Simula

339 14 21
                                    

Nagising na lamang si Fina sa isang lugar na wala siyang ideya kung saan. Nakagapos ang kanyang mga kamay sa magkaibang direksyon, gayundin ang kanyang mga paa. Wala rin siyang makita sapagkat mahigpit ang pagkakapiring ng makapal na tela sa kanyang mga mata. Doble-doble naman ang nakabusal sa kanyang bibig. Subalit nararamdaman niya ang panlalamig ng buo niyang katawan.

Pinipilit niyang kumawala ngunit sadyang mahigpit ang pagkakatali sa kanya. Maya maya’y may narinig siyang mga yabag ng mga paa, na hindi nagtagal ay naramdaman niyang hinahawakan siya nito sa kanyang pisngi.

“Ang ganda mo,” dinig niyang sabi ng isang lalaki na tila bang nang-aakit.

Panay lang ang himig niya sapagkat hindi siya makapagsalita. Pumapalag-palag siya rito subalit hindi ito nakakatulong upang maiwasan niya ang lalaki.

“‘Wag kang mag-alala, hindi kita sasaktan. Hindi ako katulad ng mga kasamahan ko rito.”

Napuno pa rin siya ng takot kahit nagpalubag-loob ang lalaki. Panay ang paghagulgol niya, nabasa na rin ang piring sa kanyang mga mata dahil sa mga luhang pinapakawalan nito.

Narinig niyang bumukas ang pinto at may iba pang mga dumating.

“Ano, sariwa pa ba ‘yan?” tanong niyon.

Matagal na nakasagot ang lalaki sa kanyang harapan. “Hindi na, boss. Pwede bang akin na lang ‘to? Ang ganda kasi eh.”

“Sige, ikaw nang bahala riyan. Aasikasuhin ko lang ‘yong iba.” Nagsara na ulit ang pinto.

Narinig niya naman ang pagtarangka ng lalaki sa pinto upang hindi ito mabuksan ng sinumang nasa labas.

“Nagsinungaling ako kasi ayokong ibang lahi ang makinabang sa’yo,” wika ng lalaki.

No’ng una ay hindi niya kaagad ito naintindihan. Naging malinaw lang sa kanya ang lahat nang bigla na lang siyang halikan ng lalaking ito. Sinubukan niyang pumalag subalit wala siyang nagawa dahil sa kanyang pagkakagapos. Puro himig lang ang pinakakawalan niyang ingay.

Hindi nagtagal ay tinanggal na ng lalaki ang busal sa kanyang bibig kaya naman nakapagsalita na siya. “‘Wag please! ‘Wag mong ituloy ‘yong binabalak mo sa’kin!”

“Hindi pwede. Tinubos na kita, kailangan mong bayaran ‘yon!”

Siniil ng lalaki ang halik sa kanyang mga labi, pababa sa kanyang leeg. Habang hinahalikan siya’y hinahawakan nito ang kanyang tiyan pataas sa kanyang dibdib na nilalamas-lamas ito. Ilang saglit pa’y pinailalim nito sa kanyang suot, na blusang kita ang balikat, ang kamay nito at dahan-dahang tinanggal ang kanyang bra.

“‘Wag!” muli niyang sigaw dahilan upang itaas muli nito ang halik sa kanyang mga labi.

Hinabol ng dila ng lalaki ang kanya at sinayaw-sayaw ito. Kinagat niya ang mga labi ng pangahas na lalaking ito dahilan upang ito’y mapadaing.

Saglit itong kumawala sa kanilang halik at nagwika sa mapang-akit na tono. “Anong pangalan mo? Gusto ko ‘yong mga ganyan, palaban! Kaya lang, wala ka nang magagawa. Pasalamat ka nga inuunti-unti pa kita eh! ‘Yong iba kong mga kasamahan mas marahas gumalaw.”

“Bago mo ituloy ‘yang binabalak mo, kalagan mo muna ‘ko. Ibibigay ko nang buong-buo ang sarili ko sa’yo basta tanggalin mo lang ‘tong gapos at piring ko,” pakiusap niya. Hindi man siya kumportable subalit ito lang ang naisip niyang paraan upang makatakas.

“Okay, sige,” sabik na pagkakasabi ng lalaki.

Tinanggal na nito ang piring sa kanyang mga mata. Hindi niya akalaing sa ganitong itsura’y magagawa nitong pagsamantalahan siya. Napanganga siya sa nakahubad na nitong katawan. Napangisi ito at sinimulan nang tanggalin ang gapos sa kanyang mga kamay. Ang akala niya’y makakawala na siya subalit mabilis siyang tinurukan ng pamparalisa dahilan upang siya’y mapasigaw.

“Akala mo makakatakas ka rito? Hindi! Pag-aari ka na ng Puercio Flamma! Walang nakakaalis nang buhay rito!”

Binuhat siya ng lalaki at hiniga sa kama matapos siyang tuluyang kalagan. Hindi na niya maigalaw ang kanyang buong katawan sapagkat paralisado na ito. Tinanggal ang lahat ng saplot sa kanya at sapilitang kinuha ang kanyang pagkabini.

Lick This GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon