SIMULA

119 52 69
                                    


"Kace..."

Napalingon ako sa likuran nang marinig ang pangalan ko, agad akong napangiti nang makita ang mukha n'ya.

"Why are you here?" Nakangiti kong tanong, ngumiti rin s'ya at tumakbo papalapit sa akin.

"Gusto lang kitang makasama." napangiti naman ako, lumapit din ako sa kanya at kinurot ang pisnge n'ya.

"I'll stay by your side." Sabi ko habang hawak na ang pisnge n'ya, sandali naman s'yang napatitig sa'kin kaya napangiti naman ako.

Ngunit nagulat ako nang bigla n'ya nalang akong yakapin, 'yung yakap na sobrang higpit ngunit hindi ako makaramdam ng pagkasakal.

Hinaplos ko ang buhok n'ya at yinakap rin sya pabalik, sa hindi ko malamang dahilan ay bigla nalang pumatak ang mga butil ng luha na nagmumula sa aking mga mata.

"What's wrong?" Tanong ko sa kanya, kumalas s'ya sa yakap at hinarap ako, hinarap n'ya ako na may luha sa mata, pinunasan ko ang luha n'ya sa pisnge gamit ang hinlalaki kong daliri.

"I'm leaving" sinabi n'ya iyon sa paraang namamaalam, hindi ko alam pero parang inaasahan kona na iyon ang sasabihin n'ya, sa hindi ko matukoy na dahilan ay para bang alam ko na iyon, na para bang alam kong darating din ang araw na ito, at narito na nga. Ngunit hindi ko maiwasang hindi mabigla.

Patuloy na bumabagsak ang luha ko, hindi ko alam ang sasabihin at nakatitig lamang ako sa kanya. Dahan dahan n'yang pinunasan ang tumutulong luha ko sa pisnge at ngumiti sa akin, kahit pa nakikita ko sa mga mata niya ang pagod at sakit, at meron ding mga luhang nagbabadyang tumulo.

"Are you tired?" Hindi ko alam pero 'yon na ang lumabas sa bibig ko, kahit pa napaka bigat sa dibdib ay pinipilit kong magsalita.

"I'm not tired of you, but I have to give up." sinabi n'ya iyon ng may bahid ng saya at lungkot, naroon din ang malumanay n'ya na boses yung paraan ng pag papaintindi.

"Are you letting go?" gumagaralgal na ang boses ko at pinipigilang humikbi, hanggat maaari kailangan kong maging matatag.

"You have to let me, let you go"

"I...C-cant" napayuko ako at pinipigilang humagulgul, parang mababali ang tuhod ko at nanginginig sa pagpigil ng hikbi. Sa isip ko'y nagtatanong at nalilito ngunit may kung ano sakin ang bumubulong na bumitaw na ako.

Painful Goodbye'sWhere stories live. Discover now