Anim

58 43 33
                                    


Inabot ko kay Kyrie ang sulat at walang pasubaling pumasok sa loob ng bahay at dumretso sa kwarto. Ni hindi ko nga inalala na binati ako ni mama pero linagpasan ko lang siya, ewan ko ba, kung nasasaktan rin lang ako bakit ko pa binabasa, hindi ko rin alam kung bakit mas gugustohin kong basahin iyon kesa sa hindi. Wala rin akong pake alam kung magalit pa ang kapatid ko dahil binasa ko ang sulat na para sa kanya

I want to avoid it, I just want to ignore it, but I find it harder. In that avoidance and now, I am more hurt by the thought that I am running away from my weakness

' I'm such a fucking, coward'

I am just like everyone else, running when I can no longer handle the problem, I am afraid of everything because I once made a mistake and lost the big part of my life that I will take forever

'At yon ay ang mawalan ng alaala'

I have not been able to correct all my mistakes in life and I regret it. Then, now here it is, I am escaping this problem just because I am afraid of being hurt?

'Napaka walang kwenta ko naman'

Nakapangulambaba akong naka upo sa kama tanaw ang buwan. Shit! Bakit ganito ako ka Gago? Hindi ko alam, kahit wala naman akong nagawang kasalanan ay pakiramdam ko nagkasala ako ng sukdulan, kaya heto nakatingala ako sa buwan at umaasang mapapatawad ni bathala

Bumuntong hininga ako saka tumayo, lumabas ako ng kwarto saka marahang naglakad sa hagdan. May pamilya pa ako kaya bakit naman ako susuko. Naalala ko ang batang si christian, kung siya nga na Bata ay lumalaban ako pa kaya?

Nadatnan ko sila sa sala na nanonood ng TV, nagugulat pa sila ng lingunin ako, tumango lang ako kay mama at ganoon din sa kapatid ko. Sila nalang ang narito sa tabi ko hindi pwedeng pati sila at ipagtatabuyan ko

"Kace, gusto mo bang maka usap ang daddy mo?" Nagugulat akong napalingon kay mama, hindi ko matandaan ang hitsura ni dad pero noong makita ko ang isa sa mga picture niya ay alam kung tatay ko siya

"Sige po, ma" inabot sakin ni mama ang cellphone, sandali pa akong napatitig doon saka napagdesisyonang tumayo at kunin

"Hello Kace, anak!?" Nag aalalang tinig ang narinig ko sa kabilang linya

"Si Kace nga po ito"

"Kace si papa mo ito, alam kong hindi mo ako matandaan anak. Pasensya ka na ha, at nasa malayo ako, hindi manlang kita nasamahan bilang karamay mo. Anak sana maintindihan mo si papa, babawi ako sayo, sainyo, pangako iyan" hindi ko napigilan ang emosyon ko

"Salamat pa, naiintindihan kita" sinsero kong sabi

"Anak, alam kong nahihirapan kana, alam kong araw araw mong dinaramdam ang sakit. Pero sana anak tatagan mo ang loob mo, nandito lang kaming pamilya mo na aalalayan ka sa pagtayo sakaling hindi mo kayanin at matumba ka. Anak sana huwag kang sumuko, alam kung napakahirap lumaban sa labanan na walang kasiguraduhan, pero mas mainam na subukan mo parin, kasama mo kami Kace, hindi ka nagiisa, kasama mo kaming lumaban" tumulo ang luha ko, nakalimutan ko na meron pala akong isang ama na kasama ko sa labang ito

Painful Goodbye'sWhere stories live. Discover now