyo nag-init pa ang pisngi ko pero sinunod ko rin naman ang sinabi niya.

Nang makahiga ako sa braso niya ay hinaplos niya ang buhok ko.

"We will stay like this forever," he whispered.

Napangiti ako. Habang ang nasa isip ko ay sana, siya ay siguradong-sigurado na mananatili kaming ganito habang-buhay. I trust his words no matter what happens.

I really love this man.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at pagkamulat na pagkamulat ko ay ang gwapong mukha ni Brixel ang nakita ko. He's holding a tray of food.

Kumunot naman ang noo ko nang makitang bihis na bihis siya.

"Nakauwi ka na?" Nang tignan ko ang orasan ay mag-aalas sais palang nang umaga.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Where stories live. Discover now