Kabanata XI: Dyamanteng Kulungan

65 7 31
                                    

Malalim na ang gabi. Tulog na rin si Fina pagkatapos niya itong sipingan. Napapangiti siya sa tuwing pinagmamasdan itong matulog. Nakapasok pa rin ang kanyang pagkalalaki sa dalaga, hindi niya pa ito hinuhugot at nakahapit pa ang kanyang bisig sa katawan nito.

Tinignan niya ang oras sa kanyang telepono; alas dose na nang madaling-araw. Dahan-dahan niyang hinugot ang kanyang pagkalalaki sa pagkakabae ni Fina. Ayaw niyang magambala ang mahimbing na tulog nito. Narinig pa niya itong umungol at binanggit ang kanyang pangalan.

“Uhmmm, Lucas.”

Napangisi siya habang nakaupo na sa kanilang kama. Bumulong siya sa kanyang sarili. “You’re a having a wet dream, baby. Parang ayoko na tuloy umalis sa tabi mo.”

Tumayo na siya at nagbihis ng itim na T-shirt na tinernohan ng itim na pants. Nagsuot siya ng gwantes, hinanda na rin niya ang bonet na kanyang gagamitin sa kanilang pangunguha ng bagong supply ng mga babae mamaya.

Nang handa na’y hinalikan niyang muli ang natutulog na si Fina. Binulungan niya pa ito ng “Sweet wet dreams baby. Ipapasok ko ulit sa’yo si Junior mamaya.”

Sinara niya ang silid at kinandado ito ng limang iba’t ibang susi ang kailangan.

“Bro, sigurado ka ba sa gagawin mo?” tanong ni Enzo sa kanyang likuran.

Napaharap siya rito, ngumiti at niyakap ang kaibigan. “Enzo, buhay ka pa!”

Bumitaw ito sa kanyang yakap. “Oo. Buhay ako. Pero hindi natin alam kung talagang nagbalik na ‘yong tiwala nila sa’kin.”

“Babalik ‘yon. Basta, gawin na lang muna natin ‘yong dati nating ginagawa.”

Tumingin-tingin si Enzo sa paligid bago magsalita nang pabulong. “Paano kayo ni Fina?”

“May pinangako sa’kin si Great Gordel. Kapag hindi niya tinupad, magkakamatayan kami!” Malayo ang kanyang matalim na tingin, hindi sa kanyang kaibigan.

Naglakad na sila patungo sa van na kanilang sasakyan. Siya ang nagmamaneho. Kasama niya sa unahang bahagi nito si Enzo at ang isa pang kasamahan nilang sindikato. Nakasunod sa kanila ang iba pang van na paglalagyan ng mga bagong babae ng Puercio Flamma.

Huminto sila sa isang night club kung saan naroon ang kanilang mga dudukutin. Napag-alaman kasi ni Enzo na magkikita-kita ang babaeng kanyang minanmanan kasama ang mga kaibigan nito.

Pumasok na sila sa loob. Nakita nilang maraming mga babaeng nag-iinuman, sumasayaw sa ritmo ng musika, at nagkukwentuhan.

“May silbi pa rin pala kayo!” banat ni Frank.

Napalingon sila sa likod kung saan ito nakatayo.

“Oo. Ako na naman ang magpapayaman sa’yo! Samantalang ikaw, wala ka pa ring kwenta!” pagmamataas niya.

“Tumigil nga kayo! Ang mabuti pa, pumwesto na tayo,” pag-awat ng isa pa nilang kasamahan na nakatatanda sa kanila bago pa sila magsapakan.

Naghiwa-hiwalay sila upang makakuha ng mga babae nang hindi sila nahahalata. Pinasok ng iba ang ladies room matapos nilang lagyan ng karatulang ‘out of order’ ang pinto nito at nagpanggap na mga tagalinis. Ang iba nama’y nakisabay sa ingay at galaw ng mga tao sa paligid upang hindi maging kapansin-pansin ang kanilang pagsalakay.

Madilim ang paligid kaya walang nakakapansin na may nawawala na palang tao sa paligid. Nakadagdag pa ang ingay dito. Nakasuot silang lahat ng itim na bonet upang sakaling mahuli ay hindi sila mamumukhaan ng mga ito at maisuplong sa awtoridad.

Nang magtagumpay ay agad nilang nilisan ang lugar bago pa may makapansing may mga nawawalang kasama ang mga kasama ng kanilang mga nabihag. Iginapos, piniringan at binusalan nila ang mga nakuhang babae upang hindi makapalag ang mga ito sakaling magkamalay.

Lick This GunWhere stories live. Discover now