Chapter 38

177 8 3
                                    

Pareho kami ni Brixel na basang-basa ng ulan. We're just standing in the middle of the rain hugging each other and I have no single idea on what's going on.

Kinuha ni Brixel ang extrang t-shirt na nasa kotse niya habang ako ay nagpalit muna ng damit tsaka tumungo sa kusina para magluto ng ramen.

"You are really fond of Japanese foods."

Halos mabitawan ko ang sandok sa biglang pagsulpot ni Brixel sa likod.

Tipid na ngiti lang ang isinagot ko.

"Kelan mo balak bumista ulit sa Japan?" tanong niya na parang normal lang ang nangyayari ngayon, na wala man lang kailang-ilang sa kanya.

I shrugged my shoulders. "Not sure."

"Naakyat mo na ang Mount Fuji? It's your dream right?"

Parang kinurot ang puso ko.

Pangarap kong akyatin 'yon kasama ka, pinangako natin noon na babalik tayo roon sa climbing season para sabay na akyatin ang napakagandang Mount Fuji.

Tanging tango lang ang nasagot ko.

"Maupo ka muna, malapit na 'tong maluto."

"I know you're wondering why I came here tonight, sa labas ng bahay mo ay nadatnan mo ko sa gitna ng ulan." I heard him sigh. "Hindi ko alam kung kanino ako tatakbo, ikaw ang unang pumasok sa isip ko that's why I came here."

My heart aches. Sinisikap ko na walang tumulong luha mula sa mga mata ko.

"Ano bang nangyari? Nag- away nanaman ba kayo ni Bri?"

"The company is suffering right now. Alam mo kung gaano kahalaga ang company sa akin at kung kompanya lang ang nagsasuffer ay hindi ako magkakaganito pero si Briana." Natigilan siya.

Agad ko naman siyang hinarap.

"Anong nangyari kay Briana?" nag-aalalang tanong ko.

"She's also suffering right now, sila ni Dark." Yumuko si Brixel. "And I can't do anything. Wala akong magawa."

"Brix, I'm willing to listen."

Nang mag-angat siya ng tingin ay nagtama ang mga mata namin and his eyes were bloodshot.

"I know you will, Kim."

Kumain muna kami bago kami sumalampak sa couch at pinag-usapan ang problema niya.

Hindi ko napigilan ang pag-iyak nang marinig ko kung anong nangyayari kina Briana at Dark.

"Sana ay huwag basta isuko ni Bri si Dark." Pinahidan ko basa kong pinsgi.

"Knowing Bri? He will surely choose Dark over our company and I want her to choose Dark."

"Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to?" tanong pa ni Brixel. "I just want to have a happy life." Ipinako niya ang mga mata niya sa akin. "I just want to be happy."

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Gabing-gabi na nakauwi si Brixel kagabi dahil muling bumuhos ang malakas na ulan. Matapos namin pag-usapan ang tungkol sa problemang kinahaharap ng pamilya niya ngayon ay binalot kami ng katahimikan. Nakasandal lang siya sa couch, nakatingala at nakatulala sa may ceiling. Sobrang lalim ng iniisip, naawa ako. Ayoko siyang nakikitang ganito.

Halos hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip ko kay Brixel at ngayong gising ako ay siya pa din ang iniisip ko.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Where stories live. Discover now