Kabanata XXX: Ang Nawawalang Kaibigan

16 1 0
                                    

Magtatapon sana ng basura ang isang janitor sa labas ng pinagtatrabahuhang condominium nang may maamoy siyang masangsang malapit sa malaking trashbin.

“Sobrang baho naman! May nilagay ba silang patay na hayop dito?” Kahit naka-facemask na siya ay amoy na amoy niya pa rin ito at tila umaalingasaw sa buong kapaligiran.

Nakita niya ang isang malaking trashbag na sa pakiwari niya’y doon nanggagaling ang masangsang na amoy. Nang buksan niya ito’y laking gulat niya dahil tumambad sa kanya ang bangkay ng isang dalaga. Hindi na makilala ang mukha nito, tila sinadya itong sunugin upang hindi makilala. Agad niya itong pinagbigay-alam sa mga pulis upang maimbestigahan.

Dahil sa nangyari’y inimbestigahan din ang nasabing condominium. Isa-isang kinausap ang mga residente at mga nagtatrabaho rito. Tinignan na rin ang CCTV ngunit nakatakip ang mukha ng taong naglagay ng bangkay sa basurahan.

Lumabas na rin ito sa balita at maraming pamilya ng mga nawawalang kababaihan ang nagtungo upang kilalalanin ang bangkay. Maging ang mga magulang ni Janelle ay nagtungo rin sa pulisya. Subalit pinapanalangin nilang hindi ito ang kanilang anak.

“Bakit ba tayo nagpunta rito? Buhay pa si Janelle kaya hindi siya ‘yan!” inis na sinabi ng inang nangungulila sa kanyang anak.

“Paano kung siya? Ayoko rin namang makitang patay ang anak natin eh. Kaso lang matagal siyang nawawala. Hindi natin alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon o kung buhay pa ba siya,” tugon ng ama ni Janelle.

“Dito po tayo sir.” Tinuro ng pulis ang daan patungo sa morgue kung saan naroroon ang natagpuang bangkay.

Pagdating nila sa morgue ay agad na binuksan ng pulis ang kumot na tumatakip sa bangkay. Nakita ng ina ni Janelle ang balat sa braso ng bangkay na kapareho ng kanilang anak. Napaiyak siya at napatakip ang bibig nang makita ito.

“Hindi! Hindi siya ‘yan! Hindi si Janelle ‘yan!” mariing pagtanggi niya. Ayaw niyang paniwalaan na wala na ang kanyang anak.

“Gusto naming makasiguro kung anak nga namin ‘yan. Pareho kasi silang may balat sa braso,” wika ng ama ni Janelle na hindi na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.

*****
Nakarating na sina Lucas at Fina sa bagong tirahan ng binata. Napakalaki rin ng bahay na ito na nakapagpamangha muli sa kanya.

“Ang ganda rin ng bagong bahay mo. Mansyon pa rin ‘to eh!” papuri niya sa nobyo.

“Pero aminin mo, mas maganda pa rin ‘yong mansyon na pinagawa ko. Ito kasi binili ko na lang sa dating may-ari,” ani Lucas at inakbay ang kanang kamay sa dalaga.

“Oh, nandito na pala kayo.” Lumapit si Helena sa anak at bumeso sa nobya nito.

“Kumusta po tita? Buti bati na kayo ni Lucas?” nakangiti niyang sabi.

Hinawakan ni Helena ang magkabilang kamay ni Fina. “Dahil ‘yon sa’yo hija. Minulat mo ang mga mata ng anak ko para bigyan niya ako ng pagkakataong magpakaina sa kanya.”

“Oh Fina, Lucas, magkasama na naman pala kayong dalawa?” sabi ni Enzo na nanggaling sa ikalawang palapag kasama si Eman.

“Magaling ka na pala Enzo,” aniya.

“Naku malayo sa bituka.”

“Ma, Enzo, Eman, iwan ko muna kayo ha. Ililibot ko lang si Fina sa buong bahay,” wika ni Lucas.

“Bakit kuya, rito na rin ba titira si ate Fina? Magpapakasal na kayo?” sabat ni Eman.

“Kasal agad-agad? ‘Di ba bago pa lang kayo anak?” sabi ni Helena.

Lick This GunWhere stories live. Discover now