Chapter 28

130 5 2
                                    

"Good morning!"

Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang madatnan si Brixel dito sa sala.

May driver na ulit ako!

Natawa naman ako sa kalokohan na naisip ko.

"Morning! Ang aga mo? Nagbreak fast ka na?" I asked.

He shook his head. "'Di pa. Sabay na tayo magbreakfast."

"Magluluto lang ako-"

Pinutol niya ang sinasabi ko. "Wag na. I cooked for us. Nasa kotse."

"Edi sobrang aga mong nagising?"

"Don't worry about it."

Nakakainlove talaga ang mga ngiti ni Brixel! Sobrang nakakaganda ng umaga.

"Mag-aasikaso na ako."

Paakyat na ako nang tawagin niya ako.

"Maaga ako kasi namiss kita."

Hindi ko napigilan ang pagkakalaki ng ngiti ko. "Ayan ka nanaman."

He chuckled.

May pahimig-himig pa ako habang naliligo. Hindi naman mabilis masira ang araw ko pero ngayon siguradong hindi talaga masisira ang araw ko. Paggising na paggising ko ay si Brixel agad ang nakita ng mga mata ko, e.

Pagbaba ko ay nadatnan ko pa ang magkapatid na tila may pinagbabangayan.

"It's a prank nga!" ani Briana.

"It's not funny, Bri."

Ngumisi ng mapang-asar si Briana. "Exactly! That's my purpose."

"Kahit kelan-"

"Ang aga niyan, ah?" pagsingit ko.

Humagalpak lang sa tawa si Briana habang itong si Brixel ay inirapan ang kapatid.

"Tingin mo talaga iiwan ka ni Ate Kim? Believe nga ako sa kanya kasi nagpagtitiisan niya ang ugali mo," muling pang-aasar ni Briana.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na matawa. Ang cute talaga nilang magkapatid.

"Tara na nga. Ang pikon nito, " pagyaya ko kay Brixel muli niyang tinapunan ng masamang tingin si Briana bago hinawakan ang kamay ko at iginiya paalis.

"Bye, love birds! See ya!" sigaw pa ni Briana.

"She's really annoying," komento ni Brixel nang nasa kotse na kami.

"Parang hindi mo naman kilala ang kapatid mo?" natatawang tanong ko.

"Habang tumatanda siya ay mas lalo siyang nakakaasar."

Humagalpak naman ako sa tawa. Si Briana lang talaga ang may kakayanan na painitin ang ulo ng kapatid niya.

Nilingon ako ni Brixel ng mabilis. "What are you laughing at? Pasalamat ka maganda ka."

I bite my lower lip to stop myself from laughing. Takot din naman akong mapikon ko si Brixel.

Masyado pang maaga nang makarating kami ni Brixel sa office kaya wala pang gaanong mga manggagawa.

"Sa office na tayo kumain."

I nodded. "Sure."

"Are you free tonight?" pormal na tanong niya habang kumakain kami kaya natawa ako.

"Ang pormal naman ata?"

Mahina rin siyang natawa.

"Baka kasi may prior commitment ka."

Chasing Lifetime (Chasing #5)Where stories live. Discover now