Kabanata XXVI: Kahinaang Magdadala sa Kapahamakan

66 3 3
                                    

Bumitaw sa pagtakip ng kanyang mata ang taong nasa kanyang likuran na inakala niya’y si Lucas. Subalit nakita niya ang binata sa kanyang harapan kaya siya’y nagtaka.

“Get off her!” pagalit na pagkasabi ni Lucas sabay hila sa braso ng dalaga dahilan upang makaladkad niya ito papalapit sa kanya.

Sa ginawa ni Lucas ay doon niya nakita na si Nathan pala ang nagtakip sa kanyang mga mata.

Hinawakan niya si Lucas sa dibdib sabay sabing “Kumalma ka. Kaibigan ko siya.”

Pinakilala niya ito sa isa’t isa. “Lucas, siya si Nathan. Nathan, siya si Lucas.”

“Boyfriend niya!” maanghang na wika ni Lucas kay Nathan.

Gulat na gulat siyang nakatingin sa mga mata nito. Umakbay pa ito sa kanyang balikat.

“Hindi ko alam na may boyfriend ka na pala.” Matamlay ang tinig na pinakawalan ni Nathan. Nakatingin siya sa mga mata ng dalaga.

“Kailangan ba alam mo lahat? Bakit? Sino ka ba sa buhay niya?”

“Tama na, please! Talagang magtatalo kayo sa harap ko no? Sa harap ko talaga?” iritang pag-awat niya. Binaling naman niya ang tingin kay Nathan. “Pasensya ka na kay Lucas ha. Ganyan lang talaga siya magselos.”

“Ako? Nagseselos? Hindi ah!” Tumalikod si Lucas sa dalaga.

“Wala ‘yon, Fina. Naiintindihan ko naman siya. Kung ako ang boyfriend mo baka ipagdamot din kita sa iba,” sagot ni Nathan. Umalis na siya matapos bitawan ang mga salitang “Sige, iwan ko na kayo rito. Baka magsimula na ang laro.”

Naramdaman niya ang paglingkis ng braso ni Lucas sa kanyang bewang at ang paghalik nito sa kanyang kanang pisngi.

Napalingon siya rito. Ang kanyang mga mata’y matalas na nakatingin sa binata. Hinalukipkip niya rin ang kanyang mga braso. “Bakit mo sinabi ‘yon?”

“Ang alin?” litong tanong ni Lucas. “Na mag-on tayo? Hindi pa ba tayo sa lagay na ‘to? Para na nga tayong mag-asawa sa ginagawa natin eh.”

“Hinintay mo na lang muna sana akong magsalita!”

“Teka nga! Bakit ka ba ganyan magsalita? May gusto ka ba sa lalaking ‘yon?”

Lumalakas na ang tinig ni Lucas. Ang kanyang mga mata’y tumatalim na rin ang tingin kay Fina. Hindi siya makakapayag na may ibang lalaking umaali-aligid dito maliban sa pamilya nito. Nais niyang siya lang ang makagalaw sa dalaga.

“Wala okay! Sinasabi ko lang na dapat kumalma ka lang. Wala ka namang dapat ikaselos eh. Sa tingin mo ba papatol pa ako sa iba ngayong nakuha mo na ang lahat ng iniingatan ko at ng mga magulang ko?”

Lumayo ito nang bahagya sa kanya. Hinila ni Lucas ang braso ng dalaga at kinulong ito sa kanyang bisig. “Sorry na. Para kasing may gusto siya sa’yo kaya nagalit ako. Ayokong magkaroon ng karibal sa’yo, Fina.”

Hinimas-himas nito ang kanyang nakatirintas na buhok na nagmumula sa anit. Ang kanyang mukha’y nakasubsob sa dibdib ng binata.

“Saan tayo pwedeng mag-sex dito?”

Kumawala siya sa kanilang yakap. “Kaya mo ba ako pinuntahan at tinawagan habang nagkaklase para lang sa katawan ko?”

“Alam mo na ang sagot sa tanong mo.” Muli itong lumapit sa kanya. Binigyan siya ng isang mapusok na halik.

Bumitaw siya sa mga labi nitong tila ayaw pakawalan ang kanya. Tumingin siya sa paligid, napansin niyang nakatingin ang ibang mga estudyante sa kanila habang dumadaan ang mga ito.

“‘Wag kang mag-iinit dito. Pinagtitinginan na nila tayo,” bulong niya.

“I have tried public sex before. Gusto mong subukan?” pabulong ding sabi ni Lucas sa mapang-akit nitong tinig.

Lick This GunWhere stories live. Discover now